What's new

Help Paano nyo ba kinocontrol ang galit nyo ?

Najida

Eternal Poster
Established
Paano nyo ba kinocontrol emosyon nyo pag nagagalit kayo? Kahit ilang inhale exhale gawin ko kahit maubos na ang hangin sa baga ko galit parin ako mabigat ang ******,hirap akong lumunok ,mabilis din pag hinga , nanginginig kamay ko minsan sumasagi sa isip ko ang manira ng gamit o kaya manakit ng tao feeling ko parang bomba lang ako na naghihintay nalang sumabog maliit o malake man na bagay ang hirap tangalin sa utak ko 😭😭
 
pasensyoso akong tao eh kaya matagal ako magalit, gusto ko kasi magmuni muni muna kung tama ba ako o hndi, at gusto ko marealize muna nung taong kaaway ko maaring pagkakamali nya bago ko ipamuka sa kanya yung mga mali nya, para akong bombang sasabog nalang bigla kapag napunu na, pero kung gusto ko talagang umiwas sa gulo simple lang, walk out,
 
Bili kang punching bag o di kaya hanap ka ng diy sa YT na tutorials meron nun Diy Punching Bags.

Yan maipapayo ko kung di mo talaga maiwasan di malabas galit mo.

Pwede ka rin mag training sa mga Gym, gaya ng Muay Thai, Boxing, MMA, etc.

Atliss kung mananakit ka man, yung katapat mo may alam rin. May chance na magkaroon ka ng self-discipline saka self-control, etc.

Pagdating sa mga bagay na naiisip mong manira ng gamit, manakit ng tao, kasi isa rin yan sa tinuturo sayo pag baguhan ka sa training.
 
Kung tutuusin nakokontrol mo na ung galit mo eh. Kasi kung hindi, ginawa mo na ung mga binanggit mo.

Hindi maiiwasan ung magalit ka. Ang pwede mo lang iwasan eh ung mga iniisip mo na pwede mong gawin tulad ng mga nabanggit mo.

Isa sa pwede mo gawin diyan eh ALAK. Alak ang sagot diyan Kalimutan ang problema kahit isang gabi.. Kung gusto mo ng healthy, tulad ng sabi sa taas ko, mag gym ka. Boxing etc.
 
Kain ka ice cream, pampawala ng inis yan. O maligo ka muna kasi lumalamig ulo mo diyan.

Heto kung ayaw talaga, yayain mo pala mo ng suntukan. Kung natalo ka at nakatulog dahil sa lakas ng tulog niya mainam yun kasi makakalimutan mo yung inis mo ng ilang oras. 😂

Gusto lang kita patawanin kahit di ako marunong magjoke.
 
Pakalmahin mo sarili mo, ibaling ang atensyon sa ibang bagay. Sige sa umpisa mainis ka pero wag mo patagalin. Isipin mo yung health mo, hindi maganda ang epekto sa katawan kapag galit ka.
 
eto this is negative motivation so take this advice with a grain of salt
the more na nagagalit yung tao, mas lumilitaw na konti lang ang kakayahan niyang makontrol ang sitwasyon sa kanyang pabor kaya nagagalit agad, those people ang tawag nagpapadala sa emotion, lahat naman tayo so definitely lahat tayo kadalasan ay nagpapadala sa agos ng damdamin
Pero ibig sabihin kung madalas maikli ang pisi nyo, nasanay kayong ibang tao ang magaadjust sa galit nyo
Kaya sa ibang bansa bihira lang magalit ang tao kapag sigaw ng sigaw mura ng mura kakasuhan agad kasi mas mature mga tao dun, pinagaaralan nila yung emotion na ipapakita natin kontrolado dapat natin, walang emotion na di kontrolado. Kung ganoon, may mali sa pagpapalaki sa atin or nasa genetics, na high blood

Kung high blood the remedy is exercise, marami akong kakilala na konti lang yung emotion na pinapakita nila parang robot sila yung mga kalkulado kumilos at magresolva ng problema, may test na tinatake para malaman yun kaya para sa ibang tao madali lang magkontrol ng emotion lalo na ang galit.
 
Isipin mo muna kung ano mangyayari bago mo gawin. Sample gusto mong manakit/manira ng bagay syempre bago mo gawin isipin mo kung ano ba mangyayari pag sinaktan mo at isipin mo rin kung ano maidudulot sayo pag ginawa mo yun. Pag realize mo na yung mga mangyayari ipikit mo sabay hingang malalim at itatak sa isip na lilipas din ito sabay alisan mo nalang.
 
Actually best way na maiiwasan ang galit is to meditate. Yan lang po pinaka simple. Wala kang lakas na ilalabas. Wala kang feelings na ilalabas. Kundi yan lang. Mababago mopa sarili mo in that way :)

Yan po meditation :)
 

Attachments

Back
Top