What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Padelete nalang kung bawal yung mga ganitong topic!

aarondale

Established
Joined
Jul 9, 2015
Messages
582
Reaction
96
Pwede niyo ba akong mabigyan ng suggestions para naman gumaan yung pakiramdam ko ngayon buhat sa pag-alala doon sa refund na hindi parin ibinabalik. Ganito kasi ang istorya nagpagawa ako sa technician ng phone na iniwan ko nung March 23 2018 at kinuha ko ng April 14 2018 at buo ko naman na nakuha pero may isang problem wala siyang signal at pang sabi sa akin ng technician na automatic daw na magkakasignal yon after 4 days, so ayun na nga naghintay ako ng 4 days pero walang signal sa phone. Nag intay padin ako pero umabot yung April 22 at itinext ko yung technician na pinagpagawaan ko at ang sabi niya sa akin bumalik daw ako doon at ayun nga ginawa ko (Ang layo pa naman ng bahay namin doon sa pagawaan) bumiyahe ako 1 hour papunta ron at naabutan ko yung technician na gumawa, ang sabi niya sakin magagawa rin daw yon nung araw di nayon so nag intay ako umupo lang ako kasi nakarating ako roon ng 4 o 5pm ata at nung mga bandang 6pm ang sabi sakin hindi raw nila madali bukas nalang daw tawagan nalang ako at umuwi ako 7pm tapos kinabukasan naghihintay ako tawag pero wala kaya ako nalang tumawag non at ang sabi di parin daw nila maopenline kaya sabi wait ako 2 days. Naghintay ulit ako at ang sabi wait padin ako hanggang sa pinabayaan ko 1 week wala akong narereceived na tawag mula sa technician kaya tumawag nalang ako sa kanila at ang sabi sa akin palpak daw ang mga code na nilalagay nila sa phone para maopenline kaya ang sinabi nila kukuha nalang sila ibang board kaya ang ginawa ko naghintay ng update at ang puro sinasabi ng technician sa akin bukas sa isang linggo ganon kaya nagtataka nako non kaya simula non nirerecord ko na mga tawag namin kasi paulit ulit na sa isang linggo bukas yung natatanggap ko mula sa kanila. Tumawag ako June 3 2018 sa kanila at ang sabi magagawa raw June 4 sure daw kahit anong oras pwede na akong pumunta sa kanila, ayun masaya ako non kasi magagawa na raw pero kinabukasan tumawag ng maaga na hindi raw nagawa at defective yung board kaya nagalit ako nung tumawag at sinabi ko na kung lalagpas yan ng 1 linggo rerefund ko na pero ang sabi ng technician di naman raw aabutin ng ganun yon kaya tumawag ulit ako ikalawang araw sabi lumuwas sa manila para kuhain yung board ko, tawag na lang daw siya pag nakauwi na siya kaya nag intay ulit ako tawa pero wala parin ako narereceive mag isang linggo na non June 10 kaya tumawag ako pero di sinasagot kaya kinabukasan tinawagan ko ulit nung umaga pero di parin sinasagot kaya naman balak ko na pumunta non pero malayo kasi at mahal pamasahe kaya tumawag nalang ako nung hapon at ang sabi sakin kinabukasan uwi niya at dala na niya ang board ko kaya masaya na ulit ako non pero tumawag umaga na naman ang sabi may defect daw ulit kaya nagrequest na ako refund kaya pumayag na. Nagpunta ako hapon non sa kanila at pinaghintay ako 1 hour kasi yung kasamahan daw kasi niyang isa talaga yung gumawa non kaya hinintay ko pa yung kasamahan nila nayon pero di naman dumating tumawag lang sa kasamahan at nag- usap sila tapos ibinigay sakin yung phone sinabi sakin na bigyan ko raw siya 3 days kasi nagasta raw sa board ko yung pera at malaman laman ko na nabasag pala likuran ng phone ko kaya ibabalik na sana sakin ng kasamahan niya pero katawagan pa yung technician na gumawa cp ko pero saglit kinuha sakin kasi raw papalitan pa nila yung basag at halos mangiyak ngiyak ako nung nakita ko basag sa likuran. Tinanong ko dun sa kasaman kung sure yung 3 days na yun, sure ball daw. Nirecord ko pa nga yung mga usapan namin don. Bumalik na kami 3 days sinama ko nanay ko dapat nga hindi muna kami pupunta non kasi di na naman macontact yung technician pero pinapunta na kami tatay ko baka raw kasi manloloko lang kaya pagdating namin don binigay nung technician yung 1k na binayad ko may hulihan pa sila na 3k, June 15 kami nagpunta at ibinalik yung cellphone ko na basag likuran sabi samin na kinokontak pa raw yung kaibigan ata o kapatid niyang nasa Greenhills kasi dun ata kukuhain yung pangpalit at ang June 16 ko rin makukuha yung 3300 na hulian pati nga raw yung pagpunta ko ron sila na magbabayad ipapadala nalang daw sakin sa smartpadala itext ko nalang details pag uwi ko. Andun pa kami sa mall ni mommy non kaya tiningnan ko yung loob ng phone at nakita ko walang battery kaya bumalik ulit kami ang sabi ng technician naiwanan niya raw sa isang bag niya at ibabalik nalang daw (Balak na namang pabalikin ako). June 18 2018 na ngayon at wala pa rin akong natatanggap na naman na text o tawag mula sa kanila. Ano ba suggestions pwede niyo ibigay sakin sa issue na ito? nag-aalala kasi ko baka di maibalik yung pera ko at yung nabasag nilang back case ng phone at battery ng phone ko.
 

