Tors, basically para matuto kang mag-lucid dreaming kailangan mong sumunod sa tatlong routine na ito araw-araw; una pagsasagawa ng reality check, ito yung routine na pagtatanong sa sarili natin kung tayo ba ay nasa panaginip o katotohanan sa pang-araw-araw na pamumuhay, mga 20 times sa isang araw at unti-unting bawasan kapag naramramdaman mong nagiging subconscious na yung proseso, pwedeng gawin habang nasa biyahe ka, o kumakain ka, pagkagising sa umaga, bago maligo ikaw bahala kung saan ka komportable, halimbawa ng reality check na pinakakilala, pag-sundot ng daliri sa palad, tanungin ang sarili nanaginip ba ako sabay sundot ng hintuturo sa gitna ng palad, oo alam mong gising ka pero ginagawa mo nga ito para matatak yung proseso ng pag-reality check sa subconscious, pwede ring pagpitik sa tenga, bahala ka basta gawin mong routine yun sa isang araw, mas maraming uri ng reality check mas okay; pangalawa pag-tulog sa gabi sa iisang oras, maganda ang 9 PM o 10 PM, wala dapat kahit anong liwanag sa paligid, mas madilim mas okay at magsi-set ka ng alarm apat hanggang anim na oras mula pagtulog mo kung 10 PM ka natulog mag-alarm ka ng 2 AM - 4 AM, bakit, kasi dyan sa pagitan ng oras na yan ay malalim na ang panaginip natin, ikaw magtantiya ng oras kung sa 2 AM ay madalas simula pa lang ng panaginip gawin mong 3 AM ang alarm kung hindi pa rin ok, gawin mong 4 AM, bago matulog maglagay ng isang notebook bilang dream journal at pen sa tabi; pangatlo, pag-tala sa dream journal, sa pag-gising natin sa alarm isusulat natin sa dream journal kung ano yung napapanaginipan natin, i-describe mo ng mabuti sa journal, makakatulong ito para mas ma-train yung sarili mo sa pagtatanda ng mga napapanaginipan mo at makita yung mga pattern sa mga panaginip natin para malaman kung bakit mo ba napapanaginipan ang isang bagay. Paano papasok yung lucid dreaming sa mga routine na yan, doon sa ikalawang routine yung sa pagtulog, kapag gising mo sa alarm at pagsulat sa journal bumalik ka sa higaan at pumikit, mag-isip ng isang panaginip na gusto mong mapanaginipan at pumili ng isang bagay sa panaginip na yun na ilalagay mo sa isipan mo halimbawa lumilipad ka, habang iniisip mo iyun sabihin sa isip na mananaginip ako ng paulit-ulit, gawin mo lang yan paulit-ulit hanggang masanay ka at maging aware ka na sa panaginip mo na nanaginip ka lang.