Closed Paano ko ba mapapabalik EX ko? :(

Status
Not open for further replies.
WALANG foreveršŸ˜ di pag ibig ang tawag jan libog mo lang yan tyaka obsess ka masyado tagal nyo nanga lang naghinala kapa
 
Hindi muna maibabalik kahit mag pakamatay kapa!

Kapag iniwan kana ng isang tao at ang tanging dala nya sa pag alis nya ay ung galit sa tingin mo babalik pa sya at kung galit na galit na sya sayo?

Nasa huli ang pag sisisi ang tanging magagawa muna lang ngayon mag hanap ng ibang mamahalin,

Iniwan ko girlfriend ko last week same kayo ng issue. Wala talagang kwenta kapag sobrang seloso/selosa yan kasi ang sisira sa relasyon,

Di sa pag yayabang nakikipag balikan si ex-gf xmpre san kaba naman makakakita ng lalakeng ang tanging bisyo lang ay ang paligayahin araw araw si girlfriend,

Kawawa haha, ngayon may gf na ako at masasabi kong sumasabay talaga sya sa trip ko,

Di ako nanghihinayang kasi para sakin walang kwentang karelasyon ung mga taong seloso at selosa, proved na yan 1000% (legit)
 
Una mong gawin. Dapat matutunan mo munang mahalin ng sarili mo. Tigilan mo na nag kapipilit na pag wala sya hindi mo kaya. Oo matagal yung 5 years na yun at hindi basta basta nabubuno yun. Pero dumating na kayo sa point na may napagod na. Pag lalo mong pinilit 100% sure ako hindi sya babalik sayo.
Make time with other people like friends or family. Or minsan kung gusto mo talaga na magsarili para malabas mo lahat ng sakit gow. Sumigaw ka, umiyak ka, magpakalunod ka sa alak pero wag na wag mong saksaktan ang sarili at ibang tao.
Think of it as lesson na lang na part ng past mo. Kung ano yung mga naisip mo na mali baguhin mo, be a better person.
Develop your self Physically, emotionally, spiritually. Kung magkaroon man ng chance na magkita ulit kayo at nakita nya ang changes sayo mas malaki pa yung chance na babalik sya sayo.
Mahirap yan. Pero once na makamove on ka at nadevelop mo sarili mo trust me not only her but the right person will come kaya samahan mo ng prayers lagi. Sya ang makakatulong sayo higit sa sino man.
Good luck! Believe in your self! Kaya mo yan! Aja!
 
Hehe patay tayo jan mahirap at masakit nga yan pero sa simula lang yan after ilang yrs maka move on ka rin at makakahanap ka rin ng mas pangit pa sa kanya hehe
 
salamat po sa inyong lahat, sobrang sakit lang talaga na sa ****** hirap huminga ng maayos, di makatulog o makakain, talagang masakit na yung gusto mo makuha hindi mo maabot, para na syang tubig na kahit ano gawin ko di ko mahawakan na, sa totoo lang po sa kabila ng mga advice sakin na magmoveon nalang eh di ko makaya, gusto ko parin talaga magkabalikan kami, katangahan na siguro pero di ko lang siguro talaga kaya pa, sobra pako nasasaktan na sa kanya parang balewala lang parang wala lang ako
 
Pabayaan mo na sya papi.. gnun tlga pg pumasok ka sa isang relasyon.. may nagsstay may umaalis.. hindi tlga sya para sayo.. may dadating pa naman na ibang girl pra syo.. Iā€™m sure pag may dumating syo na bago mas mamahalin ka pro syempre dpat baguhin mo na dpat yung mga mali mong nagawa dti.. makaka move on kdn papi.. not now. Pro sa mga ilang weeks or months maghihilom na ulet yang puso mo
 
Normal ang mag selos, dapat hindi sobra , pero parang hindi rason na iwan ka sa iri ng ganun ganun lang, sa katagal-tagal nyo nang mag jowa ngayon pa sya susuko, pag gusto maraming paraan,pag ayaw maraming dahilan, pag ayaw na talaga ibig sabihin nyan may gusto na syang iba. Mababaw ang rason para iwan ka sa ganyang kaliit na problema, hays mga mag jowa nga naman
(naol may jowa)
 
salamat po sa inyo, sa totoo lang di ko talaga kaya pa tanggapin at gusto ko parin sana ipaglaban kahit sobrang sakit na. hirap na hirap nako. di ako makapagisip ng matino. kelan lang pinaguusapan na namin kasal tapos ganto bigla sya magkakaganun
 
alam na niya yan na sa kanya parin ang huling desisyon .. ang DAMENG babae sa mundo mas marame pa mas better sa kanya.. ito ang mahirap sa isang relationship kung walang dios sa gitna useless or walang chance na tumagal ang isang relationship.
Tama siya ts hehehe, kailangan may God sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamahalan,
 
