What's new

Newbie sa gym pano mag inquire at magsimula kapag mag isa ka lang?

Iloveu300

Eternal Poster
Joined
Mar 13, 2019
Posts
1,241
Reaction
543
Points
478
Age
26
Hello, balak ko sana mag gym kaso lang mag isa lang ako at hindi ko pa alam ang gagawin don. sa mga nag newbie mag gym dito pano kayo nag simula? at ano pwede itanong kapag mag iinquire ka. nahihiya kasi ako mag isa lang ako at walang alam kung paano gagawin, medyo introvert kasi ako. gusto ko lang malibang ang sarili ko. at the same time gusto ko rin gumanda hubog ng katawan ko. salamat..
 
Same tayo introvert din ako and mag-isa ko lang din. Nagstart ako last month. Since introvert ako, tingin ko maiilang ako kapag may trainer kaya di na ako kumuha ng personal trainer(pero advisable na may trainer lalo na pag nagsisimula). Nood lang ako sa YøùTùbé ng tamang form and program bago pumunta ng gym. Pag mag-iinquire ka depende sa gym, dito sa amin per session or monthly. Depende sayo kung saan ka mas makakatipid. Nag-enroll ako ng monthly because I go to the gym 6 times a week. Nakaka-intimidate lang talaga sa simula pero may mga naging kaibigan na rin ako na minsan tinuturuan ako ng tamang form. Kung hirap ka sa free weights gamit ka muna ng machines. I gained 4kgs in 1 month, from 46kg to 50kg. Goodluck ts.
 
1 muscle per session with cardio every 3 days gawa ko noon pero ngayon bumili na lang ako dumbbells at bike at un na lang exercise ko. Nood ka sa YøùTùbé. Wag mo biglain na mabigat, start ka boss sa magaan muna. Pinaka important proper form para iwas injury lalo na sa likod at para iwas almoranas, hernia.
 

Similar threads

Back
Top