Hi guys, normal lang ba to na nag ooverthink ako sa relationship namin? meron naman akong trust sa partner ko and di ko rin talaga maiiwasan mag overthink lalo na ngayon magkahiwalay na kami di na kami nag stay sa iisang bahay kasi umuwi na sya sa kanila kasi mas malapit dun yung school nya, minsan lang din sya nagbibigay ng reassurance sakin kapag nag ooverthink ako nagagalit pa sya and lagi niya akong sinasabihan pagod na daw sya sa kaka overthink ko, pano ba to maiiwasan? lalo na pag gabi jan nagsisimula hanggang madaling araw na yan. Yan rin isang dahilan bat inactive na ako dito sa PHC kasi nawawalan ako ng gana sa mga bagay2 simula nong sinabihan nya akong hihiwalayan nya ako pag di ko tinigil pag ooverthink ko. Nag ooverthink kasi ako minsan, kasi new circle of friends nya ay mahilig mang hunt ng mga pogi sa school nababasa ko sa gc nila and meron din mga bakla nagtatalk about sa mga lalaki na nakikita nila na malalaki daw yung 3t1ts tapos yung partner ko panay tawa rin sa gc nag ooverthink ako baka ma adapt nya rin yung behavior ng mga new circle of friends nya at baka ipush sya ng mga friends nya dun sa mga lalaking nakikita nila. May tiwala ako sa partner ko pero wala akong tiwala dun sa mga nakakasama nya. Please I need advice ano pwedeng gawin dito sa situation ko.