rundel0906
Addict
- Joined
- Mar 27, 2016
- Posts
- 30
- Reaction
- 1
- Points
- 73
sa mga mahilig jan sa chess. help po
tol pwedi ba mahingi advise mo.kung paano gumaling maglaro sa chess. ang ratings ku ngayun mga 1300 pa.Meron tolyakarpov name ko dun
Tama yan at kahit sa wayback machine, marami rin nakatago. Mahilig din ako dati nyan dahil computerchess at iba pang board game AI apps ang hobby ko noon, and as official tester ng commercial at opensource engines. As a player, mga 1850-2000 elo lang naabot ko noon. OK na yan sa'kin dahil di naman ako talaga mahilig maglaro, kundi paglabanin yung aking chess engine mods+opening books online or offline he he. Maraming chess forums na sangkatutak ang information from software to ebooks.Sa archive.org madami ebook,, pagnakapasok ka na sa site,click mo yung may drawing na book,tapos sa search bar type mo chess.yung pdf file dinadownload ko dun.android kasi gamit ko.kung android ka din,magdownload ka din ng chess book study free para may reader ka na din ng pdf.sana nakatulong sayo.
master katatapos ku lang magbasa ng My system. hmm master pwedi ba mag request ng think like a grandmaster sayo? kasi hirap aku mag download sa torrent. TIA master
It's unfortunate to hear this news. Ang dami pa namang magagaling sa Pilipinas, di man lang mapondohan just to compete di tulad noong panahon ni Eugene Torre (ng kasikatan pa ni Bobby Fisher, Anatoly Karpov, viktor Korchnoi, Garry Kasparov.....baka di din alam yan ng karamihan sa ngayon).Yung team natin ngayon sa asian championship di nakalaro kasi walang pondo.sa businessworldonline may column si bôôby ang sa chesa tuwing monday at friday.para updated ka.sa chess news.download mo din follow chess.makakapanuod ka ng live na laban.sa chess.anu naka download ka na ba ng chess books? May nakita ako sa archive.org na new book,kramnik winning combination.
Naalala ko rin noong kabataan ko noong '90s sa Sta. Mesa, Manila. Magaling naman ako sa table tennis at tinatalo ko yung mga ibang National players kung nagamay ko yung palo. Trainer ko kasi yung kababata kong coach ng Gintong Alay noon. Naglalaro kami sa bakuran ng may dumaan na matandang kalbo (which I knew later was +70 yrs old) na may kariton din (bote-dyaryo noong araw), titig at wala man salita sa panonood sa amin. Ng sitahin ko, biglang nag-alok makipaglaro. Binigyan ko pa ng Butterfly na pang-tournament na bat, pero may dala pala siyang kanya - isang plain na plywood bat. Sa practice games, tila ordinaryo lang siyang pumalo, pero kalaunan ay nearly perfect siyang nakakabalik ng bola kahit anong lakas pa ng drives at spins namin, at parang di pa napapagod. Talo kaming lahat. I learned some new tricks from him ng dumalaw siya ng madalas - being calm at ibalik ang bola sa kalaban sa eksaktong lugar na ibig mo w/out doing any fancy shots. I never gained trophies in college nor joined any sports group, pampawis lang, but I beaten the complete varsity table tennis team with ease using the same style of my good old sensei he he. Similar story ehhh?2200 ako kaso bumagsak sa 1856.sa chess.com.nag eexperiment kasi ako ng opening.alam mo ba may naimbento akong opening.di sa akin mahalaga ang rating.may friend nga ako na tumatalo ng grandmaster pero 1800 lang rating.di ka kasi sya nagpapataas ng rating kasi di ka makakasali sa tournament ,kapag mataas rating mo.eh sa master division malaki entrance fee.mahirap lang kasi tayo at walang pondo sa chess kaya karamihan sa pinoy player larong pera lang..maraming magagaling na player sa pinas.dahil sa hirap ng buhay larong pera na lng.kaya low profile ka lang kahit lumakas ka.
Ito minsan yung friend ko champion ng poblacion makati,naglalaro kami ng pustahan sa ,may pasong tamo,walang tumalo sa kanya.eh di syempre nagyabang na.tapos may dumaan na nagtutulak ng kariton.tindero ng plato at baso.hinamon nya maglaro.sabay bulong,tol uubusin ko puhunan at pinagbentahan nito..nung naglaro na sila.nagulat lahat kasi ni isang beses di sya matalo ng friend ko..ang ending yung friend ko ang naubos ang pera..ibig sabihin maraming malalakas na hindi kilala.sa pinas.