What's new

Panotice nang question ko

Meowsz

Elite
Joined
Oct 29, 2020
Posts
1,538
Reaction
2,674
Scenario:
Yung girlfriend mo may kacallsign na "babe" pero sinabi naman daw nya na walang malisya pero yung boy na kacall signn nya is kabrgy nya and childhoodfriend nya pag magkasama sila babe yung tawagan nila pero walang malisya sabi nya, pag kasama ko silang dalawa hindi naman babe tawagan nila kase siguro iniisip nila na medyo maweweirdohan ako pero sobrang close nila sa isa't isa.

Ang tanong kahit 100% pagtitiwala mo sa babae? Pag iisipan mo padin ba?

Btw 4 years na kami nang girlfriend ko going to 5
 
Last edited:

Meowsz

Elite
Respeto tawag diyan. Insensitive ang girlfriend mo. Pgasabihan mo ts
Eh sabi nga daw kase walang malisya ang point ko kase boss e baka iba galaw nung lalake siguro sa girlfriend ko oo tiwala ako pero dun sa lalake wala e alam kase natin galaw nang kapwa natin lalake diba tama ako?
 
imren06

Elite
Oo pagiisipan ko pa din.
Pumasok sya ng relasyon she needs to to her role.
Ang selfish kung itutuloy nya yung trip nya.
 
Yours

Babae po ako, alam ko ganyang mga galawan :pPagsabihan mo nalang si gf na iwasan nalang para walang problema..
 
Meowsz

Elite
Babae po ako, alam ko ganyang mga galawan :pPagsabihan mo nalang si gf na iwasan nalang para walang problema..
Mahirap boss e ayoko naman mawala connection nila kase childhoodfriend nya yun e tsaka kabrgy nya pa

Oo pagiisipan ko pa din.
Pumasok sya ng relasyon she needs to to her role.
Ang selfish kung itutuloy nya yung trip nya.
Hindi maiwasan pag isipan kahit may tiwala noh? Takot lang kase magka meron nang feelings sa boy lang talaga ako nagpopoint out baka may mamuo kahit konting feelings

Kayo guys sure ba kayo kahit patuloy parin yung tawagan nila walang mafefeel si boy sa girlfriend ko? Sakin lang ha meron mamumuong emosyon e
 
Last edited:

imren06

Elite
pre kapag pinagtripan ka ng tropa mo sa isang babae (crush ka nito)
1% agad ang feelings mo sa babaeng pinagtripan sayo and it is growing day by day.

50% feelings nyan malamang dun sa childhood nya.
No offense pero, she needs to choose. bago pa sya makapag decide na mas okay pa pala ang kanyang childhood sweetheart.
Pumasok sya ng relasyon, at may batas ang relasyon.
 
Llewor1

Established
Tanungin mo din yung lalake paps para clear lahat.. Maiintindihan nya naman yata kung wala naman talaga malisya at natural din naman na magduda ka. Pero malay mo gay pala yung childhood friend ng gf mo? 😅
 
Hindi gay lods pano ko pa pag iisipan nyan haha kung bading
 
cosmic wanderer

Established
interrogate mo yung dalawa seperate, itanung mo sa kanila:

-bakit babe tawagan nyu
-ano at saan nag simula ang tawagan nyu nang babe
-bakit nagtatawagan parin kayong babe.
-bakit hindi kayo nag tatawagan nang babe tuwing kasama ako

tapos mag tanong tanong karin sa mga childhood friends nila nang mga:

-history nilang dalawa
-ano nangyari sa kanila bago ka pumasok sa buhay nya
-ano ugali nang GF mo
-ano ugali nang babe nya
-palagi ba sila dati at ngayun nag kikita

mas maganda waterboarding mo, pero baka makasuhan ka kaya interrogate mo nalang na walang gaanong emosyon.
 
kung walang gf si boy eh may konting problema yan ts nangyare na rin sakin yan sa huli problema na kaya habang ok pa magusap na kayo ng masisinsinan sana maging ok kayo sa future nyo pagisispan mo rin ts ang mga aksyon na gagawin mo
 
syempre. yung sinasabi mo na nga yung patunay. tatawagin nya yung ibang boy na babe? haha pwede naman ibang call sign pero bakit babe? alam naman nila yung salitang respeto pag magkakasama kayo. mukhang may mali dyan kahit sabihin nyang walang malisya. pagsabihan mo yang gf mo ts.
 
taurexn

Honorary Poster
normal na ma-insecure ka sa gf mo.... isa lang ibig sabihin nyan, may bagong outlet sya ng kasiyahan sa bagong fling na wala sa iyo kaya ang remedyo mo dyan ay i-channel mo yun attention nya sa iyo baka kailangan nyo mag date o gumala
 
Sa lahat nang nagcomment ito yung parang totoo e kase tol ganito yan busy kase ako sa negosyo ko tsaka hindi kami masyado nagdadate na yung gagala yung date namin kakain lang sa fastfood manginasal etc siguro need namin gala gala na yung kami mag uusap or mag sswimming.
 
OPM The KinG

Established
hmm ang lalaki kahit sabihin pa yan na best friends lang pag nakakakita yan ng butas, alam na. yung comfort2x nakoww mag duda kana pre. naranasan ko na yan, nakakamis din mag comfort ng close friend na babae, lalaki ay lalaki talaga yan.
 
Jm Nice

Honorary Poster
Almost same ang problema natin TS ,
Ang akin naman yung gf ko meron syang kinukwento sakin na guy ( pinsan nya daw yun) 3rd cousin nya at taga dun dn malapit saknila .. Nababasa ko usapan nila sa FB lagi niyaya ng boy yung gf ko na tumambay , in fact gabi pa nya niyaya gf ko like 7-8 pm .. Nakakapag duda kahit sabihin nyang pinsan nya daw .. Medyo may kutob ako na may feelings sya dun .. At recently may nadiscover akong di ko mattanggap ..
Sa convo nila nabasa ko kapag nakatambay silang dalawa wala silang ibang kasama , at isang time na yun hinawakan daw nya gf ko sa bewang ..
Yung gf ko parang gusto nya dn .. Ni hinde man LNG nagalit .. At nabasa ko dn na nilalandi nya ung gf ko .. Like gusto nya I kiss .. Laplap pa daw pero ung gf ko parang gusto nya din kasi nag oo sya sa guy , sobrang sakit ng mababasa mo yun as her bf 💔😭 .. Sabi nya pinsan nya LNG pero bakit ganun sila mag usap ..
Di naman Gawain ng mag pinsan yun DIBA ? anyway d alam ng gf ko na nababasa ko mga convo nila .. Ansakit sobra 😭💔.. Until now kumakapit pa din ako sa gf ko .. 4 years and 4 months na kami .. Sobrang loyal ko sknya never ako nag cheat at tumingin sa iba , mahal na mahal ko kasi 😭 .. Sana makayanan natin ang ganito bro .. Sakit .. 1st love ko pa .. Sana mabasa mo to ts .. Same tayo halos ng problem .. Magkaiba lng kasi babe ang tawagan nila sakin naman mag pinsan daw ..
 
Pag ganyan tols komprontahin mo kung hindi nya kayang iwasan yung guy ikaw na lang yung lumayo. Tanungin mo pero yung tanong medyo lilituhin mo para magsabi nang totoo
 
Top