What's new

Trivia Pagdating ng Pagsubok sa hinaharap

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,006
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

Sa hinaharap, maaaring dumating sa iyo ang malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, walang pagsasaalang-alang kung ano ang mangyayari sa iyo, nagagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagagawang pasayahin ang Diyos, doon gagaan ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari ninyo lamang pasayahin ang Diyos sa mga kalagayan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawa at dapat tumuon sa pagpapasaya sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at pagpapakita ng matibay at maugong na pagpapatotoong nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kahit na mananatili ang iyong laman na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, ang Diyos ay magbubukas ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, ang iba ay babagsak, nguni’t ikaw ay makatatayo nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang ikaw ay matatag na makatayo at hindi babagsak. Kung, karaniwan, ikaw ay mayroong kakayahang isagawa ang katotohanan at mabigyang-kasiyahan ang Diyos na may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, sa gayon tiyak na iingatan ka ng Diyos sa hinaharap na mga pagsubok. Kahit na ikaw ay hangal at mababa ang tayog at mababa ang kakayahan, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama. Ngayon, iyong napapasaya ang Diyos, kung saan ikaw ay masigasig sa mga pinakamaliit na detalye, iyong pinalulugod ang Diyos sa lahat ng bagay, ikaw ay may isang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang iyong tunay na puso sa Diyos, at bagama’t may ilang bagay na hindi mo maunawaan, maaari kang humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga motibasyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at iyong gawin ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil, ang iyong mga kapatid na lalaki at babae ay mang-iiwan sa iyo, nguni’t ang iyong puso ay magpapasaya sa Diyos, at hindi mo pagnanasahan ang mga tawag ng laman. Kung lagi kang magsasagawa sa ganitong paraan, ikaw ay kakanlungin sa panahon ng pagdating ng malalaking pagsubok.
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 408
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
blame it on me

Online statistics

Members online
1,234
Guests online
2,092
Total visitors
3,326
Back
Top