What's new

Palabas lang ng sama ng loob

Watashiwabakadesu

Forum Veteran
Elite
Joined
Aug 15, 2020
Posts
2,298
Solutions
1
Reaction
703
Points
630
May mga tao talaga na masaya wasakin ang kaligayahan ng iba
O sadyang mataas lang talaga tingin nila sa sarili nila na hindi nila pansin na meron na silang nasasaktan
Kaya hindi ako naniniwala sa dyos kasi kung sino pa naturingan na alagad ng dyos ito pa ang mapagmataas na tingin sa sarili na sila mismo ang boses ng panginoon
Merong isang tao hindi siya mashado matalino pero lagi niya tinatanong sa sarili bat ganito buhay niya
Iinsultuhin siya dahil nag aksaya daw siya ng pera dahil winaldas niya ang limang pesong binigay sa kanya hinamak siya na walang kwenta at tingin niya ang halaga ng buhay niya ay mas mababa pa sa aso at pusa
Kasi naman ang aso at pusa pinag aaksayahan nang libong libong halaga ng pera pero hito siya sa halaganag limang peso halos pa luhurin na siya sa insulto..
Ganito pala ang isang alagad ng dyos parating ipapamukha sa kanya ng ang pera nila ay galing sa mga biyaya ng mga tao..
Alam mo ba ang paki ramdam nang bo moo ka ng bilog na sabon..
Ang bilog na sabon na ito ay gawa sa mga tira tira na sabon at galing sa maliit na bilog ay masaya kang nakikita tong lumalaki..
Nag aaksaya kaba ng pera eh ang ginamit mo lang naman ay tira tira ng sabon na kasing laki ng koko ng pusa..
At yun ang bilog na sabon ay lumaki at naging sing laki ng itlog..
Nagtataka siguro kayo Kung bakit bo boo ng ganito
Kasi ako ang taga hugas ng pinggan mula umaga hanggang gabi
Ang isang bareta ng sabon ay katumbas ng limang peso at nagtatagal toh ng 3 araw na hugasan
Biruin mo ang halaga ng buhay ko kasing liit lang ng sabon na panghugas ng pinggan
At alam nyo ba ano ang sabi sa akin ng alagad ng dyos
Sabi nya sabon lang yan wag mo tipirin pero pag na ubos ako ang sisihin keso aksaya daw ako ng tubig keso aksaya daw ako sa sabon etc.
At habang nagsasalita at naghahamak sa akin titingin na lang ako sa mga alagang pusa at aso nila na libong libong ginagastos kada buwan..
Kaya yung sabon na panghugas ng plato pinipilit kung tumagal at sila naman baliwala lang sa kanila kung pano gamitin yung sabon pag sila gumamit isang araw palang lusay na yung sabon at wala nang natira..
Dahil ang limang pesong sabon ay katumbas ng buhay ko kahit kunting tira tira nito ay inipon ko at gumawa ako ng bilog na sabon..
Nakakatuwa kasi ang tira tira ng limang pesong ay lumalaki at na isip ko kahit limang peso lang ang katumbas ng buhay ko pag inipun ko ito lalaki at lalaki ito..
Isang araw nawala ang bilog na suban na inipon ko ng ilang buwan..
Nakita pala ito ng alagad ng dyos at binasag ito..
Sabi niya bat ka nagaaksaya ng sabon..!

Ang malungkot na bahagi ng kwento
Wala ako naramdaman ng nakita ko ang basag na bilog na sabon..
Ang ginawa ng alagad ng dyos ay nagpapa alala lang sa akin na ang walang kwenta kong buhay ay wala ng pag asa
Gaano ko man ito sadyang boohin hindi ko na ma e aalis na ang halaga ko ay mas mababa pa kaysa limang pesong sabon na panghugas ng pinggan..
 
nope... mas mahalaga ka kesa sa sabon, wag mo hayaan ma-down dahil sa aksyon ng alagad ng diyos, baka kadiliman ang diyos nyan kaya ganyan
umalis ka dyan, wag ka matakot, makikita mo kung paano kumilos ang totoong Diyos.
 
