What's new

Normal lang ba sa talking stage na ikaw lang madaldal?

Maraming factor na pwedeng iconsider pero kasi kahit mahiyain ka or introvert kapag curious or interested ka sa tao kahit paano mag eeffort ka magtanong or mas kilalanin ung kausap mo. Sa opinion ko lang naman.
 
Hi! Just to give you guys an update. Hindi na po kami nag-uusap ngayon HAHAHAHA. Ayoko na po kasi, di ko po matagalan. Sobrang dry po ng convo namin (sorry na agad kung di na screenshot haha). Ako nalang po kasing nagtatanong at dumadaldal sa kanya. Nakakapagod din kayang ikaw lang lagi ang nag iisip ng topic. Tapos kahit interesting naman yung topic na sinasabi ko sa kanya, ang konti nya pa rin sumagot kaya hindi nagtutuloy tuloy convo namin e haha. Anyways, masaya naman ako ngayon kahit wala nang kausap. Bawas sa iisipin, bawas stress haha. Yun lang, thanks sa mga advice! Nakakatuwang basahin! Maaapply ko yan for sure sa mga next na makakatalking stage ko HAHAHAHAHA.

Pahabol pala. Naisip ko rin na daserb ko din naman yung tao na kayang i-match yung enthusiasm ko sa pakikipag-usap at yung totoong interesado sakin. Nga pala, namention ko na naadd namin ang isa't-isa sa mga soc meds account namin and nung chineck ko ig nya, andami nyang posts mga nasa 100 + pero wala syang followers and following. Dun palang magkakaroon ka na ng clue kung anong klaseng personality meron sya. Tapos before kami mag-usap, tinanong ko kung may crush syang taga kanila, sabi nya wala din daw 💀. I mean haha kahit artistang babae wala man lang syang nakakacrushan talaga?!?!
Ok n yan. Mas maganda tlga mhanap mo ung hindi nalalayo sa age group mo. Minsan kasi pag sobra layo na ng age bracket, iba na rin ang love language ng mga tao. Unless nlng swak sa panlasa mo ung style nila, which in your case hnd kasi gnun.
Besides, sa scenario n yan, baka bandang huli lumabas pa na ikaw ang pilit naghahabol sakanya kung ganyan ka one-sided ang conversation.
 
Last edited:
same age kame ng ka talking stage mo, pero di ako one liner if may ka chat or talking stage nasabay naman ako minsan, nagka parehas lang den siguro kame at this age eh walang jowa 😅, baka introvert sya siguro?? or may pagka pihikan, di ko naman sa jina judge un agwat ng age nyo kasi nga may kasabihan dba age doesnt matter pero for "ME" lang ha ganyan age gap parang di ko talaga trip lalo ako un Boy par akasi kuya kana masyado, siguro pinaka mas bata kong naging Ex is 5 yrs age gap namen, ad of now naman may ka chatting stage ako 27 yrs old lng den sya, mejo nag alangan den ako nung una pero nag ask naman ako sakanya if di ba sya maiilang if malaman nya real age ko kasi thrice pa lng kame nag meet since thru online ko lng den sya nakilala pero wala naman daw sakanya un kaya ayon mejo tuloi2x naman convo namen till now, baka ewan lng ah same kame ni Guy ng perception towards age gap, pero since nasabi mo di na kayo naguusap siguro nga much better hanap ka ng makakasabay sa mga topic mo atleast 😊
 
haha mapapayo ko lang sayo hindi kapo nya type flirt mode lang ginagawa nya sabi mo nga nice sya may hitsura at gusto mo pero ang problema eh hindi kanya gusto baka gusto kalang nya panandalian lang kasi sabi mo nga mas matanda sayo . kaya pass kanadyan kasi ikaw lang yong gumagalaw mahirap yong ganyan pati pag tatalik nyo ika mag fi first move kung sakali ganon ba gusto mo? haha

and tips ko langsayo kaming mga seryosong tahimik na tao maingay kami sa chat pero sa personal torpee kami hindi kami maingay .

