What's new

Not happy with the relationship anymore

nakukulangan ka lang. Be thankful na lang na mabait partner mo. pinangarap yan ng iba dahil yung napili nila may ibang babae pala.
 
mag pa miss muna kayo sa isat isa para malaman nyo kung mahal mo talaga sya... mahirap yan kc baka pag nasa iba na at dun nya makita ung halaga nya tapos ikaw mag sisi ka kc hawak n sya ng iba
 
For me , pagsubok Lang Yan sa relasyon Yung ganyang feeling.
Mag reminisce ka.. Yung mga panahon na nag liligawan palang kayo. Isipin mo bat ka ba nanjan sa relasyon na Yan? Isipin mo din na once mawala siya at mapunta sa iba.. kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba ? Imbis na hanapin mo Kung anong kulang, why not ikaw gumawa ng way or mag isip ng reasons para bumalik sa dati?
Sabi nga nila, falling inlove is easy.
Staying in love is a choice. So u choose. 😅
 
ganyan din ginawa ng gf ko ngayon e, kaya kahit mahal ko sya, binigyan ko nlng ng space, hindi na ako nag contact, masakit mn aminin pero nag hihintay parin ako, pero alam ko na its time to move on na,
 
Ang problema niyan ts subrang komportable ka na sa kanya ang turing mo nalang sa kanya tropapepz subukan mo lang halikan mo sya sa noo kong kaya mo
 
Kausapin mo SO mo. Unfair yan both sa inyo. Di ka na pala masaya tapos sya living in ignorant bliss. Walang ka aalam alam. Pagusapan nyo and then maybe you can both work harder to make your relationship work if not then call it quits na.
 
Mahirap TS na magstay sa relasyon ng dahil lang sa awa. Wala na dun ung excitement kada araw ng paggising mo para makausap or makasama sya. Kung may goal kayo sa isa't isa lalo na sa'yo, ano ba plan mo sa relasyon nyo. Kung di ka nakafocus sa goal na yun wala talaga.
 
ganyan din ginawa ng gf ko ngayon e, kaya kahit mahal ko sya, binigyan ko nlng ng space, hindi na ako nag contact, masakit mn aminin pero nag hihintay parin ako, pero alam ko na its time to move on na,
Naku po parehas na parehas tayo, tapos nag chat pa sakin na space lang hinihingi bakit raw ako naglahong parang bula, hindi ko lang masabi na space ang hinihingi nya natural hindi na ako mag paparamdam
 
Siguro try mo alalahanin bakit mo siya minahal, yung mga plans nyo together or paano kayo nagumpisa
- para dun sa part na "di ka na masaya".

Subukan mo rin na alamin kung ano ung mga nagbago at mga nawala na ginagawa nyo para sa isat isa
- para dun sa part na "parang may kulang".

At kung wala cyang ginagawang masama, at tingin mo wala kang rason pra umalis
PERO
nararamdaman mo na "di ka na masaya" at "parang may kulang"

- baka nasa part mo na yung rason or problema.


2 sided po ang relasyon, if may mga doubts ka na sa nararamdaman mo and di mo na kaya magcompromise
then mahirap sabihin na "MAHAL MO PA SIYA"



Advice ko lng po, ung respect n lang na masabi mo ng face to face saknya na "hangang dito na lang"
at mapaliwanag niyo sa isat isa ung side ng bawat isa ang best thing to do. Kasi mas masakit yung nagaantay ka (at siya without knowing) na maghihiwalay na kayo.

Life is too short, para lang maghihintay kayo mas masaktan sa dulo or mauwi lang lahat sa wala.

Lahat po ng tao is deserving maging masaya. :)
 
Naku po parehas na parehas tayo, tapos nag chat pa sakin na space lang hinihingi bakit raw ako naglahong parang bula, hindi ko lang masabi na space ang hinihingi nya natural hindi na ako mag paparamdam
mabuti nmn nag chat pa sayo, minsan kasi pag ganyan bka na stressed lng or worst depressed, pinupull out nila tyo kahit mahal nila, pero ang totoo kailangan din nila ng supporta galing sa atin na kailngan mag tiwala tayo sa kanila na malalampasan din nya ang lahat hanggang sa mas magiging okay na ang lahat,
 
kung di mo na gusto. .pranka ka dpat sis di ung antayin mong masaktan ung tao. .mas okay na tapusin mo ng maaga pa kesa lumaki pa at mging malaking issue pa yan sau. .kahit anong gwin mo pag di mo na mahal wla ka na tlgang mgagawa dun kac ikaw na may problema at hindi sya. .
 
mabuti nmn nag chat pa sayo, minsan kasi pag ganyan bka na stressed lng or worst depressed, pinupull out nila tyo kahit mahal nila, pero ang totoo kailangan din nila ng supporta galing sa atin na kailngan mag tiwala tayo sa kanila na malalampasan din nya ang lahat hanggang sa mas magiging okay na ang lahat,
Sana nga kasi may anxiety sya e, sana magbalik sya
 
Ganyan feeling ko minsan kaso nananaig pa rin yung feeling na ayoko sya mawala at saka mahal ko naman. Natatakot ako mapunta sa puntong yan, nakakalungkot lang.
 
lods? matunong nga lang.. ano ba yung tipong gusto mo? yung tipong palagi mong hinahanap sa relasyon.. kasi hindi naman masama yung mga "boring moments" dba? hanggat hindi ka susuko tsaka siya wala naman cgurong poblema.. bakit hindi kaya kayo mag travel dalawa yung tipong mag rerelax yung mindset ninyo kasi feel ko over stressed na po kayo sa nangyayari sa paligid ninyo..
 
Ang sakit naman nyan don sa part ng jowa mo na out of love ka na sa kanya. OMG I can't take it😭
 
ilan taon na ba to si ts? Hindi ka naman pumasok sa relasyon para magsaya lang at maaliw. Obligasyon mo panatiliin yung pagmamahal mo sa partner mo lalo na at wala naman palang masama na ginagawa sayo. Kung ganyan ang pagtrato mo sa relasyon. Mas mabuti wag ka muna pumasok sa mga relasyon at mangyayari at mangyayari lang ulit yang pagiging cold mo dahil sawa kana.
 

Similar threads

Back
Top