Hanggang may source ng pagkain na nadiskubre ang mga daga, dadayuhin yang tindahan mo unless sila lang nakatira sa lugar mo. Yung pag-alaga ng pusa ay mainam pero kung infested ng daga yung lugar ninyo, di yan kakayanin ng pusa lang. Di lahat ng pusa ay matiyagang manghuli ng daga. May pusa rin tamad he he. Nangangain din yan ng paninda kapag nagutom. Mag-umpisa ka doon sa rat glue. trap o lason, depende rin sa klase ng mga daga sa inyo. Mag-iwan ka ng lalagyan ng tubig sa tabi ng liwanag kapag lason ang ginamit mo para may chance na di lumayo yung daga kapag nadale mo. Mahirap yung mamatay sa di maabot na sulok at doon mamatay at mabulok.
Hanapin mo sa YT yung mice/rat trap na gumagamit lang ng malaking timba at tubig na peanut butter ang pain. Sa lunod sila mamamatay kung sakaling mahulog satimba. Simple lang at effective. "bucket mouse trap" ang i-query at mamili ka sa available diy projects. Madali naman gawin yan.