Ako yung type ng tao na ayaw makipag kaibigan pero simula noong nakilala ko yung babae na naging kaibigan ko nagbago ang buhay ko. Noong High School, madlas ako ma bully dahil introvert ako, ayoko talaga makisalamuha sa ibang tao konti lang ang mga naging kaibigan ko pero hindi kami madalas mag usap at dahil sa pam bu bully ay mas lalo akong naging introvert at na depress dagdag pa doon yung pag-aaway palagi ng parents ko. Yung high school ko talaga hindi naging masaya pero noong naging senior high ako nagbago ang lahat, nakilala ko yung babaeng nagbago ng buhay ko, sya yung unang lumapit sa akin para makipag kaibigan at dahil doon pinakilala nya ako sa mga naging classmates namin sa school at dahil din don nagkaroon ako ng confidence na maki salamuha sa ibang tao, lagi nya ako binibigyan ng advice sa buhay ko, marami akong na realize sa mundo dahil sa kanya. Sa paglipas ng panahon nag ka gusto na ako sa kanya, naging college student na kami at nag uusap parin pero wala pa din akong lakas para sabihin sa kanya itong nararamdaman ko dahil ayoko mawala sya sa buhay ko, ayoko masayang yung panahon na naging mag kaibigan kami, takot siguro ako na may magbago at mawala sya sa buhay ko. Tama ba na sabihin ko sa ka nya itong nararamdaman ko, o wag na. Mahal ko sya pero ayoko mawala sya sa buhay ko.