What's new

Tutorial Paano ba gumawa ng sariling M3U playlist?

couchkamote

Addict
Joined
Sep 4, 2021
Posts
102
Reaction
121
Points
70
Hi mga lods and lodicakes,

May nagtanong sakin kung pano ba gumawa ng sariling playlist at ma-import sa mga IPTV clients gaya ng TiviMate, IPTV Smarters Pro, Kodi, Perfect Player, atbp.

So eto na mga lods gawa nalang ako ng tutorial para sa lahat na gustong matuto.

Disclaimer: Natuto rin ako sa pagbabasa online. Hindi ito official guide in anyway. Lahat ito based sa aking pagunawa. Kung may pagkakamali man o pagkukulang saaking explanation, pakitama nalang po sa comments at aking babaguhin ang post na ito. Salamat!

STEP 1 - M3U File Structure

Intindihin muna natin kung ano ang M3U.

Ang M3U ay isang playlist file. Bale ginagamit to ng mga video streaming app na parang menu kumbaga. Dito nababasa ng streaming apps kung anong pangalan ng channel, anong link nung channel, anong logo nung channel atbp na mga description ng channel.


Code:
#EXTM3U
 
#EXTINF:111, Sample artist name - Sample track title
C:\Music\SampleMusic.mp3
 
#EXTINF:222,Example Artist name - Example track title
C:\Music\ExampleMusic.mp3
Kinuha mula sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Yung #EXTM3Ua ng laging unang linya sa isang M3U file. Kumbaga ito ang nagdedeclare na M3U file ito at ang ma susunod na linya ay susunod sa structure ng M3U.

Yung mga susunod na mga linya ay track information o sa madaling salita ito na yung mga channel niyo.

At yun na ang basic contents ng isang M3U file. Gamit itong ilang linya ng text maari nang maintindihan ng karamihan sa mga video apps na nag susupport ng M3U playlists!

STEP 2 - Paghahanap ng Mga Streaming Link
Maraming pwedeng paghugutan ng streaming links. Meron tayong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa github ng mga IPTV links. Ngunit madalas na mga link dito ay yung public domain lamang. Yung mga links gaya ng Kapamilya Channel, GMA, TV5 o HBO ay madalas hindi mo mahahanap agad agad pagkat itoy' îllégâl.

2A - Extracting Links from Webpages

Maliban sa pag-seasearch online ng mga streaming link pwede mo ring ikaw na mismo mag-extract ng links. Halimbawa sa CNN Philippines. Pumunta tayo sa website nila at ating makikita na meron silang livestreaming section.

1632536222224.png


Kung ika'y gumagamit ng browser tulad ng Chrome, Firefox or Edge, pwede mong i-right click yung Livestream na box at click niyo Inspect Element. Pumunta kayo sa Network at hanapin niyo sa list yung playlist.m3u8. Congratulations! Eto na yung first streaming link na iyong nahanap!

2B - Sniffing Links from Streaming Apps

Kung kayo'y medyo may background sa networking (hindi yung Frontrow ha! haha), pwede niyo gamitin ang Wireshark or kahit anong sniffing tool.


Maraming paraan para gawin to pero i-share ko nalang yung proseso ko. Kelangan niyo ng 4 na bagay:
  • PC na may internet syempre
  • Bluestacks (o kahit anong Android Emulator) na merong nakainstall na streaming app gaya ng Swift Streamz or Live Net TV
  • Wireshark
  • Tiyaga

Buksan niyo yung Wireshark tapos may lalabas jan na list of interfaces. Kung kayo'y naka-wifi gamitin niyo yung WiFi. Otherwise yung Ethernet piliin niyo.

1632536541205.png


Ngayon, i-type niyo sa filter "host <ip-address ng computer niyo>". Tapos enter.

May lalabas na yan na packets na pumapasok sa computer niyo. Ngayon buksan niyo na ang Bluestacks at yung streaming app (Swift Streamz o kung ano man).

Select kayo ng channel at hintaying niyong mag-play.

Bumalik kayo sa Wireshark at may filter bar ulit siya. Type niyo na ngayon http.

Filtered out na dito lahat na HTTP requests. Kadalasan yung streaming links ng mga app na to ay dumadaan through HTTP (GET/POST). Makikita niyo through this yung links.

Sana naging malinaw at naka-tulong kahit papano itong guide na to.

Happy sniffing!
 

Attachments

Back
Top