Mga master ano po ba pwedeng gawin para mag on ulet yung phone ko? Bigla nalang kasing di na bumukas eh. Kaninang umaga okey pa naman, tas nung nalowbatt chinarge ko. Nung una maayos pa, kapag tinitingnan ko kung ilang percent na yung battery, nagbubukas pa naman. Tas mga ilang minuto nakalipas binunot ko na, biglang ayun ayaw na magbukas. Nangyari na din yung ganito sa phone ko dati pero nag hard reset lang ako gamit ang volume down at power button bumukas din naman at naging okay ulet. Pero ngayon kahit anong pindot ko, ayaw talaga. Sinubukan ko ding icharge pero di man lang umilaw o nag vibrate. Ano po kayang problema mga master? Sana po ay matulungan nyo ako. Salamat po in advance.