What's new

PA HELP PO SA PHONE STORAGE ISSUE NG POCO M3 KO

CarlJohnson

Enthusiast
Joined
Apr 25, 2023
Posts
109
Reaction
68
Points
36
Good afternoon mga ka PHC! Pa help po pano ma solve tung Storage issue ng Poco M3 ko. Na clear ko na po lahat ng cache files, at ibang data ng mga apps ko, gumamit narin ako ng mga file explorer, zarchiver etc. para mahanap kung meron bang trash files sa phone ko pero wala namang mga trash files na na-scan.

Ang ipinagtataka ko rin po ay yung Documents file ko ay 2.61 GB pero 3 pdf files lang naman nasa documents ko. At tsaka sa Video files 12.89 GB pero wala naman akong mga video sa phone ko.

At nung pag total ko sa lahat ng storage na nagamit ng phone ko ito ay 29.56 GB lang, pero naka indicate 41.7 GB.

22.3 GB yung available storage na naka indicate, imbis na dapat 34.5 GB or something dapat yung storage ko.

Na corrupt po kaya yung phone storage ng Poco M3 ko? Sana po matulungan kasi 13.5 GB yung size storage na dapat madagdag sa phone ko. Salamat in advance sa makakatulong 😢❤️.



Screenshot_2024-01-04-12-08-49-203_com.android.settings.jpg

Screenshot_2024-01-04-12-09-06-760_com.miui.securitycenter.jpg

Screenshot_2024-01-04-12-09-16-270_com.mi.android.globalFileexplorer.jpg

Screenshot_2024-01-04-12-09-32-116_com.mi.android.globalFileexplorer.jpg
 

Attachments

Magandang hapon din! Salamat sa pagpapatuloy ng pag-post dito sa PHC forum. Naiintindihan ko na may problema ka sa storage ng iyong Poco M3 at nais mong malaman kung paano ito masosolusyunan. Narito ang ilang mga posibleng solusyon na maaari mong subukan:

1. I-check ang "Other" o "Miscellaneous" storage - Minsan, may mga file na hindi nakikita ng mga file explorer apps na nagpapataas ng "Other" o "Miscellaneous" storage. Subukan mong i-check ito sa pamamagitan ng pag-access sa Settings > Storage > Files o sa pamamagitan ng paggamit ng third-party storage analyzer app.

2. I-clear ang cache ng system apps - Bukod sa pag-clear ng cache ng mga apps, subukan mong i-clear din ang cache ng mga system apps. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pag-access sa Settings > Apps > [Piliin ang system app] > Storage > Clear Cache.

3. I-restart ang iyong phone - Simple man ito, maaaring makatulong ang pag-restart ng iyong phone upang ma-refresh ang mga system processes at maayos ang mga isyu sa storage.

4. I-reset ang iyong phone sa factory settings - Kung wala kang ibang solusyon na gumagana, maaari mong subukan ang factory reset. Ngunit, siguraduhin mong mag-backup ng lahat ng mahahalagang datos mula sa iyong phone bago mo ito gawin, dahil lahat ng impormasyon ay mabubura. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pag-access sa Settings > System > Reset > Factory Reset.

Kung pagkatapos mong subukan ang mga solusyong ito ay hindi pa rin maayos ang problema sa storage, maaaring may iba pang mga isyu sa hardware o software ang iyong Poco M3. Sa ganitong kaso, mabuting makipag-ugnayan ka sa kanilang customer support o dalhin ang iyong phone sa isang authorized service center para magpa-check at magpaayos.

Sana makatulong ang mga mungkahi na ito. Kung mayroon kang iba pang mga katanungan, huwag kang mag-atubiling magtanong dito sa forum. Maraming salamat at sana maresolba ang iyong problema sa storage!
 
reset phone sir para sure, kung ilan ang system os storage.
Yan din sana yung last solution ko kaso almost 60% ng mga nag factory data reset ng Poco M3 nila hindi na nag turn-on yung phone. Sa Google tsaka YøùTùbé po ako kumuha ng mga data.
 
Yan din sana yung last solution ko kaso almost 60% ng mga nag factory data reset ng Poco M3 nila hindi na nag turn-on yung phone. Sa Google tsaka YøùTùbé po ako kumuha ng mga data.
good observation, for the risk wag nalang siguro.
ang magagawa nalang is gumawa ng backup or upload online sa mga files na pwede upload.
 
Baka sa system update yan lods, pag nag uupdate ka.

try mo mag downgrade kaso delikads.
Hindi ko papo na a-update ang OS nito lods,

gusto ko sana e-update kaso nag bigay ng warning yung pinsan ko na huwag ko daw e-update ang OS nito kasi magiging problem daw sa cp.
 
nacheck mo na mga cache ng mga apps?

baka nakahide lng mga files 🤔 try mo mag install ng app like sd maid, may explore don walang effect nakahide. baka makita mo
 
Last edited:
Na try ko na din po yan paps, disk analyzer app yung ginamit ko, naclear ko na mga trash files na naka hide pati mga cache files ng app, kaso hindi parin ma solve,
😢

nacheck mo na mga cache ng mga apps?

baka nakahide lng mga files 🤔 try mo mag install ng app like sd maid, may explore don walang effect nakahide. baka makita mo
Na try ko na din po yan paps, disk analyzer app yung ginamit ko, naclear ko na mga trash files na naka hide pati mga cache files ng app, kaso hindi parin ma solve
😢
 
Na try ko na din po yan paps, disk analyzer app yung ginamit ko, naclear ko na mga trash files na naka hide pati mga cache files ng app, kaso hindi parin ma solve,
😢


Na try ko na din po yan paps, disk analyzer app yung ginamit ko, naclear ko na mga trash files na naka hide pati mga cache files ng app, kaso hindi parin ma solve
😢
nakakakita ba ng hidden files yang disk analyzer lods? sa sd maid kase pati mga hidden .thumbnails nakikita eh

Screenshot_20240104-140226.jpg

like to hidden files to. minsan ung folder na nakahide madami ding data, dinedelete ko un
 

Attachments

Back
Top