If magi-introduce ka palang sa kanya...
Important na iset-up mo muna ang dating account mo. Number 1 ang picture dyan. Put something na magi-illustrate ng mga ginagawa mo as a hobby, yung work mo, yung mga lugar na napuntahan mo, etc. Hayaan mong ang mga pictures ang magkwento kung sino ka. Makucurious ang girl nyan lalo na't nagkataon na same kayo ng interest. And don't forget to smile sa mga pictures, of course.
Pagdating sa intro, wag ka magmemessage ng masyadong common like "How are you?", "Hi" , etc. Be unique and "go for the kill" agad sa simula pa lang. How? Magobserve ka sa mga pictures nya and magcomment ka about dun. For example, nakita mo na may picture ng hike sa Mt. Pulag, sabihin mo (if hiker ka rin), "Wow! Sea of clouds sa Mt. Pulag. Anong trail nyo dyan? Ambangeg or Akiki?". Dun pa lang may point ka na dahil manonotice nya na may alam ka sa mga interests nya.
Kapag nagstart na yung convo nyo, always make her laugh. Mag-effort ka rin sa mga munting bagay kahit gaano man yan kasimple. Don't forget ang mga special events like birthday, graduation sa college, etc. Iparamdam mo sa kanya na special sya sayo but don't try too hard to impress her. Ipakita mo lang kung anong best at kaya mo. Ayaw mo naman sigurong magustuhan ka dahil sa isang bagay na hindi ang natural na ikaw, di ba?
Marami pang options and be creative lang boss. Goodluck sayo.