What's new

OA ba maging clingy ?

Yung jowa ko ayaw nya ng clingy type na jowa. Nakakaasiwa daw. Pero nung naging kami nagbago sya, gustong gusto nya yung pagiging clingy ko. Tapos pag di ako naging clingy napaparanoid bigla. 😂 Well depende parin naman yata yan sa tao. Pag deep yung love di yan magsasalita na nakakasawa na. Siguro pag wala lang sa mood. Mangamba ka kung okay yung mood nya, okay sya tas bigla nalang nyang sasabihing nakakasawa na. Lalo na kung ganon kana man talaga simula nung ligawan mo sya then nagustuhan nya.
 
parang ako nga yung babae sa amin eh , yung tipong sa public ako yung kakapit sa braso nya , sa chat ako yung clingy pati sa personal ganun , and siguro sa kada paulit ulit kong sinasabi dun rin sya nagsasawa
 
Ganyan din ako sa gf ko lods pero appreciated niya naman kasi ganun din siya. Matagal na kaming clingy sa chats, talks and even personal lagi kami vocal sa nararamdaman namin . Pag-usapan niyo bakit niya sinabi sayo yun
 
kung ako sa iyo lods, pa miss ka naman kasi. alam ko na clingy ka pero ung nasabihan ka ng girlfriend mo na OA ka. ouch! talaga yun.
subukan mo lang mag pamiss tingnan mo hahanap hanapin niya yan.
 
siguro na Oa na sya kase halos minuminuto ganun ako eh hahahah wala na kaming deep convo dahil sakin
 
Bro, this is coming from experience ah. Ikaw bro bata ka pa judging sa sinabi mo. 1st. mag relax ka lang in love ka sa gf mo at napakagandang bagay nyan kasi totoong mahal mo infact maswerte ang gf mo dahil wala kang ibang inatupag kundi mahalin sya.
2nd. wala kang dapat ikatakot bro nasagf mo yan kung bulag ba sya or manhid inuulit ko WALA KANG PAGKUKULANG pero NASOBRAHAN KA lang at lagi natin isipin lahat ng SOBRA ay DI NORMAL. 3rd. Ang mapapayo ko lang is kalimutan mo yung tought na iniisip mo sa sarili mo napaka clingy mo tangalin mo yung mindset na yan kasi dadalhin mo yan sa relasyon nyo. iisipin mo lagi tuwing mag iilove you ka na ay baka wag nalang? sobra sobra na? MALI yon. Iparamdam mo lang na mahal mo sya bro wala kang sabit. IWAN KA MAN NYA WALA KANG PAGKUKULANG SYA YUNG NAWALAN :) 4th. Maintain a healthy communication ex, may topic talaga kayo di yung puro "nakakkain kna" "miss na kita" "ano gawa mo". kung walang maisip na topic edi wala pagusapan nyo yung kayo relasyon nyo paano kayo mag ggrow together. 5th. Once na makita ng gf mo na nagiging mature at nagggrow ka sa relasyon nyo di ka iiwan nyan unless bobits yan. Lahat ng babae gust mature na lalake lagi mong tandaan instant turn on yan sa kanila.
 
Ituring mo siya na parang kapatid lang o barkada. pero hindi nagbabago yung concern mo sa kanya. wag puro tutok sa isang ugali, dapat matutuhan mo yung pakisama sa lahat ng pamamaraan. ako nga e ganyan din naman ako syempre,pero maganda yung hindi lang ikaw yung nakakakilala sa gf mo. dapat kilala niyo bawat isa, mag asta ka din ng kung ano yung gusto niya hindi yung puro ka lang paramdam sa kanya na mahal mo siya, maganda parin yung naastigan siya sayo minsan o kaya naapreciate niya yung iba mong ginagawa... yun paraan yun para siya yung maghabol sayo at mahulog pa. hindi yung panay lang kayo lambingan, pang isip bata lang yun pre..
 
actually sir oo baguhan lang ako pag dating sa ganto , first gf ko kase sya e and first nya rin ako , kaya etong tips na binigay mo sakin malaking tulong to syempre galing sa may mas experienced sa akin , salamt sir
 
oo pre, basta totoo ka lang sa gf mo at mapagkakatiwalaan ka yun ang másáráp sa pakiramdam. yun bang iniisip niyo na, na magasawa kayo sa pagkakilanlan.
 
well kung oa edi try mo hindi maging oa, try mo naman ikaw yung virtual assistant nya atleast naka tulong kapa. ganyan diba yung relationship, dapat willing ka mag compromise.
 
Back
Top