What's new

Tutorial Paano Makipag-usap Kay Crush

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,411
Points
16,634
📌Ipakilala ang iyong sarili
Ang pagiging simple ang madalas na magandang paraan para lapitan siya at susi para mapagana ang ganitong sitwasyon.
Kapag nalaman mo na ang kaniyang pangalan at reaksyon sa isang estrangherong ipinapakilala ang kaniyang sarili, magkakaroon ka ng mas magandang ideya kung sino nga ba siya bukod sa kaniyang mukha na nagustuhan mo.


📌Gamitin ang kanyang mga Interes para Makapagkwento sa iyo
Magbahagi ng kuwento na maiintindihan din niya. Kapag napansin niya ang pagkakatulad sa karanasan, mga hilig at personalidad, mas mararamdaman niyang konektado siya sa iyo. Halimbawa, parehas kayo ng interes sa TV series o libro, pag-usapan ito kasama siya.
Kapapanood lang ba niya ng pinakabagong episode ng isang palabas? Nakakuha na ba siya ng kopya ng libro ng isang manunulat? Masisiyahan siyang makipag-usap sa isang tao na parehas niya ng hilig sa isang bagay.

📌Palalimin ang inyong koneksyon
Tanungin mo siya sa mga bagay na naoobserbahan mo sa kaniya. Maaaring ito ay tungkol sa damit na suot niya, pabangong gamit niya o 'di kaya naman ay sa librong hawak niya. Gusto ng mga lalaking pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa sarili nila, kaya kapag tinanong mo siya sa mga ganitong bagay, magkakaroon ka ng oportunidad na malaman kung ano ang kaniyang mga gusto at gawain.
Habang lumalamin ang inyong pagkaka-kaibigan at nagsisimula na niyang maramdaman na pwede kang pagkatiwalaan, malalaman mo iyong mga bagay na kakaunting tao lamang ang may alam.
Dapat ring subukan mong pasiglahin siya sa maayos na paraan dahil ang mga lalaki ay madaling pang-hinaan ng loob.

📌Sumagot ka din sa mga tanong niya
Sagutin mo ang mga tanong niya kung ikaw naman ang gusto niyang makilala. Hindi naman patas na habang siya ay nagbabahagi ng mga detalye sa tungkol sa kaniya, ikaw naman ay hindi nagbabahagi ng tungkol sa iyo. Maaaring matakot siya sa ganitong sistema. Magbigay ka ng impormasyon para may alam kayo parehas sa isa't-isa ng sa gayun ay makapag-usap pa kayo.
Iisipin mo rin na siya ay tao lang din na pwede mong kausapin at alamin. Kapag nalagpasan mo ang takot na lapitan siya, ang pakikipag-usap sa kaniya ay magiging madali na lang na parang nakikipag-usap ka sa iyong kaibigan. Kumalma ka lang at hayaan mong sumaya siya sa piling mo. Hindi mo na lang mapapansin, nakikipag-date ka na sa crush mo.




Excerpt from datememe
 
Last edited:
Dapat may advance observation haki din - bonus.
https://phcorner.net/threads/next-line-ni-katakuri.1281117/
1643891270648.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top