What's new

Closed Paano matitigil ang paninigarilyo?

Status
Not open for further replies.

yobmeb22

Forum Veteran
Joined
Dec 21, 2016
Posts
1,450
Reaction
2,308
Points
786
alam nyo dati rin akong chain smoker ? ako ay nasa unang baitang sa highschool pa lamang dahil sa barkada at malayo ako sa aking mga magulang, hanggang akoy makapag tapos sa aking pag aaral sa kolehiyo at bigla ko nalang naisip na itigil noong nagkaroon ako ng anak sa aking girlfriend ngayon e asawa na. ang mga ginawa para matigil sa paninigarilyo ay ang mga naka colored green sa baba.


PAANO MATITIGIL ANG PANINIGARILYO?
Ang paninigarilyo na tumutukoy sa paghithit ng sinusunog na dahon ng tabako ay bahagi na ng buhay ng tao magmula pa noong mga panahon na dinidiskubre pa lamang ang Pilipinas. Bagaman hindi na bago sa pandinig na ang paninigarilyo ay tiyak na makakasama sa kalusugan, at maaari pang maiugnay sa ilang mga malulubhang sakit sa baga, tila nahihirapan talaga ang mga indibidwal na umiwas sa ganitong gawain lalo na kung ito’y nakasanayan na.

Ang hirap sa pag-iwas sa paninigarilyo ay maaaring isisi sa substansyang taglay ng mga sigarilyo. Ang nikotina o nicotine ay isang kemikal na maaaring makuha sa bawat paghithit sa sigarilyo, at sadiyang nakahuhumaling at hahanaphanapin sa oras na makaabot sa utak. Sa madaling salita, ito ay nakaka-adik.

Kaya naman ang tanong ngayon, paano makakaiwas sa paninigarilyo at paano malalabanan ang adiksyon sa nikotina? Ating alamin ngayon sa Kalusugan.Ph

sigarilyo.jpg

PAANO MATITIGIL ANG PANINIGARILYO?
1. Disiplina at sariling sikap.
Ang pundasyon ng pagtigil sa paninigarilyo ay nagsisimula sa sariling sikap at disiplina sa sarili. Walang ibang tao na higit na makatutulong sa pagtigil sa paninigarilyo kundi ang mismong sarili. Kailangang maging desidido sa pagtigil nito at pagtiyagaan ang mahaba at mahirap na proseso.

2. Paghingi ng payo sa eksperto.
May ilang bagay na makatutulong upang maisakatuparan ang pagtigil sa paninigarilyo. Isa na dito ang paghingi ng payo sa mga eksperto tulad ng mga councilor, doktor, therapist, at mga taong napagdaanan na ang kaparehong karanasan.

3. Therapy para labanan ang adiksyon sa nikotina.
Dahil ang pagbitiw sa paninigarilyo ay hindi basta-basta dahil sa pagkahumaling sa nikotina, maaaring kailanganing sumailalim din sa mga therapy na tutulong para malabanan ang adiksyon na ito. Mayroong mga nicotine ρá†ch, nicotine gum, o nicotine lozenge na nagbibigay ng tamang dami ng nikotina na pupuno sa kagustuhan ng utak sa substansyang ito. Unti-unting binabawasan ang dami ng nikotina hanggang sa tuluyan nang mawala sa pagnanais ng utak dito.

Dapat alalahanin na maaaring dumanas ng wí†hdráwal syndrome kung bibiglain ang pagtigil sa paninigarilyo nang hindi kinokontrol ang pagnanais ng utak sa nikotina.

4. Paggamit ng mga gamot na makatutulong sa pagtigil sa paninigarilyo.
May ilang gamot na maaaring ireseta ang doktor upang mabawasan ang pagnanais sa paghithit ng sigarilyo. Ang mga gamot na Bupropion HCL at Varenicline Tartrate ay nakatutulong pamamagitan ng pagharang sa kaligayahan na maaaring maramdaman sa utak kapag paninigarilyo.

5. Suporta mula sa taong nakapaligid.
Siyempre pa, ang tagumpay ng pagtigil sa paninigarilyo nakasalalay din sa suportang ibibigay ng mga taong nakapaligid sa taong nagnanais na tumigil sa paniigarilyo.



TIPS PARA MATAGUMPAY NA MATIGIL ANG PANINIGARILYO
1. Alamin kung anu-ano ang mga bagay na nakapagpapasimula o triggers ng paninigarilyo.
Mahalaga na malaman ang lahat ng bagay na nakapaghihikayaat sa sarili na manigarilyo. Ito’y upang maiwasan ang mga ito ay hindi na matukso na muling manigarilyo.

2. Magtiyaga at panindigan ang pagtigil sa paninigarilyo
Muli at muli, disipilina ang pangunahing kailangan upang mapagtagumpayan ang pagtigil sa paninigarilyo, ngunit kakailanganin din ang mahabang pasensya at pagkakaroon ng paninidigan sapagkat ang proseso sa pagtigil sa paninigarilyo ay mahaba at mahirap.

