Nais mo bang magkaroon ng OpenWrt build ang iyong 4G/LTE/LTE-A/5G modem, kung wala pa itong build na available, at the same time makatulong sa ating komunidad? Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Kailangan po talaga ng usb-ttl kapag FIRST TIME conversion ng unit from stock to OpenWrt for R281/R291. Walang ibang paraan. Pero after nito, hindi na ulit kailangan ang usb-ttl for succeeding OpenWrt flashing.
Dalawang device kadalasan ang matatagpuan sa isang OpenWrt-supported wireless modem -- yun router or AP kung tawagin (kung saan matatagpuan ang Wi-Fi radios at Ethernet ports), at yun modem or CP (kung saan matatagpuan ang SIM card at mobile radio antenna ports). Internally connected ang dalawang ito.
Ang kinokonvert natin into OpenWrt ay yun system ng router at hindi natin ginagalaw ang system ng modem, maliban nalang kung may kailangan i-tweak.
Sa madaling salita po, stable ang OpenWrt sa ZTE MF286RA pagdating sa router functions, pero kung nakararanas ng issue ng pawala-walang internet connection ay kailangang tignan mabuti ang modem part nito. Maaari lang nating gawin sa ngayon ay mag apply ng tweaks dito or workaround on the router side dahil hindi pa natin maaaring palitan ang system nung modem.