katulad nga ng sinabi ni ichibane, maghanap ka ng games na populated(maraming players) at may p2p(player to player) trading ng items at game currency, ang gagawin mo lang eh magfafarm ka lang tapos ipunin mo lang yun tapos benta mo sa mga buy and sell groups. Di ka kikita kaagad diyan, unless maglalabas ka muna ng pera para sa farming gears, todo farm ka muna ng mga items na gagamitin mo bago ka makapagbenta, kaya usually ang mabebenta mo muna eh in-game currency bago yung mga rare items na mas malaki ang kita.