What's new

Palakihan nang Baon

Naalala ko yung Classmate ko 200 php baon nung Grade 6 kame 😱 ako 5php lang 😂 katabi ko sya kaya nakakalibre kami pagkain, bibili sya ng isang box ng pizza, 2php per hiwa di yung branded, tinapay lang yun na may ketchup 😂
 
Ang yayaman niyo naman. Kami noon, laging sinasabihan na para magkapera ng malaki at mabili ang gusto nung mga bata pa kami, ipunin dapat namin yung mga binibigay na baon namin. Kaso paano naman kaya kami makakaipon ng pambili kung kamoteng kahoy ang baon namin....?
 
elementary days ko from 1983 to 1990..50 pesos ang baon ko,,mga classmates ko 20 pesos,,ang tinda sa school canteen,2 pesos ang gulaman or juice and Nutri Bun libre nung time namin kapag malnourished ka..REALTALK.
im 45 years old now.
 
10 pesos tapos may baon pa na Biskwit at zesto tapos sa lunch ang ulam ay maalin sa Hotdog, hamunado, Tocino, manok o karneng baboy. Bihira mag isda.

Akala ng cm8 ko may poultry kami kasi madalas manok.
 
20. gusto ko pa mag highschool noon kasi 100 pesos baon. tas sa college 300 hahah

pero hindi ko naman masyadong nagagalaw baon kong pera kasi may foods din na baon pang recess tsaka lunch kasama na drinks haha
 
Ang yayaman niyo naman. Kami noon, laging sinasabihan na para magkapera ng malaki at mabili ang gusto nung mga bata pa kami, ipunin dapat namin yung mga binibigay na baon namin. Kaso paano naman kaya kami makakaipon ng pambili kung kamoteng kahoy ang baon namin....?
Baka ibenta mo daw yung kamoteng kahoy ang pakahulugan nila🤣
 
Elementary way back 1995-2002

Baon ko malaki na P10 or P20.
Plus may everyday akong Zesto at Hansel sa baunan ko.

yung 10 na yun pambili ng mangga, santol, text, jolens sa labas ng school paguwiann na 🤣
 
images (13).jpeg
 

Attachments

Back
Top