What's new

Paano niu Nalalagpasan ung Lungkot na Dumarating sa inyo?

n4itxsz

Honorary Poster
Established
Joined
Aug 6, 2022
Posts
262
Reaction
175
Points
140
Paano niyo nalalagpasan yung kalungkotan na dumarating sa inyo? Ako nga pala si Cristian 22 years old Minsan lang ako nagmahal netong taon lang na ito as in First time ko. Oo aaminin ko Soft Hearted ako. Eto nga nagmahal ako 100% Binigay ko kahit na alam kong hindi ko kaya Ginagawa ko na ganun ko kasi kamahal ee maiintindihan niu naman ung kalagayan ko. Hindi sa nagmamalinis ako pero Hindi ako nagloko, nagpakatino ako, lahat ng time ko asa kanya, pagiging concern ko, at pinaka Masakit na D ko pinaramdam sa kanya un ung Maging okay kahit na Nasasaktan ako sa mga Nagawa nyang nakita or Narinig ko. Dba Sobrang bait ko na sa Part na yun. Itinuring ko syang prinsesa kasi nga First ko ee First. Imgine since birth ko wala akong ginawang effort na ganun as jn sa Kanya lang ngaung 22 years old na ako. So ayun na nga parang ang sama ko dahil dun iniwan ako ng Hindi ko alam ang Dahilan walang paliwanag walang Maayos na usapan. Nakakabigla Ung First time mo na nga magmahal pero Ganun pa dba? Sobrang Sakit nangungulila na ako ngaun 1 week at ilang araw na din. Walang nakakaintindi sakin kaya ipopost ko nalang ito. Etong mga nakaraang araw hindi na ako makatulog nagiisip kung bakit ganun. Masama ba maging matino at Mabait? Oo umiinom ako ng Alak kaso Minsan lang para naman malimutan ko kahit saglit ung Lungkot na Nadarama ko pero after nun babalik pa din. About sa Suicide? Oo nagplano ako pero Takot ako kasi Marami akong rason Yun ung Mga Sinabi ko mga Promise ko na Kahit kelan Sya lang mamahalin ko Sya lang una at huli ko. Pero guys bat ganun dba? Hindi ma appreciate ung nagawa or ginawa ko. Sabihin niu ng ang **** ko Tatanggapin ko. Wala ee mahal na mahal ko At ngaun umaasa ako na Pansinin nya na ako. Ung mga plano ko sa buhay nagiiba na dahil sa Kalungkotan na dumadating sakin. Hindi ko na alam kung ano na Kakahinatnan ko neto pero bahala na Basta ako Mabait akong Tao. Kahit walang Nakakaappreciate sakin. Kahit na abusohin na okay lang sakin. Ang sakit lang Kasi bat ba Ganun nangyayari sakin para naman akong walang kwenta. Ewan nalang Babalikan ko itong Sinabi ko abangan niu nalang din. Salamat nalang sa makakaintindi🙂
 
helloo ikaw po yung last time na nabasa ko na gstong mag commit ng su1cide?
msama po yun.

ako ngayon malungkot nagka misunderstanding kami ng best friend ko. Ang gagawin ko mag SM ako sa sabado 😘
 
Libangin mo sarili mo paps.. Divert your attention sa mas mahalagang bagay o sa makakapagpalakas ng loob mo.. Talk to your friends.. Nasanay ka lang kasi na may nakakausap ka lagi nung kayo pa kaya feeling mo empty ka ngayon nung nawala sya.. Kung nagaaral ka focus muna sa studies.. Hindi dapat nakadepende sa isang babae ang buong buhay mo.. Isipin mo yung pangarap at pamilya mo.. Baka umaasa din sila sayo at sa future mo.. Wag mo sayangin ang buhay mo dahil lang sa isang tao kahit sya pa ang first mo.. Baka lesson lang talaga ang purpose nya sa buhay mo.. Ambata mo pa paps.. Madami pang darating..
 
Affected na po kahit pagtulog ko ee. Hindi na ako tinitigilan po

Ang sakit lang Na kahit kumusta wala ako natanggap galing sa kanya
 
Last edited:
first kasi lods, wag kang mag mahal dahil may kulang ka na gusto mong punan...magmahal ka kasi para xtra lng meaning additional nlng sya.

sa madaling sabihin may pagkukulang ka, so punan mo nang sarili mo, pagka kaya mong mabuhay o Kaya mong mag isa edi goods kana, bumalik man sya o naghanap kanng iba nasa saiyo nlng yun.
 
