What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

PANO MALALAMAN NA MAY COVID KA?

JackColee

Established
Joined
Apr 24, 2018
Messages
252
Reaction
1,576
Age
21
guys need help po,possible po ba na pag nahawaan ako ng covid mag kaka symptoms kana agad? galing kase akong tagum(DavNor) kase need namen ng expandabe folder para dun ilalagay ung module,kaso hindi kame nakapasok sa mga mall kase kailangan daw 21 pataas,so ayon nag try kame sa ibang mall pero wala den,uuwi na sana kame non kaso nag papasama ung classmate ko sa palengke,tas nung pumasok na kame sa palengke ang daming tao di na nasusunod ung social distancing pero wala naman akong hinawakan na iba nag c cp lang ako nung nasa palengke,tas pagka tapos non umwe na kame,nung naka uwe na ako medyo di okay ung pakiramdam ko,medyo masakit ulo ko,kinabukasan nag ka sipon na ako( isa sa mga sintomas ) tas minsan barado ilong ko,then ngayong araw naman kakain ko lang tas parang wala na akong nalalasahan,itlog po kinain ko minsan kase maalat ung niluluto ng lola ko, tas nag try den ako ng asukal then hindi ko talaga malasahan ung tamis as in wala.sana po may mag advice saken kung anong gagawin ko :< 19 palang ako.
 
Usually lumalabas ang syntoms 5-7 days na nag ka contact ka sa may covid. Base sa mga sinabi mo yan ang mga common syntoms ng covid. Ganyan kasi kadalasan naging symtoms ng mga katrabaho ko bago mag lockdown ang office namin. Ang sabi sa bagong pag aaral hindi lang sapat ang 3 feet social distancing kasi nag circulate daw sa hangin ang covid lalo nasa isolated place ka. Dahil sa sinabi mo pumunta ka sa palengke at maraming tao posible nga nahawa ka kahit wala kang hawakan. Mag isolate ka ma sa bahay mo at kumontak ka na ng LGU niyo para matulungan ka.
 
Comment

Kim Da-hyun

꧁☬ ţ σ к ᗯ 𝓐 ☬꧂
Contributor
I-iosolate mo muna yung sarili mo. Tapos pahinga at inom ka ng vitamin C. Monitor mo lang din sarili mo kung lalagnatin ka, tsaka yung mahihirapan kang huminga.
 
Comment
common flu lang siguro yan sa iyo TS.
mag steam inhalation ka na lang muna pang prevention ba.
 
1 Comment
M
MrLieutenant
Yeah lagyan mo ng efficacent while mag inhale ka...basta wag mo lang iinumin ah baka mapadali ang buhay mo😅✌️...
 

U r e k

Elite
Ts, Try mo magsuob ng vex or asin kapag hindi parin nawala yang nararamdaman mo magreport ka na sa malapit na ospital,
 
Comment

U r e k

Elite
Madalas ako maggala noong nakatira pa ko sa ate ko ako kasi madalas utusan dun punta sa palengke bili ng gamot sa labasan bumili ng rekado kung saan saan, Nagkasakit din ako wala akong panlasa, wala akong plema pero naubo at meron di akong sipon, akala ko nga covid na haha Sinuob ko lang nawala na, 2-3 times ako nagsuob sa loob ng isang araw kinabukasan wala na
 
1 Comment
J
JackColee
pano po ung suob?
 

Pork321

Established
ETO PO CLICK nyo mainam din sundan nyo si DOH sa viber EVERYDAY SIla ngpopost regarding coronavirus! may self test din para makasigurado na wala ka nga coronavirus
 
Last edited:
Comment

Pork321

Established
REAL TALK once may mga sintomas ka ng coronavirus kahit simpleng lagnat yan pero wala ka naman talga corona they will count that as covid mainam na tumawag ka sa telemedicine. kung takot ka talaga marami naman sigurong swabbing facilities dyan sa inyo... may mga kilala ako na nagkaroon ng corona. pero siguro dahil na rin pabaya sila madalas nakuha sa inuman eh . tigas ulo . usually nawwla corona by drinking fever meds, biogesic,. kain gulay at prutas, proper sleeping din . if di ka talaga sure magpa swab test ka na i think libre naman kasi dyan sa lugar nyo... by the way and treatment ng coronavirus AY HINDI LIBRE NG GOBYERNO!
 
Last edited:
Comment

alist1986

Forum Veteran
Dapat po ay napakalaking pursiyento na ng tao ang alam ang kasagutan dyan. Viral at antibody tests lang ang magsasabi kung meron kang pangkasalukuyan o nakaraang impeksyon ng covid-19. Ito po lamang ang mabisang paraan dahil nga sa iba-ibang grado ng asymptomatic to symptomatic cases na maaring magkalat/manghawa ng sakit. Ang symptoms chart para para lang magbigay ng babala tungkol sa maaring idulot ng sakit.
Ang symptoms nyan ay halos perehas ng simple at grabeng trangkaso at ubo+plema + hirap sa paghinga. Lalo po siguro doon sa mga asymptomatic na walang senyales ng sakit. Kaya swab test lang ang kailangan.
 
Comment

alist1986

Forum Veteran
JackColee...2 beses na nangyari sa anak ko yan sa Maynila ng maiwan siya sa kanyang dorm at nang magkaroon ng massive infection sa kanilang temporary field office/barracks sa field. Yung misis ko sa ospital, sumakit lang ang lalamunan/nawalan ng panlasa, quarantine na agad hanggang hindi lumabas yung tests. Protocol lang kasi yan. Same symptoms as stated by FOH/CDC, pero no infection ng ma-test ng ilang ulit. In many cases, false alarm maaari yan, tulad ng sa'yo. Normal din yang yang walang panlasa sa influenza patients, unless merong COVID-19 cases sa tabi ninyo! Lakasan mo lang ang loob mo anak. Bata ka pa kaya malaki ang tsansa mong makaraos kahit pa COVID-19 yan. Pa-test ka na lang para matahimik ka na, libre naman yan. Kung ayaw mo naman, just do the normal routine of treating respiratory diseases tulad ng trangkaso - paracetamol sa lagnat at sakit ng katawan, or tuseran forte (and alternatives) kung may ubo at lagnat, expectorant para ibsan yung lalamunaan/baga, tamang pagkain at pahinga. Wala namang cure yan kung totoong "coronavirus", pero kung hindi ay gagaling ka pagkatapos ng ilang araw! Be positive, and face reality.
 
Comment

Online statistics

Members online
1,722
Guests online
1,726
Total visitors
3,448

Forum statistics

Threads
829,010
Messages
16,400,755
Members
1,445,828
Top