Mahalaga ba ito?
Sinasabi ng Bibliya na “laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, kung iiwasan mong mag-isip ng negatibo at magpopokus ka sa positibo, magiging mas masaya ka. Magkakaroon ka rin ng mas maraming kaibigan. Sino ba naman ang gustong makipagkaibigan sa taong laging nakasimangot?Siyempre pa, may mga realidad ng buhay na hindi natin maiiwasan kahit na positibo tayo. Halimbawa:
- Baka puro tungkol sa digmaan, terorismo, at krimen ang laman ng balita.
- Nagkakaproblema ang pamilya ninyo.
- Nagkakamali ka at may mga kahinaang pinaglalabanan.
- Nasaktan ka ng kaibigan mo.