Haha. Taga saan po bang lugar yan? Ahmm. Kasi po. Isa po sa inutos ng diyos saamin ay ang pagiging malinis. So it means hindi nila ginagawa ang tungkulin nila bilang isang muslim. Mas lalo na ang pagnanakaw! Hindi po inutos at wala po saaming banal na aklat ang mga ganyang gawain. Hehehe boss salamat sa opinyon mo boss. Masasabi ko lang sa mga taong iba ang tingin sa aming relehiyon, Dont blame islam, kasi nasa tao po yan at hindi sa relihiyon. Kasi ang islam po ay binuo sa perpektong paraan. Kung may ginawa mang mali ang isang muslim. Tignan niyo siya hindi bilang muslim. Tignan niyo siya bilang tao. Kasi po minsan Nadadamay ang relihiyon sa mga pinaggagawa ng mga tao. Isa pa po, matunog po saatin yung nangyari sa mindanao. Sa marawi. Kinalulungkot ko pong sabihing hindi sila mga muslim. Kasi sa banal na qur-an (Banal na libro) kailan man ay hindi naisulat o nai utos na dapat mamilit o dapat pumatay ng isang tao o isang Kristiyano o ano mang relihiyon dahil lang sa hindi pag sunod o hindi pag convert sa islam. Isang malaking kasalanan para saamin na pumatay ng walang kalaban laban na tao. Kaya masasabi kong hindi sila muslim. Hindi sila sumusunod sa islam. May verse sa qur-an (banal na libro) na nagpapatunay na hindi marahas ang islam. Ito'y si prophet muhammad s.a.w. Ay inanyayahan ng mga quraish (ibang relihiyon) na subukan ang kanilang relihiyon. Ngunit si Prophet Muhammad ay nag sabi. "Laqum deenukum waliyadeen" sainyo na ang inyo (relihiyon) at saakin na ang saakin. -Surat al khafiroon
Nagpatunay ito na hindi inutos saamin na pilitin o patayin ang sino mang ibang relihiyon o sino mang di sumunod sa islam. Pwede natin siyang pagsabihan, pero hindi sa marahas na paraan. Salamat