Embrace and release all those heavy emotions through crying.It can be profoundly cathartic and beneficial and it has indeed a self-soothing effect.Giving it time and refrain from past thoughts.We all know if takes time to alleviate sadness.
Just be patient, taking quiet time to be in nature or with yourself, Spend time in nature and/or talking to others.Anything that engages you in something you find satisfying.
Furthermore,getting support plays also an important role and an essential role in overcoming depression.Try to connect or engage with people whom you trust and care for you.Look for support from people who make you feel safe and cared for
"Di naman kailangan na e fix agad nila whatever your problem is diba?.
they just need to be a good listener—one who'll listen attentively and compassionately without being distracted or judging you.Gaya na lamang ng mga tao dito na handang mag komento at mag suggest sayo.It is all enough to continue instead of quitting.
Of course normal lang that you may feel exhausted to talk, ashamed at your situation,but think of it as "depression talking".
Connect with people to help ease your mood and outlook. Take note that being around other people will make you feel less depressed.
Kapag nag undergo sa ganyan phase ng buhay always consider it as an opportunity for you to be able to learn grow and heal.
 
Yung mga ganitong klaseng post babalikan mo sa paglipas ng panahon at tatawanan mo nalang Ts dahil isa to sa nagturo sayo kung pano maglaro ng isang laro :D
 
Ako na nagbi-busyhan nalang para lang nde masyadong ma stress kakaisip🙃

20221014_000539.jpg
 

Attachments

Oo nga e. Pansin ko nga. Sabi mo nga first time. Karamihan sa mga first time , ibinibuhos agad ng 100% ang pagmamahal to the maximum level and then , kapag na hurt , ang bagsak ay nakakapag-isip ng suicide. Normal lang iyan sa mga first time. Literally first time. Sa susunod , kapag naka move on ka na ay kapag nagmahal ka na ay hindi na 100% Pabawas na pabawas na iyan from 100% to 50% based on experience. Medio tumatalino-talino na. Ganun. Ang iba nga diyan ay hindi na 50% kungdi 0% na tipong sobrang talino na hindi na nagmamahal. Tipong hindi na serious sa lahat.

Andiyan na ang sabay-sabay na ang jowa na hindi na iniisip kung nakakasakit na ba siya o hindi. Mga ganun.

Gawin mo na lang siyang lesson learned based on your experience then kapag nagmahal ka , pwede siya eapply. Yung love kase sa earth is extremely limit lang siya. Hindi ka maaaring hindi ka ma broken heart , hindi ka maaaring hindi ma satisfied at maraming iba pa. I mean limit lang siya. Limit dahil we lived in a concrete world.

But ang love sa afterlife based on near-death experiencer or mga after-life experiencer na nakarating sa heaven , well , ang feeling na love daw which is másáráp diba kapag in love ang isang tao ay mas perfect siya kaysa sa earth. Ang love kase sa heaven afterlife ay unlimited. Hindi ka makakaramdam ng broken heart , hindi ka makakaramdam ng betrayal , pagkatapos hindi na kailangan ng girlfriend o boyfriend , hindi na kailangan ng asawa- lahat na as in , complete na.

Kaya nga sabi , nang kailangan nila bumalik sa earth , ayaw na bumalik sa earth. Gusto nila magstay sa heaven dahil ang sarap daw kase ng feeling. E pero hindi pa nila oras so ayun , bumabalik talaga sila sa earth.

Grabe noh? Kung heaven lang ang earth at extremely hindi limit ang love on earth , e di sana wala ng nangangarap mamatay para iasam ang langit sa kabilang buhay. Hindi kase e. Earth natin ay hindi naman heaven bagkus pang pasakit pa ng ulo , madami pang traydor at betrayal , andiyan na rin na hindi maiiwasan na depression at stress dahil lamang walang nagmamahal kuno- mga ganun.

Sayang.

Kung heaven sana ang earth , siguro hindi ka na magbubuhos ng 100% love sa tao mahal na mahal mo. Siguro hindi ka na rin masasaktan forever and ever and ever. Feeling heaven ka as in. Ika nga sobrang wonderful ang feeling.

Kahit ako , nangangarap din ako na makaramdam ng ganoon feelings na matatagpuan lang in afterlife. Kaso , meron akong ego na hindi ko ma rid. Ang hirap haha.


 
Last edited:
Divert ko nalang attention ko sa ibang bagay... Nagfocus ako sa coding at trading ng mabaling focus ko mula sa kalungkutan to makabuluhang bagay...
 
wag mo nlng pansinin to comment ko lods, pero masyadong mababaw yan hnd titigil ang mundo nya at mundo ng iba para sa kalungkutan mo ikaw lang makakasagot san ka makakahanap ng comfort zone mo
 
Sa sobrang lungkot ko pre napunta ako sa KPOP, which is d ko naman talaga trip dati. Pero nung nalaman ko yung Twice na group dun na nag umpisa. Natanggal depression ko kakanuod sa kanila at sa iba pang mga group.
 

Similar threads

Back
Top