What's new

Closed Pasok mga pogi

Status
Not open for further replies.

edosempai

Forum Veteran
Joined
Mar 21, 2016
Posts
2,340
Reaction
1,124
Points
719
Age
30
So eto wala ng paligoy ligoy pa. Pano ba magka Girlfriend Hahahaha.

magsasabi ako ng mga konting katangian ko.

Di po ako ganon katangkad mga nasa 5'4 lang ata ako e hays. tas mahiyain po ako sa personal o pwede na sabihing introvert. Di ako mahilig makipag-usap sa mga tao lalo na sa babae ah tae, ewan koba kase pag lumalapit sila sakin feeling ko malulusaw ako sa hiya o takot ata ewan idk din e. Bali kulang daw ako sa self confidence sabi ng iba. Kaso di ko naman alam pano pataasin aargh..

Madami nagsasabi na may hitsura daw ako at sobrang bata ng face ko na di hahalatain sa mukha ko na ganon na pala edad ko. para daw akong 9months palang ganon de biro lang haha bata daw ako tignan kaya cute daw ako haha kacringe naman. Madami nagkakagusto sakin kaso di ko alam pakiramdam ko bakit kapag yung babae pa ang lalapit sakin ako pa yung nahihiya e sila naman yung may gusto sakin. Dami nagsasabi na ako daw dapat ang unang magmove pagdating sa babae kaso ala kong lakas ng loob haha nahihiya ako kasi sa mga tao sa paligid ko na parang ayoko makarinig ng issue ganon. Pero di ko po tinatanggi na may nagugustuhan.din ako at BABAE to di ako bading ah.

Kaya tanong lang po need ko tips pano magawan ng paraan tong pagiging mahiyain ko sa babae, para magka Gf nakooo whaaaa thanks
 
Just Do It, kulang ka pa nga lang siguro ng motivation, pero isipin mo nalang mamatay kana bukas. If else fails, magpa tipsy ka nlng, you might regret it but at least you did something (than doing nothing). Gusto mo diba?
 
I remember something na ginawa ko sa isang babae nung nakaraan lang, bali sinet up ako ng mga kaibigan ko sakanya dahil nalaman nila na may gusto ako sa kanya. Sinabi sakin na ayain ko daw siyang kumain at goods nayon. Sa sobrang hiya ko di ko magawa kahit pilitin nila ko di ako makalapit pero nung sinabi nilang sila na ang lalapit at magseset ng gagawin natakot ako. Di ko namalayan na ako din pala ang gagawa ng pag iimbita sa kanya. So ayon nag sigawan sa tuwa ang mga iba kong kaibigan at nahiya ulit ako sa ginawa ko haha pero narealize ko na sa takot ko din ata magagawa yung mga bagay na di ko kayang gawin o naiisip ko na di ko kayang gawin. Kaso parang balik din ulit ugali ko sa dati ganon padin mahiyain. hays
 
dapat maging aggresive ka pakapalan na ng mukha ngayon try lang ng try pag may natipuhan ka kunin mo agad number pag ayaw try ka ulit wala naman mawawala sayo eh
Ays, Yan din sinasabi sakin ng mga kaibigan ko haha pag nakakita ng babae irereto agad ako tas sasabihing kunin ko ang number. Pero naiisip ko na baka di ako magustuhan ng babae e kaya di ko din magawang kunin.
 
Normal lang naman na magustohan ka ng girls..ikaw na rin nagsabi na cute ka.Oo dapat ikaw magfirst move dahil ikaw ang lalaki,..pero sabi mo nga ay mahiyain ka.Ganito gawin mo,di ba sa mga pinsan or kung may kapatid kang babae,..di ba hindi ka nahihiya na makipag-usap?!..so makipag-usap ka sa girls na parang nakikipag-usap ka lang sa mga pinsan mong babae..maging simple at normal ka lang sa pagharap sa kanila..
sa totoo lang kung nahihiya ka sa mga babae..alam mo ba na mas doble ang nararamdaman na hiya ng mga babae ,pero hindi lang halata dahil dahil likas sa mga babae ang katangian sa pagtatagi ng kanilang emoayon.
Syempre wag mong kalimutan yung kalinisan,dapat mabango ka..gusto ng mga babae ang mabango at malinis sa katawan na lalaki..goodluck sana matagpuan muna ang iyong forever.
 
Porma ka lang , tapos praktisin mo makipag usap sa mga babae , try mo sa mga kaibigan mong babae kausapin mo sila na parang nililigawan pero syempre biruan lang . Dapat may alam ka din sa pagpapatawa kahit konti para hindi boring maging usapan nyo . Wag kang mahiya na kumausap ng babae , isipin mo lang na papatawanin mo lang sya papasiyahin ba . Gusto ng mga babae na napapasiya sila . Kapag lagi kang ganyan maiinlove sayo yun , tapos kapag sobrang saya na ng usapan nyo banat ka na ng mga double meaning na linya . Paalam mo na gusto mo sya. Yan muna punta ka sa opis ko kung gusto mo pa ibang tips hahahaha
 
hahaaha san ba yan boss. thank you very much dito haha gagawin ko to
 
Ang daming nag sabi 'lakasan mo lang loob mo' 'improve your self confidence' hindi po ganun kadali yun lalo na t may social anxiety.

Hindi naman kayo mali pero dapat dahan² lang . Self respect muna ts try to join groups thats interests you thats how u gain confidence. Step by step. Wag muna magmadali dahil lang sa sinabihan ka😉.
 
thanks po laking tulong nito sakin ❤️
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top