What's new

Need an advice

Shiina Mayuri

Forum Veteran
Joined
Jul 23, 2016
Posts
4,386
Reaction
1,140
Points
911
Age
25
Hi! I'm jobless for 4yrs na and I'm having problem na maghanap ng work or parang di ko na alam gagawin ko sa buhay, di rin college grad at medyo may pag ka introvert din. I tried na mag apply before sa BPO but no luck :(

Di ko na alam gagawin ko di na ako bata at yung buhay ko is parang broken na compared sa mga tao na ka same age ng sa akin.

PS: Taga Pampanga/Clark pala location ko at sana may maka relate at makapag bigay ng tips.
 
kung di mo kaya or di ka pinalad sa BPO try mo mag explore apply in other works na pakirandam mo kaya mo....mas mainam na mag apply ka sa work na babagay ka and mas madali kang masanay....
 
Ayaw talaga sa BPO? Try muna sa mga Production Industry or Fastfood Industry.
Don't give up men, there's a lot of way to find a job.
Have a goodluck.
 
fast food muna pasok tapos aral ka ng iba pang language like spanish or chinise pag may ganyan ka sabak ka ulit sa bpo malaki sahod ng mga may ganyan language skill mga nasa 70k ata
 
Hirap talaga lalo na pag may pagkaintrovert. Ako kasi currently nasa ojt hirap makipag socialize kasi parang nabubulol lagi ako pag nagsasalita sa ibang tao.😅
 
Try mo sa Laguna sir. Sobrang daming factory don na tumatanggap ng HS graduate. Yung pinsan ko sa Panasonic nag-apply ang bilis niya natanggap. Pag ganyan try mo muna sa jobs like cashier sa 7/11, ministop or fastfoods. Mabilis naman sila tumanggap as long as may vacancy. Work your skills and experience muna para may mailagay ka sa resume mo. Malaking tulong na yong kahit sa fastfood lang or management ang experience then saka mo itry mag-apply sa high paying jobs or BPO
 
Hirap talaga lalo na pag may pagkaintrovert. Ako kasi currently nasa ojt hirap makipag socialize kasi parang nabubulol lagi ako pag nagsasalita sa ibang tao.😅
kaya nga eh tipong papasok ka palang sa school stress ka na, 4 years walang trabaho nagka anxiety nalang dahil parang dinadown ka palagi ng sarili mo
 
kaya nga eh tipong papasok ka palang sa school stress ka na, 4 years walang trabaho nagka anxiety nalang dahil parang dinadown ka palagi ng sarili mo
Parang ganito ata mangyayari sakin in the next few years. wag naman sana 😮‍💨
 
Naiintindihan ko po na nahihirapan kayo sa paghahanap ng trabaho at medyo nalilito na sa inyong sitwasyon. Ngunit mahalaga na tandaan na hindi kayo nag-iisa sa ganitong kalagayan, at may mga hakbang na pwede ninyong gawin upang mapabuti ang inyong kalagayan.

Una sa lahat, naisip na ba ninyo na humingi ng gabay o suporta sa isang career counselor o job coach? Maari nilang magbigay sa inyo ng personal na payo at estratehiya upang makahanap ng trabaho na tugma sa inyong kasanayan at interes.

Bukod pa dito, maraming mga resources na pwedeng makatulong sa inyo upang mag-develop ng bagong kasanayan o makatapos ng pag-aaral, kahit pa hindi kayo nakatapos ng kolehiyo. Maaring mag-enrol sa mga online courses o vocational training programs upang magkaroon ng bagong kasanayan at qualifications na makakatulong sa inyo na maging mas competitive sa job market.

Ang networking rin ay isang mahalagang tool sa paghahanap ng trabaho. Maaring makipag-ugnayan sa mga kaibigan, pamilya, at kakilala upang malaman kung may mga trabaho na available o maaring makakakonekta sa inyo sa mga tao sa inyong desired industry. Ang pag-join sa mga professional organizations o pag-attend sa mga industry events ay maari rin makatulong sa inyo na makakakonekta sa iba at magkaroon ng bagong oportunidad sa trabaho.

Sa huli, mahalaga din na mag-alaga sa inyong sarili at manatiling positibo. Mahirap at nakakalito ang proseso ng paghahanap ng trabaho, pero ang pagiging motivated at focused ay makakatulong ng malaki. Maari rin kayong maghanap ng support groups o online communities para sa mga naghahanap ng trabaho upang makakonekta sa iba na nasa katulad na sitwasyon at makapagbahagi ng payo at encouragement.

Sana makatulong sa inyo ang mga tips na ito sa inyong paghahanap ng trabaho. Maraming salamat po at magandang araw!

