What's new

Pabor ba kayo sa modernization ng jeep?

romecx

Leecher
Joined
Jan 18, 2023
Posts
1
Reaction
0
Points
3
Pabor ba kayo sa modernization ng jeep?

Para sa akin lang kung makakatulong mapa unlad, mapabilis at magkaroon ng magandang sistema ang public transpo pabor ako dyan.

For me parang cellphone lang yan noon. Yung the keypad phaseout na dahil mas mabilis, mas maganda, mas efficient at mas maayos ang communication dahil smartphones na lahat gamit natin ngayon.
 
ok sana yan lods kaso marami mawawalan ng kabuhayan na karamihan katulad nating mahirap lang kaya sana pag isipan maigi yang modernization na yan lod
 
Pwede naman yan, kaso wag na iphaseout mga lumang jeep kase kasama na yan sa kultura ng pilipino, wag nila obligahin yung mga tsuper na magpalit ng modernong jeep lalo na kung ayos pa naman yung mga jeep natin.
 
No, pwede naman engine swap. 2.7M yung bagong minibus na unit. I don't think may sapat na pera ung mga cooperatives for three or two units. Kung meron man babawiin nila un sa fare and di lahat ng tao eh minimum wage earners. At as expected kokonti ang units serving the horde of commuters.

Egul dahil mababa headroom hahaha pag nakatayo. Sa jeep okay lang naka upo ka naman

Malamig? Parang di naman

Mabilis? Nope nalate nako once

Comfy? 3/10 (bus pa din)


Maraming new breed ng jeep ngayon, ung mga pangakyatan at maramihan sakay or tawag sa kanila hataw/patok. Bibihira nalang yung karag karag at anim/waluhan lang kada row.
 
Last edited:
Oo pabor ako para naman gumanda yung transportation natin at magkaroon ng aircon sobrang init kaya sumakay sa jeep at siksikan kapag hapon na
 
kawawa yung mga Badjao at yung nanglilimos na may sobre hehe
pero okay na rin, wala nang manghihila ng cp or back sa bintana hehe
 
50-50 ako dito sa dami din tao sa pinas mas ok na wag na iphase out ung mga traditional na jeep para madami option mga commuter pero oks din ung mga bagong jeep mataas nga lang pamasahe compare sa luma hehe
 
Back
Top