What's new

Help Need advice.

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Pinalaki ako ng walang bisyo, as in alagang alaga ako ng tatay ko, may makitang mali dinidisiplina agad ako, Pero ngayon oo may pagkatarantado ako. Admit ko yun. medyo mahiyain ako sa personal dito lang sa forum ako madaldal. May personality talaga ako na, pag may tao sa paligid ko parang nakafocus agad yung isip ko dun minsan nasama yung loob ko kahit wala namang dahilan kahit wala pa nagagawa yung tao, may naganap kasi sakin na di ko makakalimutan sabihin na natin pinagkaisahan ako sa masakit na pananalita pagpaparinig kumbaga napapatulala na lang ako kapag nangyayari sakin yan, 3yrs nagdusa ako sa ganun na pangyayari. Di alam ng mga kamag anak ko yun, ewan ko bakit ganito ako. Nawalan na ko ng tiwala sa sarili ko, feel nyo yun? Kahit anong salita di na natalab sayo kasi wala naman kakahantungan,tumatagos na lang sa tenga, pansin ko naging sobrang mahiyain na ko as in kapag kakausapin ako di ako makatingin ng maayos, parang natatakot ako baka husgahan ako nito porket ganito galaw ko(baka sabihin nyo, baka sa iba ka nakatingin di ako ganun naiwas agad ako pag may pangyyari na ganun) kaya gusto ko na lang mapag isa, pili lang kaclose ko sa kamag anak ko, kasi feeling ko may awra ako na matatakot yung isang babae, panget ako realtalk sabayan pa ng kulot na buhok edi parang africa 🤣

Hindi na din ako komportable sa matataong lugar, sa simbahan, kahit sa jeep struggle ako, di ako makatngin kung saan saan isang diretso lang, napagkamalan pa ako minsan na may balak sa kaharap ko hiyang hiya ako nun. Ewan ko feeling guilty kahit wala naman ako ginagawang mali

Dagdag pa sa kabilang bahay. Kung saan nandun yung iba kung pamangkin puro babae, yung isa sa kanila ilang din sakin :(

Bdkit ganun?

Any advice.
 
Btw, I was exactly on your feet before. Ang ginawa ko ay laging mag isip ng rebut. Sa tuwing naiisip ko kung ano ang iniisip ng taong kaharap or kasalamuha ko ay nareready ko sarili ko sa kung ano pwede nilang sabihin and when they spit something bad about me, I would return 200% damage. Haha
 
Ganyan din po ako nung bata haha pero nung magkaroon ako ng makukulit at kupal na kaibigan, naging kupal na rin ako hahaha nasa mga tao lang din sa paligid mo makakatulong sayo
 
Naranasan ko din to, di halata pagka mahiyain ko pag mga kumag kasama ko pero nawala na kasi yun, dun ko lang sa trabaho na experience yung ganun
 
advice ... dont give a f*ck on what they'll say. feeling ko natatakot kang mahusgahan where in fact di mo naman kailangan ng validation ng ibang tao. sa totoo lang sa panahon ngayon lahat nalang naghahanap ng validation ng kapwa nya. hindi ka naman madadala ng validation na yun sa mga pangarap mo, well unless may kinalaman sa social influences (like coordinator, politician, show business, marketing) yung line of work mo (na nangangailangan nga ng napalawak at daming validation).

next advice, dont compare yourself to other people. only compare your present self to your past self.
 
same here po ^^ Mahiyain din po ako yung tipong sa school alam mo yung sagot pero hindi ka parin nagtataas nang kamay then kapag natawag naman kahit alam mo yung sagot natataranta at nauutal/pumipiyok dahil sa kaba. then sa report yung parang kang raper dahil sabilis nang pagsasalita para matapos na agad ^^.

bakit nga ba ganon? i think because we are jumping to a conclusion. yung tipong hindi pa natin nagagawa dami na nating iniisip, yung tipong baka mali, baka mapahiya lang, at madami pang iba.

My advice was don't overthinking, gawin mo yung alam mong tama/magpapasaya sayo basta wala kang matatapakan na tao at hindi mali. ^_^. Then try to accept yourself first, kasi wla namn taong pangit.
 
Yep, DO NOT COMPARE YOURSELF TO OTHERS, mahirap isabuhay 'to lalo na sa panahon na lahat ng galawa ng tao ay nakapost sa SOCIAL MEDIA, one of the reason bakit tumigil ako mag fb, Twitter, at ig kasi kahit okay ka naman in your own way, tapos nakita mo yung classmate mo for example nakapagtravel abroad, narating yung ganitong milestones you'll feel unaccomplished, parang feeling mo failure ka tho hindi naman.
 
Don't feel bad about yourself TS, atsaka don't say na pangit ka (oo, kahit pa sabihin mo na real talk lang) I mean lahat ng tao may flaws, pero mas gagaan yung pakiramdam mo kung tangap mo 'to sa sarili mo. I mean not tatangapin na pangit ka, not that way hahaha yung flaws mo individually.

I had the same experience, someone talk behind my back and I taught she was my friend ka dorm ko sya, akala ko tangap nya ko kung sino ako hahaha nope that's not the case, I suffer from mild to severe acne up until now ginagamot ko yung face ko, I can't do anything about it kasi nasa dugo namin yung ganto, tho nageeffort ako to make it better, alam mo ang sabi nya "Bakit ang confident nya humarap sa ibang tao, eh ganun ang mukha nya." Wow! Harsh diba! But you know what, masakit, oo pero I cut her out of my life, I don't need those kind of people and you too.

Same sayo TS, nahihiya ba ko humarap sa ibang tao dahil ganto ang mukha ko? Oo, I do. Pero minsan wala akong pake sa sasabihin nila, kasi I know deep inside na ginagawa ko yung best ko para mapabuti yung sarili ko, If conscious ka sa itsura mo, maybe little by little make an effort for yourself. But, learn to accept your flaws and yourself. Okay? Remember God created us equally in his eyes, atsaka lahat tayo mamatay din wag mong masyadong isipin yung sasabihin ng ibang tao, be better for yourself not for others.
 
Same tayo TS, until now mahiyan oa rin ako towards other people, like, super, but confidence is not just an overnight miracle, overtime, paunti unti kong natutunan to not give an actual fu**ck on what people would think, pero laban lang TS, di ka mag isa sa laban mong yan :D
Paunti unti na rin akong nakikipag start ng conversation sa ibang tao kahit na madalas eh hindi ako makikipag usap sayo unless ikaw unang lumapit sakin pero naisip ko minsan, kung mananatili akong ganon, kahit isang tanong isang sagot, wala rin po mangyayari TS hehe
 

Similar threads

Back
Top