3. Huwag magpapatalo sa pagnanais na manigarilyo.
Huwag hahayaan ang sarili na matukso ng mga “triggers” na nakapagpapasimula ng paghithit ng sigarilyo. Labanan ang tukso.

4. Ibaling ang oras sa ibang mga gawain.
Ibaling ang oras sa ibang mga aktibidades gaya ng sports, pagbabasa ng libro at iba pang mga libanangan upang makalimutan na ang pagnanais sa paninigarilyo.

5. Laging ipaalala sa sarili ang dahilan ng pagtigil sa paninigarilyo.
Bigyan ng motibasyon ang sarili sa pagtigil sa paninigarilyo, at lagi itong ipapaalala sa sarili nang sa gayon ay mas lalong lumakas ang loob at maging determinado sa pagtigil sa paninigarilyo.

6. Alalahanin ang masasamang epekto sa kalusugan ng paninigarilyo.
Laging iisipin at matakot sa mga sakit at kondisyon na maaaring idulot ng patuloy na paninigarilyo. Isipin din ang kalusugan ng mga mahal sa buhay na maaaring nakalalanghap ng usok na ito.

source- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

ang hirap talaga tumigil sa yusi.pero kapag tinamaan ka ng sakit tiyak mapapaisip ka.buti nalang natigilan kona mg smoke kong hindi pa ako ngkasakit baka hangang ngayon patay sindi parin ako ng yusi..kaya ung mga ng yuyusi jan mgisipisip habang hindi pa huli hehe
 
ang hirap talaga tumigil sa yusi.pero kapag tinamaan ka ng sakit tiyak mapapaisip ka.buti nalang natigilan kona mg smoke kong hindi pa ako ngkasakit baka hangang ngayon patay sindi parin ako ng yusi..kaya ung mga ng yuyusi jan mgisipisip habang hindi pa huli hehe
minsan nasa tao sa paligid natin yan sa kung paano nila tayo ginaguide para makawala sa bisyo, sa akin sa asawa ko at dahil din sa sabi ng doctor na makasasama daw sa bata ang paglanghap ng usok ng sigariyo.
 
Salamat,po dito master sa totoo lang isa na din ako sa gusto huminto sa paninigarilyo.. Pero dina dahan dahan ko muna..nuon halos naka ubos ako nang isang kaha sa isang araw hanggang inu unti unti ko na bawasan sa sampu per day hanggang umaabot ngayun na apat na stick na lang araw araw..pero meron talaga minsan na hinahanap hanap ko siya lalo na kung pagkatapos kumain..salamat dito sa information master sana nga din mahinto ko na din to disiplina lang talaga..minsan kasi madali lang sabihin na tumigil ka at magpayo pero sa totoo lang mahirap pala Tama yun payo mu minsan need talaga nang eksperto nang payo..salamat ulit master sa info.
 
Salamat,po dito master sa totoo lang isa na din ako sa gusto huminto sa paninigarilyo.. Pero dina dahan dahan ko muna..nuon halos naka ubos ako nang isang kaha sa isang araw hanggang inu unti unti ko na bawasan sa sampu per day hanggang umaabot ngayun na apat na stick na lang araw araw..pero meron talaga minsan na hinahanap hanap ko siya lalo na kung pagkatapos kumain..salamat dito sa information master sana nga din mahinto ko na din to disiplina lang talaga..minsan kasi madali lang sabihin na tumigil ka at magpayo pero sa totoo lang mahirap pala Tama yun payo mu minsan need talaga nang eksperto nang payo..salamat ulit master sa info.
sir sa akin inisip ko kasi talaga ang anak ko, kaya dapat syempre piliin mo ang mas importante, at tulong din ang pag libang sa sarili para maiwasan ang paninigarilyo, kung iinom ka sa mga lugar na bawal ang sigarilyo para masanay ka
yan yung ginawa ko.
 
Base on my own experience. Ako kasi nag quit ako mag smoke for 2 years. Di talaga maiwasan lalo pa at ang mga kasama sa bahay at sa pang araw-araw ay naninigarilyo. Kaya eto balik ulit sa bisyo kung kelan nagmahal naman tsaka bumalik. Pinaka matinding kalaban kasi talaga eh yung tinatawag na self-control.
 
Ako nga eh grade six hanggang 2009 naninigarilyo
At noong nag decide akong tumigil
Ginawa ko ,ngumuya ng chewing gum
At nagpaka busy sa mga bagay na kapakipakinabang
Simula noon hanggang ngayon di na ako naninigarilyo
 
Isipin mo nalang pre ang masamang dulot niyan sa kalusugan mo pagdating ng araw
Pananagutan mo pa yan sa Lumalang kapag nagkasakit at namatay ka sa bisyo nayan
Wala naman kabuluhan yan

Kita mo si duterte at putin ng rusya mga hindi naninigarilyo yan kasi alam nila masamang epekto niyan sa katawan
 
Very helpful at informative thread para sa mga Chain smokers.
Thank you.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top