What's new

Paano ba maiwasan ang tampo sa LDR?

hirap naman laging ganito.


opo sincere na usapan. pero andun parin yung tiwala ko sa kanya lods at nirerespeto ko siya lods. if ever mag away kami ako laging naghihingi ng sorry para matapos na usapan at dina hahaba pa. may mali ba sakin?
Keep mo lang yung trust na meron ka sa kanya, kelangan yan sa relasyon. Ilang taon ka na T.s? Kayo ilang mnths/taon na? Bilang lalake syempre need na tayo yung mas maglead ng relationship, di ako naniniwala na magwowork yung relationship kapag ka both niyo love yung kada isa. Kelangan MAS love natin yung nga babae lalo madami yan responsibilities sa pamilya.
 
Keep mo lang yung trust na meron ka sa kanya, kelangan yan sa relasyon. Ilang taon ka na T.s? Kayo ilang mnths/taon na? Bilang lalake syempre need na tayo yung mas maglead ng relationship, di ako naniniwala na magwowork yung relationship kapag ka both niyo love yung kada isa. Kelangan MAS love natin yung nga babae lalo madami yan responsibilities sa pamilya.
27 na po ako lods, since high school lods 2008 kami na po. dapat po ako mag effort? baka hinala ko lods is nagsawa na siya sa akin.
 
always communicate at tiwala lNg...open kayo dapat sa isat isa...dapat honest kasi it's a individual test...kung Hanggang saan kayo tatagal at gaanu katatag yung pondasyon ng inyong relasyon
 
laging magtiwala sa partner wag mag overthink wala naman madaling relationships
LDR man o hindi

isama din si god sa relationship nyo...
 
Dapat magset lng kayo ng oras kung kelan lang kayo mag-uusap. Kung mag tetext kayo outside sa oras na yun, walang expectation ng reply.
 
Para sa akin lods never maiiwasan ang tampuhan sa isang relationship, ldr or not. May mga bagay ng hindi niyo maiintindihan sa isa't - isa. So most of the time kakailanganin niyo mag meet in the middle. Take note na kayong dalawa ang kailangan, hindi ikaw or siya lang. As a partner kung may mga di ka magets sa gf mo gagawan mo talaga ng paraan na alamin yun. At para ma gets mo siya kailangan mong intindihin kung ano ba ang ginagawa niya an epekto nito. For example, isa siyang engineering student kung may libre ka na oras take your time to explore her interest. Doon mo malalaman kung ano bang nangyayari sa kanya. At ang maipapayo ko sayo ay wag na wag kang magsosorry para lang matapos ang usapan. Magsorry ka dahil alam mong nagkamali at gagawan mo ng paraan para hindi na maulit pa. I - explain mo kung ano yung pagkakamali mo and then say sorry. I'm sure na siya rin mismo marerealize niya na mali sa at hihingi rin yan nang tawad sayo. At kung siya naman ang nagkamali, kumalma ka at hintayin na humupa ang inis or galit mo and then tsaka mo ipaliwanag yung side mo. After that let her explain herself, hayaan mong magsalita kung tapos na siya tsaka naman ngayon magsalit at hanapan ng paraan kung paano masusulusyunan yung problema.
 
Magfocus sa sarili at sa goal sa buhay, wag puro babae iniisip mas mahalaga yung kinabukasan
 
bawasan ang pag over thinker.
at taasan lang ang pasensya bawasan anv pride
ok sana kung bawasan ang pride kaso pag may nakuha ka sa radar ng kakaiba, di mo maiwasang maging paranoid at overthinker kung nag che cheat sya. Dapat player ka na lang para less emotion like Coach smooth.
 
simple lang paps maging open kayo sa isa't isa at mag tiwala yung bang maging independet kayo yung walang bawal pero may boundaries, yung di mo papakelaman yung gusto niya or ikaw pero may limitation at syempre yung bonding niyong dalawa. maging mature lang kayo sa relasyon niyo walang magiging problema. pwera nalang gusto niyo ng problema haha
 
Di talaga maiiwasan mag katampuhan, ang hindi lang maganda tila inaraw araw na ldr man o hindi pag madalas galit nakaka fall out of love yan, kahit naman na sinong tao ayaw makaramdam ng coldness. Binibigyan mo din kasi siya ng rason not to change to that kind of attitude like nag so-sorry ka kahit wala ka namang ginagawang mali. Try to talk to her about sa ganyang paguugali bro pag nag matigas ako na nag sasabi sayo walang mangyayare jan know your worth. Just imagine ldr na nga kayo, halos di niyo kasama ang isa't isa tapos puro tampuhan pa or coldness nararamdaman niyo. I've been there for the past 5 years mostly talaga tayong mga lalake ang kailangan mag manage ng mga ganyan sitwasyon.
 
update mo lang sya palagi sa mga doings mo kahit hindi nya hinihingi update mo don palang mafefeel nya importante sya sayo kahit magtampo sya
 
trust is no. 1 tool para tumagal ang LDR ngyn kung wala ka nun or may pag aalinlangan ka d k dpat npasok sa gnyan relasyon it was an agreement you should follow anu pa man and if s bandang huli e sya nman ung nag alinlangan syo then sya n ung may problem and you should always open up with each other gnun la simple lods
 
hello ldr kami ng partner ko and going strong ang relationship namin, nagaaway lang kami minsan pero nagbabati agad I can say healthy ang relationship namin. galing ako sa 3 yrs ldr relationship and sya naman almost 2 yrs relationship kaya siguro alam na namin gagawin kasi may exp na kami sa ldr. ito lang maadvice ko based sa opinion ko paps 😊
  • magupdate ka lagi or from time to time kasi di ka niya kasama di nya alam nangyayari sayo magooverthink yan
  • be consistent wag ka magbabago be constant
  • wag magpataasan ng pride (need cooperation both sides para magwork relationship)
  • give her love languages such as efforts padalhan mo ng food sa bahay kung keri food is loge language din give her assurance words of affirmation like shes pretty and tell her and make her feel lagi how much u love her, magquality time kayo thru vc
  • and make time na magkita pa rin kayo kasi pag hindi baka magkasakitan lang kayo kasi wala kayong physical touch important yun sa relationship
  • kung nauumay ka na sakanya kasi moody or what, eh kung what if mawala sya sayo kakayanin mo ba? attitude lang yan accept mo personality nya kasi u love her dba then prove it
  • wag mo din tutulugan ng walang pasabi kasi magtatampo yan sayo sa umaga

stay lang kayo paps basta magtiwala lang kayo sa isat isa, wag ka bumitaw kung alam mong mahal mo bigay mo lang lahat buhos mo lang ganyan naman talaga pag nagmamahal Stay strong sainyo!! 😊😊
 
1. set kayo ng expectations niyo both. hindi naman all the time ay libre kayo so dun sa free time niyo, so make the most out of it pag nagkita na kayo.
2. communication is the key. as much as possible, sabihin mo yung plans mo for today or the next day, or the next week. sana ganun din siya hahaha
3. wag mang-cheat hahaha. di ko na to need i-explain. common sense na ito.
 
pag may tampuhan kayo order ka bulaklak pwede ka umorder online or padalhan mo mga friends niya ng pera pambili ng flowers pra suyuin mo effective yun sa ex gf ko nuun kaya lang wala talaga napunta din sa hiwalayan after 3 years
 

Similar threads

Back
Top