New Username

Established
Payong ka.phc lamang dapat dun ka sa mga legit na nag.re.repair nang cp, tsaka wag kanang magdadalawang isip na magparefund. Pa.refund kaagad dapat 1 week lang tagal sa pag.repair nang cp eh, yung LG nga 1 week process lang eh
 
Comment

2-D

Forum Veteran
Halatang hindi marunong gumawa yang technician na yan sir. Daming dahilan i report nyo na yan sir sa mga police.
Total may ebedinsiya ka naman yung mga na record mo.
Kung paano yung pagkaka type mo dito sa thread mo ganun din sabihin nyo sa mga police. Manloloko lang yan.
Good luck sir, sana maayos ng cp mo.
 
Comment

SaintShaye

Honorary Poster
Nako feeling ko baka pinalitan Yan ang loob ng phone mo ng mga fake na piyesa. Yung sinabe palang ng technician na palpak Yung code tas papalitan ng bagong board? Tapos Yung battery biglang nawala. Ireport na Yan sa barangay o pulis mga manloloko yan
 
Comment

aarondale

Established
maraming salamat po sa mga advice niyo ang sabi nga po ng nanay ko kapag hindi pa raw tuma
Payong ka.phc lamang dapat dun ka sa mga legit na nag.re.repair nang cp, tsaka wag kanang magdadalawang isip na magparefund. Pa.refund kaagad dapat 1 week lang tagal sa pag.repair nang cp eh, yung LG nga 1 week process lang eh
Sa susunod nga po sa service center nako papagawa at ayoko nang maulit yung ganitong pangyayari
 
Comment

aarondale

Established
Mga mangogoyo yang mga tech na nakatransact mo utoy, lalo't may evidence ka naman pede mo yan ireklamo sa barangay o sa pulis na.
sabi nga po ng nanay ko kapag di pa tumawag o magtext within this week pupunta na tatay ko sa pulis
 
Comment

aarondale

Established
Halatang hindi marunong gumawa yang technician na yan sir. Daming dahilan i report nyo na yan sir sa mga police.
Total may ebedinsiya ka naman yung mga na record mo.
Kung paano yung pagkaka type mo dito sa thread mo ganun din sabihin nyo sa mga police. Manloloko lang yan.
Good luck sir, sana maayos ng cp mo.
maraming salamat sir sa advice
 
Comment

aarondale

Established
So ipaopenline mo at wala parin ng signal?

Hmm? Anong device yan? Let me help.
Ganito po kasi yung nangyari nabasa phone ko at nasira board at ang ipinalit nila ay s7 sprint locked at ang sabi sakin automatic na raw na magkakasignal after 4 days kaya nag wait ako pero 1 week wala parin kaya binalik ko tapos di na nila maopenline daw kaya hinanap ako ulit board
 
Comment

aarondale

Established
Ahh, kaya pala. Ng hirap kasi kung anong frequency band ng s7 mo kaya walang signal. Pwede ba masend ng imei via pm? para macheck kung CDMA Variant kaya ayaw gumana.
binalik nila sakin boss yung phone kaso di ko alam kung yung board pa na yon yung nakakabit, tsaka wala battery nasa technician pa :(
 
Comment

Online statistics

Members online
1,910
Guests online
1,815
Total visitors
3,725

Forum statistics

Threads
1,071,781
Messages
18,117,360
Members
1,516,038
Comments
1,082,410
Attachments
1,387,964
Profile posts
97,593
Top