What's new

Ng/Nang

Ng o Nang?


  • Total voters
    5

eredeux04

Addict
Joined
Mar 30, 2021
Posts
185
Reaction
237
Points
98
Patulong naman po mga ka-PHC. Nalilito ako kung alin dapat ang gagamitin ko.

Ang mga salitang ito ay nababanggit _______ (ng/nang) ilang beses araw araw.

Salamat po!
 
ito TS baka makatulong hehehe

We use 'ng' when you want to say of, like Perlas ng Silangan, which translates to Pearl of the Orient/East. We use 'nang' when you want to say so that, like magpayong ka nang hindi ka mainitan, which translates to, use an umbrella so that you'll not feel hot.

fr: uncle google
 
Ang gamit ng salitang "nang" ay nangangahulugan ng sanhi.

Halimbawa:
Nang dahil sa malakas na ulan, bumaha sa kalakhang Maynila.

Ang pangungusap na "Nang dahil sa malakas na ulan", ang sanhi. Hindi ito buong pangungusap at bagkus nangangailangan ng bunga.
 
nang.

sumasagot ang 'nang' sa mga tanong na 'paano?' , 'gaano?' , at kapag inuulit ang kilos.

hal.
tumatakbo siya nang mabilis. (paano siya tumatakbo? mabilis.)

mahal kita nang labis (gaano mo siya kamahal? labis)

lamon ka nang lamon kaya ka tumataba.

-your post falls under the question 'gaano?'
 
Para sa akin, mas naaayon sa pangungusap na ito ang "nang" dahil DALAS ang tinutukoy.

"Ang mga salitang ito ay nababanggit NANG ilang beses araw araw."

Pagsamahin natin para hindi ka malito at pwede mong gamiting gabay:

"Ang mga salitang ito ay nababanggit NG binata NANG ilang beses araw-araw."


Pakitama ako kung mali ako sa mga sasabihin ko pero ito ay personal na palatandaan ko lang naman. Haha.

Ang palatandaan na gamit ko kapag "NANG" ay dapat nasasagot nito ang tanong na "KAILAN" o "PAANO".


Halimbawa:

Paano namatay ang biktima?

"Namatay ang biktima NANG walang kalaban-laban."

Kailan namulat ang mga tao sa katotohanan?

"Dahan-dahang namulat ang mga tao sa katotohanan NANG mag-umpisang lumantad ang mga sangkot na tao sa kaso."

Kailan natauhan ang mga tao?

"Nang maramdaman nilang lalo na silang naghihirap ay natauhan sila."

Kapag naman nasasagot ng pangungusap ang tanong ukol sa DALAS ay ginagamitan ko rin ng "NANG".

Halimbawa:

Gaano kadalas nangako ang trapong pulitiko?

"Nangako NANG paulit-ulit ang trapong pulitiko sa mga tao."





Kung ang pangungusap naman ay nasasagot ng "ANO", doon pumapasok ang "NG" para sa akin.

Halimbawa:

"Ang pangakong tapat na paglilingkod ay ginasgas na NG mga trapong pulitiko."

"Ang lugar na ito ay napag-iiwanan na NG panahon."



Uulitin ko po. Ang mga ito po ay personal na palatandaan ko lang naman. Pakitama po ako kung mali ako. Salamat. Hahaha. :)
 
Last edited:
nang = ginagamit sa mga panahon / pangyayari o aksyon

ex: "nang" ikaw ay mabatukan sa katangahan, matulog "nang" maaga,

ng = ginagamit kaugnay sa isang bagay o pangalan

ex: utak "ng" nagtatanong wala dahil sukdulan "ng" *****, ikaw ang anak na ***** "ng" hari
 

Similar threads

Back
Top