- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,567
- Reaction
- 7,225
- Points
- 2,573
Juan 14:6—“Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay”
“Sinabi ni Jesus sa kaniya: ‘Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Bagong Sanlibutang Salin.
“Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.’”—Juan 14:6, Magandang Balita Biblia.
Ibig Sabihin ng Juan 14:6
Kung gusto ng isang tao na sambahin ang Ama, ang Diyos na Jehova, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. dapat niyang kilalanin ang mahalagang papel ni Jesus.“Ako ang daan.” Sa tulong ni Jesus, makalalapit sa Diyos ang mga tao. Halimbawa, kung mananalangin tayo sa Diyos, dapat nating gawin iyon sa pangalan ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil sa kamatayan ni Jesus, naging posible na magkaroon ang mga tao ng magandang kaugnayan sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagbigay din si Jesus ng halimbawa ng paggawi para sa mga taong gustong mapasaya ang Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
“Ako . . . ang katotohanan.” Palaging nagsasabi ng katotohanan si Jesus, at namuhay rin siya ayon dito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Puwedeng matuto ang isang tao tungkol sa Diyos kung makikinig siya kay Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Jesus din “ang katotohanan” dahil tinupad niya ang mga hula sa Bibliya. Dahil sa kaniya, naging totoo ang mga pangako ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
“Ako . . . ang buhay.” Ibinigay ni Jesus ang buhay niya para ang mga nananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Siya rin “ang buhay” para sa mga namatay na, dahil bubuhayin niya silang muli.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
“Walang sinumang makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Kung gusto ng isang tao na magkaroon ng magandang kaugnayan sa Diyos, dapat niyang kilalanin ang mahalagang papel ni Jesus. Dapat siyang manalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus para ipakitang kinikilala niya ang awtoridad ni Jesu-Kristo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kinikilala rin niya na posible lang ang kaligtasan dahil kay Jesus.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..