and pag makikipag kita kami like date kami yong laging unang dumadating sa crush namin at palagi kaming nag a update . at palagi kaming nag aalala if ano na ginagawa nya etc pag ganon yong lalaki na makaka date or jowa mo don kana kaysa sa ikaw lang yong gumagalaw kasi sa huli ikaw lang din iiwan nyan mas okay ng mas gusto ka ng panget kasi handa syang ipaglaban at samahan ka sa hirap or ginhawa kasi gusto kanya kaysa naman sa gusto mo na ikaw lang yong gagalaw

sa madaling salita dapat yong lalaki ang mag kakagusto sa babae at sya yong mag eeffortat first move hindi hong babae kaya nga babae para pag lingkuran hindi yong lalaki ang magiging boss .


basta pass kanadyan yon yong payo ko sayo marami pang lalaki dyan na seryso at mag effort sayo !
 
Nasa age gap nyo naman ang sagot. 24 ka, 35 sya. Yung mga nasa ganyang edad di naman talaga mahilig mag reply yan ng mahahabang messages. Mabuti nga at nagrereply sya at nakikipag usap sayo.

Dalawa lang yan eh, 35 na isip bata at 35 na matured na. Andun sya sa matured hehe. Kasi kung isip bata yan, hindi short messages reply nyan at malamang hindi lang ikaw kachat nyan.

Ikaw naman na 24 lang, siguro naiinip k nang kausap sya kaya ganyan ka mag isip.

PS: Opinyon ko yan base sa kwento mo hehe. Di po ako galit hehe
 
Sanaol may ka talking stage hahaha joke lang. Hanap ka na lang dito kaya 😅

Wala na ba yung first guy na nagustuhan mo?

Nakakapagtaka na marami kayo common interest kayo pero parang naiimagine ko ang dry ng usapan nyu palagi 😅
 
haha mapapayo ko lang sayo hindi kapo nya type flirt mode lang ginagawa nya sabi mo nga nice sya may hitsura at gusto mo pero ang problema eh hindi kanya gusto baka gusto kalang nya panandalian lang kasi sabi mo nga mas matanda sayo . kaya pass kanadyan kasi ikaw lang yong gumagalaw mahirap yong ganyan pati pag tatalik nyo ika mag fi first move kung sakali ganon ba gusto mo? haha

igop/gwapo kasi, kaya umaasang may development...
mas lamang talaga ang igop/gwapo, kapag wala kang itsura, di ka mapapansin ng kababaihan
 
Sanaol may ka talking stage hahaha joke lang. Hanap ka na lang dito kaya 😅

Wala na ba yung first guy na nagustuhan mo?

Nakakapagtaka na marami kayo common interest kayo pero parang naiimagine ko ang dry ng usapan nyu palagi 😅
Wala man sya dito sa Manila pero nasa puso ko parin sya HAHAHAHAHA. Oo nga e, feeling ko bet din naman ako nun tapos halos same age lang din kami. Napaisip tuloy ako bigla HAHA sana sya nalang pala kinausap ko.
 
Last edited:
Hindi sya interesado sayo or boring talaga sya kausap.
Kase observe ko yung mga taong interesado sa akin madalas talaga tina try nila na maging makabuluhan ang pag uusap namin at yung mga taong di interesado sa akin usually one lines lang nag re reply at minsan sinasagot nila yung tanong ko without katugtong na magpapatuloy ng pag uusap namin.
Kase in order na mag click talaga kayo at mag fit talaga kayo in a relationship dapat same energy ang pinapakita nyo both. Kumabaga ang talking stage ang spark. Eh paano pag walang spark?
Madalas mga ganyang convo di ko na i pu pursue kase walang spark. Madalas sinasabi sa akin na feeling gwapo ako pero napaka unfair naman kung ako lang ang nag e effort.
Kase kung di na sya nag e effort na i work ang convo namin papano pa kaya sa relasyon? Malamang sa malamang iiwanan ako sa ere.
Edit.
Nakakatawa nga lang na yung mga girls kahit na sabihin na natin na boring kausap o walang interest sa kanila nag pu pursue parin sila basta gwapo sa paningin nila. Balewala ang confidence o gaano ka genuine na tao pag di ka tipo di ka papansinin lol.
 
Last edited:
Back
Top