What's new

Closed Online Class Grabe Quiz namin

Status
Not open for further replies.

dungeonmaster

Eternal Poster
Joined
Jun 10, 2017
Posts
1,176
Solutions
14
Reaction
286
Points
411
So ayun na nga online class kami so online din quiz namin pero bat ganun di sila nagcoconsider. Pag madami kasi nag aaccess ng site ng school namin medyo mabagal dagdag pa yung internet ng Pilipinas na sobrang lakas.

So ito po talaga yung situation, may quiz kami 54 items tapos 13 mins lang. Oo 13 minutes, bali 15 seconds lang each question at bawat click ng next question magloloading pa yung site kinulang pa yung 15 seconds sa pagloading. Halos hindi ko na nga nabasa lahat ng tanong basta mga keywords nalang tinatandaan ko 46 lang nasagutan ko kasi naabutan na ng time. Kaiyak.


Ngayon may quiz ulit kami deadline ngayong 11:59 ng gabi di pa ako nagtake kasi marami sa classmates ko nagtake pero biglang nadown yung server. So ayun sher ko lang mga lods sakit sa ****** lugi talaga mahina internet. Sanaol malakas internet.
 
May sense naman yung paglalagay ng time limit para hindi makapandaya pero dapat i consider nila yung internet at device ng estudyante
 
oo nga po kahit 30 seconds per question nalang sana kasi magloload pa yung page at magbabasa pa ng question pero wala eh studyante lang kasi wala tayong magagawa
 
The best thing to do is to report it. Kapag walang nagsalita sa inyo, magpapatuloy na gan'yan. Totoo, natural lang naman na may time limit pero dapat sakop sa binibigay na time limit yung consideration(s) kagaya ng mabagal na Internet, errors at kung ano-ano pang unforeseen hindrances.

At isa pa, hindi makatarungang pakinggan ang 13 minutes na time limit para sa 54 items (pero depende pa rin sa tanong). Kasi ang tendency, hindi na babasahin ng estudyante yung tanong. Ang gagawin na lang niyan manghuhula para lang makahabol sa time limit. Kung gano'n ang lagay, wala na ang essence of learning. Mas mapapatunayan lang na hindi talaga oks ang online learning.
 
Last edited:
[XX='dungeonmaster, c: 236684, m: 916698'][/XX] bakit hindi ba pwedeng isuggest yun. Napaka reasonable kaya ng dahilan mo 😒
 
[XX='copro14, c: 236773, m: 258459'][/XX] tapos na po kasi yun quiz at hindi nila kinoconsider issues na related sa network nagtanong ako if pwede maka retake or final na yung score final na dw kasi may nakaperfect nama dw, for sure yung kompleto sa gamit at malakas internet ang mga yun
 
madali lang po yung questions actually tama lahat ng 46 na sagot ko di ko lang natapos hanggang sa number 54. Nagreach out na din kamo sa instructor tas sabi "becoming an engineer says no excuses". Tama naman pero sa situation ngayon sana magconsider nalang kahit konti.
 
kaso di po ako pwede magstop ngayong school year kasi yung scholarship na nakuha ko bawal na ma avail next year, without it di po ako makakapag-aral siguro kaya ito laban pa rin hahah
 
Last edited by a moderator:
Ingat sa pagsasalita boss alam naman natin lahat na unfair o may mga butas sa online class marami ang nagagalit o 'di sang-ayon, pero hindi nakakatulong ang pagmumura baka ma ban pa kayo niyan.
 
To be honest, what it seems to me right now is that your instructor is actually the one making up excuses not to be considerate sa inyo. If what your instructor said was meant to motivate you, sana alam niyang that was such a poor attempt. Regardless of one's profession, dapat laging reasonable. Tsaka as an engineer (kung engineer man siya), dapat alam niya na maraming bagay na kailangang kino-consider kasi may instances kung saan certain plans do not work as initially intended due to some unforeseen circumstances.

Sana matauhan siya. Nakikita naman niyang may pandemic. Hindi dapat siya maging ignorante sa mga posibleng pinagdadaanan ng mga estudyante niya habang nag-tatake ng test niya. Kawawa yung mga estudyante na hindi privileged o mahina ang connection lalo na yung mga naka-data lang. Kawawa rin yung mga nag-tatake ng test tapos biglang mag-dodown ang server. Parang ang nangyayari swertehan na lang.
 
[XX='ledin, c: 237066, m: 1688694'][/XX] yung iba po na di talaga nakapagstart sa quiz tas nasubmit binigyan naman ng chance, baka hindi lang po sya masyadong "techy" na pagkatao since medyo mataas na edad kaya siguro hindi nya naisip yung possibilities. Mahirap din po kasi trabaho ng teachers ngayon since through online na lahat kaya nirerespeto ko pa rin po lahat ng teachers namin sana lang mabigyan kami ng consideration. Sana nga po sa next quizes namin mas mataas na time limit.
 
Malaki rin respeto ko sa instructors ko. Sinwerte lang din siguro 'ko kasi kahit yung instructors ko na medyo may edad na considerate pa rin. Dapat nga kapag hindi "techie" mas considerate kasi kahit sila nakakaramdam din ng hirap. Baka ganun talaga yung instructor mo. May naka-set na expectations kasi siya. Gusto siguro niyang pairalin yung sinasabing "standard" kaya lang sana i-adjust niya yun ngayon in consideration sa different situations ng mga estudyante. Hindi naman kasi ito classroom setting kung saan easily controlled ang mga bagay-bagay kasi nasa iisang room lang ang lahat.

I'm hoping for the best sa inyo ng mga kaklase mo, lods. May things work out fine between you and your instructor. :)
 
ah pre pandemic days we already have online exams (finals) were we have to submit our work within the end of the day.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top