Nako tol parehas ng problema kaya lng hindi ako ang may kasalanan sya ang may kasalanan sya yung naging over protective samin sya yung selos ng selos at tamang hinala lagi kahit wala kang ginagawa ultimo kalaro mo lang at sumaya ka sa laro magagalit at sasabihing sobrang saya mo na yung gusto nya sakanya ka lng sasaya nabulag na sya sa pag mamahal nya sakin ewan ko ba kahit ako na guguluhan kung i lelet go ko na ba sya or mag stay ako sakanya kase ung feeling na heto nanaman tayo ganito nanaman ang mangyayare ang hirap ang pinag kaiba lng walang third party na nangyare... Nawala na feelings ko sakanyan yung kilig excitement para sakanyan tapos yung interest na makausap sya nawala after ecq kakausapin ko sya sa personal para maliwanagan both side
 
Huwag mo siyang pilitin boss kung sawa na siya mas lalo ka lang gumagawa ng rason para mas lalo ka niyang layuan. Kung talagang mahal ka niya ay kahit mag-away pa kayo ay ipaglalaban niya kaso hindi mas nauna siyang sumuko ibig sabihin sawa na siya.

Hintayin mo lang baka dadating ang araw ay marerealize niya na nagkamali siya na iniwan ka niya. Kung hindi man at maging masaya siya sa piling ng iba, magtrabaho ka ipakita mo sa kanya na mas maganda sanang kinabukasan ang narating niya kung ikaw ang pinili niya.

Maraming babae sa mundo. Hindi lang siya. Dadating din si Ms. Right para sayo..
 
pero sobra sakit parang di ko kaya na hayaang mapunta na sya sa iba, close ko na nga pamilya nya at ganun din sya samin, kasal na nga lang kulang, peroa isang iglap dahil lang nagselos ako ganun ginawa na nya at napuno nn daw sya
Suyuin mo tas ayain mo ng tagay tapos galingan mo pag Ć©Ć¹t para di mawala tas iwasan mo magsilos kasi lalo kana mapamahal nyan kakainin ka ng systema ng pagibig mo sakali na mapunta sya sa iba na dimo tangap pede ka ma depress at mag cause na pwedi kang magpakamatay or mag iba ang ugali mo.
 
pero sobra sakit parang di ko kaya na hayaang mapunta na sya sa iba, close ko na nga pamilya nya at ganun din sya samin, kasal na nga lang kulang, peroa isang iglap dahil lang nagselos ako ganun ginawa na nya at napuno nn daw sya
Ts mag effort ka ng husto yong effort na kahit itaboy ka nya pakita mo na dika sumoko gawin mo lahat ng effort at pag wala na talagang pag asa gawin mo makipag kaibigan nalang sa kanya para dika gaano masaktan, tapos putolin mona ang comunikasyon niyo una pag nakipag kaibigan ka plastikin mo na kunwari may contact pa kayo tapos ibinta mona yang cp mo para wala kayong contant kong dikaya gagawin mo pumikit ka at ihampas mo yang cellphone mo yan ang pinaka way na walanv comunikasyon ay makakalimutan mona sya 1-2 months lamg yan mawala na danas ko kasi yang naranasan mo kinain ako ng systema ng silos kaya sunod wag muna gagawin ang pagsilos ng husto bigyan mo ng pagmamahal ang sarili mo payo ko comunikasyon niyo ay putulin mo yan lang way jan kasi pag dimo nakayanan at nakipag contact kapa jan baka ma depress ka lalo na may pinagsilosan ka maiisip mo kong ano na ginagawa nila baka yan pa sanhi para magpakamatay ka wag baliwalain ang depress ng hearth broken danas ko to. Pero hangat may pagkakataon pa try mo subukan pag wala na hayaan mo nalang soon may mas deserving la na mapunta sayo dilang sya nag iisa marami pa jan
 
Napag daanan ko to ts. LET HER GO AT ACCEPTANCE lang talaga ang tamang timpla. Kailangan mong umiyak at damhin yung sakit syempre hindi madali it takes a year bago ako maka move on. Need mo ng pag kakaablahan.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top