Eto kase meron ako nakilala isang babae sa ML tapos inaadd nya ako sa fb halos bawat oras magkachat kami at halos magdamagan maglaro kinukwento nya buhay sakin mga deeptalks problem pangarap nya kaya nasanay ako na lagi syang nag gogoodmorning at nag goodnight sa amin. Mag 1 year na kami magkakakilala sa halos buwan dumaan walang araw na hindi kami naguusap at nakakapaglaro. Alam ko talaga biglang nagbago ung tingin nya sakin nawala na ung excitement kase gawa ko daw masyado ko na daw nilakasan feelings ko sensitive at cljngy. Iniistalk ko nga lagi fb at ml nya tinatanong kung sino lagi kalaro kase minsan nalang kami maglaro tapos lagi pa syang badtrip d ko alam kung sakin pero kapag iba kalaro nya nakakailang laro hindi pa umaayaw. Basta mas masakit na natanggap ko sa kanya ung nakakasakal kana. Aminado ako seloso ako kahit hindi pa kame natatakot lang ako baka mapaltan o mawala ung taong mahalaga sakin kaya umiiral pagooverthink. Kaya ngayon wala na ako nalang mismo lalayo sa kanya kase alam ko na ung worth ko bilang friends lang or pampalipas oras lang noong panahong nalulungkot sya. Pero thankful ako sa kanya kahit ganun pinakitasa akin mahal na mahal ko sya.nag aantay parin ako sa wala.