- Yours truly GPT
 
kuha ka course na gusto mo sa TESDA at maghanap ka ulit trabaho, once nakapasok ka mag-aral ka ng real degree para ikaw na hahanapin ng employers
 
Bago ako makapasok sa BPO nuon, nag simula muna ako sa mga sales. Jan ko na improve yung personality at pagharap sa tao. Pinagtyagaan ko ung 230 per day. Wla pa yan kalahati ng minimum back then.
 
Ganto naramdaman ko nung pandemic almost 3 years akong walang trabaho, may trabaho ako noon kaso napilitan akong magresign. 3 yrs akong nasa bahay nag aalaga kay mama , nag try din mag business yung tipong di ko need makipag usap o manuyo medyo akward kasi ako sa ibang tao lalo na pag kapitbahay ko, dami kong insecuries sa buhay di ako maganda , hindi sê×ÿ , tas nakapg tapos nga ako ng college pero napakapangit ng grades ko , sobrang nahihiya ako mag apply lalo na pag yung may hinihingi na grade mo. Ginawa ko during pandemic nag enroll ako sa TESDA naka tatlo akong course tuwang tuwa ako kasi libre na may allowance pa medyo naboost yung confidence ko ng slight , panay send na ko ng resume walang tumatawag sakin niisa nanlumo nnmn ako , hanggang sa nag walk-in ako BPO non voice , pucha nakakahiya bagsak yung exam ko , pinagtawanan pa ko nung HR kasi shunga yung mga sagot ko tas di ko pa alam yung position na inaaplayan ko may sinabi ako pero mali medyo chill ako nun kasi may backer ako tas di naman ako natulongan siguro kasi pangit talaga mga sagot ko. sobrang down na down ako di ko na alam kung anong trabaho papasokin ko . Hanggang sa nagtry ulit ako walk-in sa j&t nilakasan ko nalang loob ko kahit sobrang down na ko di ko naman kasi linya yung trabaho sa j&t wala akong idea pinatos ko na kasi wala yung mga trabaho na gustong gusto ko pasokan hindi ko alam if pasado ba ko o hindi kasi di ako tinatawag o kaya iemail . Tas hanggang sa naging smooth yung interview sobrang bait nung HR nakapasa ako at pinastart agad ako as QA , medyo naeenjoy ko na yung trabaho at may mga bagong kaibigan na ko hanggang sa yung mga inapplyan ko noon halos sabay sabay sila nagreply na qualified ako at magready na ko for interview etc. yung tipong ako na yung namimili kung alin ang gusto ko pasokan . Umalis ako sa j&t kasi bugbog ako sa gasolina medyo malayo kasi saamin ,sa ngayon yung pinili ko na trabaho is nakawork from home setup above minimum din at the same time nakakapg business pa ko dito sa bahay. Wag ka po mawalan ng pag asa , ok lang maging malungkot natural na yan . Pasa lang pasa lang ng resume, lahat ng kahihiyan na nangyayare satin talagang may rason isipin mo kung nakapasa ako dun sa una ko inapplyan (BPO nakaminimum lang ang sahod) di ako makakapasok sa trabaho ko ngayon na mas maganda yung offer. Subok lang ng subok lods . enroll ka sa TESDA nakaka boost din ng confidence yun .(may mga scholarship po). Darating din yung trabaho na para sayo basta subok lang ng subok at hindi susuko.
 
Hirap talaga lalo na pag may pagkaintrovert. Ako kasi currently nasa ojt hirap makipag socialize kasi parang nabubulol lagi ako pag nagsasalita sa ibang tao.😅
oo paps hirap maging introvert. Sabi nga nila pag nasa 20+yrs old kana kailangan munang tanggalin yang hiya² (natatanggal ko na sakin pa unti-unti ngalang hehe).
 
kung di mo kaya or di ka pinalad sa BPO try mo mag explore apply in other works na pakirandam mo kaya mo....mas mainam na mag apply ka sa work na babagay ka and mas madali kang masanay....
Ayaw talaga sa BPO? Try muna sa mga Production Industry or Fastfood Industry.
Don't give up men, there's a lot of way to find a job.
Have a goodluck.

thanks sa pag visit at pag reply sa thread
 
penge din tips
same situation kaso 5 years namn ako unemployed

sobrang mahiyain talaga ko , mababa self esteem and self confidence , gusto ko na magka regular na trabaho
 
habang nalulungkot ako at hindi makatulog dahil ganito din ang nararamdaman ko ts sa nararamdaman mo sakto nakita ko tong thread mo hindi lang pala ako ang nakakaranas ng ganito..ang hirap noh pero plano ko magpa enroll sa college sa august.. 29 years old nako sana tama tong desisyon ko..🥲
 

Similar threads

Back
Top