What's new

Natulog lang kami!' Mister, kinompronta ang misis na may kasamang lalaki sa isang lodging house

husband-and-wife.jpg


Viral ngayon ang kumakalat na video ng isang galit na galit na mister mula sa Pagadian City, kung saan kinokompronta niya ang kaniyang misis na umano’y nahuli niyang may kasamang ibang lalaki sa isang lodging house.

Batay sa ibinahaging video ng isang “RPN DXKP Pagadian,” makikitang nagpupuyos na hinabol ng mister ang isang lalaking nagtatakbo palayo matapos itong makitang kasama ang kaniyang misis. Hindi naman ito nahabol ng mister.

Muling kinompronta ng mister ang kaniyang misis, na noon ay sumasakay na sa kaniyang dala-dalang motorsiklo. Katwiran naman ng misis, wala umano silang ginagawang masama at natulog lang sa naturang lodging house. Hindi naman malinaw kung bakit magkasamang natulog sa naturang lodging house ang misis at ang lalaki, subalit malinaw na hindi ito bumenta ang katwirang ito sa kaniyang mister. Hindi naman pinagbuhatan ng kamay ng mister ang misis sa kabila nito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Huli pero di kulong! Kakaloka! Meron bang babae at lalaking nasa iisang kuwarto, hindi naman kayo magkaano-ano, pero natulog lang?”

“Bukod sa natulog, ano pa ginawa ninyo? Spirit of the glass?”

“Pagkatapos ng ginawa nila syempre napagod at natulog.”

“Hindi pa rin applicable sa korte ang tamang hinala… Dapat mahuli mo sa akto ‘yan para tanggaping ebidensiya.”

“The Philippines is one of the few countries that still consider adultery and concubinage criminal offenses. Adultery and concubinage are crimes against chastity under the Revised Penal Code (RPC) and are referred to as sexual infidelity in the Family Code or marital infidelity in a general sense. Under Art. 344 of the Revised Penal Code, only the offended husband can file the criminal case for adultery, NOBODY ELSE.”

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Baka nag jak n poy lang naman magdamag😆 pero kung aku di aku maniniwalang walang milagrong naganap, minuto palang o isang oras palang na magkasama kayo lalo na sa iisang kwarto, angdami ng pwedeng mangyari, magdamag pa kaya??
 
ang bait naman ng lalaking ito, kawawa ka talaga if magba-bait-baitan kapa sa panahon ngayun, dapat ang mga wifey ang magbabantay at hindi tayo, magpaka lalaki tayo
 
Back
Top