Help Other devices on my Gmail

virus_1221

Eternal Poster
Hi po. Ewan kung tama yung napaglagyan ko ng post. Sorry agad 😅. Tanong ko lang po sa mga masters .. pano po Kaya matitigil yung ganito? Palagi kasing my ibang device na naka access sa Gmail ko po. May two-factor authentication naman ako na naka on po. Tapos di ako gumagamit ng ibang phone . Nakakainis lang Kasi nakakapag sign up sa kung ano anong websites ng di ko po alam biglang may email na sign in attempts daw sa certain na website. Patulong po please.. thanks in advance. Palagi nalang akong nagpapalit ng password tapos ganun parin po.
 

Attachments

Punta ka sa website ng gmail, tas click mo "Manage your google Account" tas sa security tab, hanapin mo yung "Your Devices" tas sa baba may nakalagay na "Manage Devices" tas click mo lang yung 3 dot sa taas ng bawat devices na naka log in tas click mo lang sign out. Sana makatulong,
 
Naka ilang ganyan na ko boss e. Nalalog out ko naman po sya kagaya ng nasa screenshot kaso Ewan ko pag mga ilang days lang may new device nanaman. Nakaka stress lang kasi. Tapos ginagamit nya sa kung ano Anong sites
 
Palitan mo na lang Pass, recovery phone at recovery email mo ts, tas yung sa mga security questions, baka alam nung nag la log in naka acc. mo kaya napapasok nya. pag ganun pa rin, di ko na alam. HAHAHAHAHA!
 
Nakakaloka sya no boss? Nakakasira ng beauty Haha. Medyo na I stress ako na natatawa sakanya kasi pati coins.ph ko pinipilit buksan e Piso nalang yata laman nun. Matagal na kasi ako sa online job boss kumikita ako ng Bitcoin dati pa. Ewan ko lang kung tama ako na nakausap ko na sya dati sa fb. Ayaw ko maging th haha. Pero opo nagawa ko na kanina yung advice Mo po. Salamat boss
 
Opo boss ilang beses ko na pong ginawa Yan 😅 . Medyo malupet lang talaga siguro sya. Kasi naoopen nya e. Ewan nga po kung pano nya nagagawa. Wala naman ibang nakakagamit ng cellphone ko e may authentication naman Bago maaccess. Minsan sa safari , chrome, Mozilla naka on sa history. Yung IP parang naka VPN kung saan saan kasing country. Tapos sa device may Android at iPhone pa. Sus me... Yayamanin na pinagtitripan pa account ko.😥
 
nadidisconnect ko po sya kuya . Pero pag magchecheck ako ng active devices mga ilang Araw lang my ibang device nanaman. di ko nga alam pano nya naaaccess e. Tapos biglang may account na kung saan saan sites. like amazon nga e. May yougov ba yun kung di ako nagkakamali . Nakalimitan ko kung Bitcoin site na isa. Ewan ko ba... Pati recovery account at number ko pinalitan ko na kanina. Ewan nalang kung maulit pa. Nakaka stress sya
 

Similar threads

Back
Top