Kung masyadong malayo kasi tapos sa gaming niyo pa gagamitin, extender/repeater is not ideal for gaming. In a real-world scenario, pag nag-extender/repeater ka (pure wireless at walang kable), usually ang makukuha mo lang na speed a half (or less) ng nakukuhang speed pag naka-rekta ka sa WiFi ng modem. Plus may latency/ping issue pa yan dahil "nire-repeat" lang niya ang isang wireless signal. Ang mangyayari sa ganyan, kung may mga interference mula sa source papunta sa destination, another factor pa yan na makakapagpabawas ng effectivity ng repeaters. Baka pagdating sayo, ang binabato na lang niya ay 25% percent (or less) na lang...
Wired connection is always the preferred choice.