kaya ka naisstress kasi may problema, wag mo na iwasan. para sa akin ang ginagawa ko is iniiba ko 'yung mindset ko in a way na, "dapat matanggal na 'to pagdating ng ganitong araw or time na 'to kasi kung papatagalin ko pa baka dumagdag lang 'to sa mga susunod na problema" at mas inuuna ko na 'yung mga priorities ko kapag feel kong naisstress na ko, like ni lelessen ko na ung mga unnecessary na ginagawa ko for ex. uninstall ko na muna ml kasi nakakaubos ng oras e. fix the problem ts pwede ka naman magpahinga tapos laban ulit, 'wag mo iwasan kasi in the end laging mong maiisip yung nagpapastress sayo kung di mo sosolusyonan.
Record mo (Phone/PC/Laptop) ang gusto mo iparating sa tao, bagay, o pangyayari na pinagmulan ng stress mo.
Ilabas mo lahat ng hinaing mo habang naka-record ka. Pagkatapos ng recording, pakinggan mo yung mga sinabi mo.
Kung hindi gumana, humanap ka ng pwede gawin para sandali na mawala ang bumabagabag sa isipan mo.
Balikan mo na lang kapag kalmado ka na. Mahirap kasi gumawa ng desisyon kapag sabog ang utak.
Games, YøùTùbé or di kaya lakad sa labas ts. Tapos habang nag lalakad nag iisip isip ng mga positive thoughts. Kahit mag isa lang ako malayo nararating ko kahit lakad lang.
Tips ko rin pala TS na kung may tropa ka o kaibigan yayain mo or sumama ka sakanila. Piliin mo rin mga kaibigan mo na masaya kasama. Tapos positive vibes lang.