Boss sa kanila muna ngayon, bukas makalawa sila naman mag hahanap ng tutulong sa kanila, pero tulungan mo pa din sila, ipakita mo pa din yong pag tulong ng walang kapalit ,
Naranasan ko na yan boss ,iiyak mo lang yan ngayon ,Be grateful nalang pag nalampasan mo yan
.
Keep Fighting
Fly High
 
kung patuloy ka sa kanila mag papa alipin mananatili kang ganyan anuman ang gawin mong pag susumikap kung sa mga ganyang uri ng tao ka makikisama mananatili kang maliit sa paningin nila at sa pakiramdam mo hanapin mo yung halaga mo at wag mong iasa sa ibang tao patunayan mo na di ka lang katumbas ng isang baretang sabon dahil walang katumbas na halaga ang buhay ng isang tao kung mas pipiliin lang natin na iangat ang sarili natin at iwasan ang mga negatibong bagay at lumayo sa mga ganyang uri ng tao...
 
kaya ayoko talaga sa mga tao😓 akala mo sila pinakamataas sa lahat, akala mo alam nila lahat para sabihin ang mga bagay na dapat gawin mo. kung kaya mo naman sarili mo ts na sigurado naman na kaya mo kung ako sayo aalis na ako dyan. hinding hindi ako sasama sa mga tao na hindi tanggap ang kasiyahan ko, hindi mo kaylangan magkaroon ng kahit anong kwenta sa mga taong hindi ka naman pinahalagahan.
 
iho, tandaan mo. palagi kang may choice sa buhay mo. maaari kang magbigay o di magbigay ng pake sa lahat ng taong nkapaligid sayo kahit kamaganak mo pa sila. nasa kamay mo kung magpapatuloy ka pang maging biktima ng kaalispatanganang ginagawa ng ibang tao sayo.

walang kinalaman ang relihiyon sa ginagawa ng tao dahil palaging may choice ang taong gumawa ng mali kahit alam nilang mali ang kanilang gagawin at maniwala ka man o hindi ay hindi marunong matuto ang tao sa kanilang kamalian. hindi porket relihiyoso ay banal na ang dapat mong turing sa kanila.

maipapayo ko lang, kung kaya mo nang tumayo magisa at mamuhay ay humiwalay ka nalang sa ganyang klaseng mga tao. hindi mo sila mababago, nako andami kong kilalang ganyan. tanggapin mo nalang na hindi sila magbabago pero yung sitwasyon mo kaya mong baguhin yan.
 
Pasensya na boss hindi kasi ako ganun katalino wala din akong ibang mapupuntahan nakakulong lang ako dito
Kung walang internet matagal na siguro akong nagbigti
 
Boss easy lang ,Feel ko ngayon yong bigat nv loob mo ,pero bilog ang mundo yan lang tandaan mo,
labas mo sama ng loob mo sa di mo kakilala ,lalo na dito
 
Matagal ko na sinukoan buhay ko kaya dito na lang ako bumababad sa internet kong walang internet hindi ko alam anong nangyayari sa labas..
Nasanay na din ako sa ganitong buhay hindi ko maiisip kung pano ako mabubuhay sa labas..
Nakaka manhid na rin kaya nga favorite ko mga zombie movies nakikita ko sarili ko sa zombie..

R. I. P sa bilog na sabon hindi pa saya natutunaw hanggang ngayon siguro bukas mawawala na siya..
Kasama ko din toh nang nag simula ang covid at lockdown well lagi lang naman ako dito sa loob kahit lockdown hindi rin naman ako lumalabas wala kasi ako dahilan para lumabas..

Abnormal na buhay ko tanggap ko na yun kahit gaano kahina pagiisip ko nakikita ko sa tv at internet na iba iba buhay ng tao..

Pero pagkinalakihan mo na ang paniniwalang iba mahirap na yun baguhin at least para sa akin lalo na pag lumaki ka sa paligid kung saan mga alagad daw ng dyos ang nakatira..

K
 
[XX='Watashiwabakadesu, c: 568384, m: 1752901'][/XX] huh? Asahan mo na kasi palagi, na ang buhay ay hindi patas. Ilang taon ka na pala ts?
 
Mag dasal ka parati kaibigan malalampasan mo rin yan at kung alagad talaga siya ng diyos bakit ang sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya ang totoong alagad ng diyos ay mabait at di mayabang example kung magsisimba ka ba tuwing linggo para mabawasan ang kasalan mo tapos pag uuwi ka ng bahay nyo tapos uulitin mo rin kasalanan mo edi wala ring pakinabang dapat may baguhin ka sa sarili mo may kasabihan nga tayo Nasa Diyos Ang Awa Nasa Tao Ang Gawa Wag kang mag aalala kaibigan ipagpipray kita 🙏 laban lang ✊
 
Baka my anxiety problem ka bossing, parang ticking time bomb yan.. ako dati ganyan din, let loose lang at tawanan ng criticism... Unahin mo sarili mo, yung future mo.. Set goals like earning money to move away from people that gives you a hard time.
 
Di yan alagad ng Dios...
Baka alagad ng kadiliman yan... pag inabutan yan ng oras nya, tingin mo kilala ng Dios yan? Palagay ko hindi.
 

Similar threads

Back
Top