What's new

Closed "natauhan ako"

Status
Not open for further replies.

Queen Kush

Honorary Poster
Joined
Mar 8, 2018
Posts
139
Reaction
643
Points
176
Naniniwala ako na every relationship ay dumaraan sa isang lowest point that will either make or break you, and this is our story.. how we end up? Read to find out.

I can still remember clearly that night when you broke up with me. I can still feel the pain I felt while watching you on your knees crying in anger and disappointment. It's my fault,
I cheated.

You are a GF/Wife material. I want you to be my wife. Sa tagal nating 6 years (6 years that time) nakampante ako na hindi ka na lalayo sakin, lalo na't ako ang nakakuha ng iniingatan mong V. Alam kong sobra mo akong mahal, parang ako talaga yung the best kung ipagmalaki mo eh. Kapag naga-post ka sa FB tungkol sa mga kabutihan ko, madaming naiinggit, sinasabi nilang swerte mo sakin. Mahal na mahal kita pero I was still a boy back then, immature at 26. Naisip ko na magloko muna habang hindi pa nakatali, nadala sa mga kantyaw ng barkada na masyado akong seryoso, masyadong loyal, try to have some fun naman daw. So para cool naman tingnan nakikisabay ako tuwing may chix hunting sila. Nakikisabay ako makipag kwentuhan tungkol sa mga babaeng ka-fling ko. I text/chat girls nang hindi mo alam. No, many times mo na akong nahuhuli pero nakakalusot ang mga excuses ko at dahil din sa paglalambing ko sayo.

In my mind that time is YOLO, so have fun habang di ka pa kasal. Pero ikaw na talaga ang babaeng gusto kong pakasalan. Pinaramdam ko pa rin sayo na mahal na mahal kita, hatid-sundo kita, nilalambing kita, ipopost ko picture mo sa social media.. kaya you didn't see it coming. You have no idea about the dark side I kept hiding. Kaya mas masakit.

Skip tayo don sa nalaman mo lahat, na ka-meet ko ex ko, na gumawa ako ng fb account para sa landian namin. Na nag sumbong na sayo mga barkada mong nakikita akong may kasamang iba.

Nasa trabaho ako noon nung tinext mo ako na kailangan nating mag-usap. Alam kong alam mo na, ayaw kitang harapin. Sabi mo mag eskandalo ka sa trabaho ko kung di ako magpapakita. Kaya pinuntahan kita kahit nanginginig ang tuhod ko. namamaga mata mo pero pinag explain mo muna ako, ako naman tong huli na, nag deny pa. Nasa harap na lahat ng ebidensya nag papalusot pa. Tinapon mo sakin ang isang bag na naglalaman ng lahat ng regalo ko sayo, sabi mo break na tayo.. nasa isip ko "shit seryoso to" Niyakap kita, hinalikan, habang sinasabi na hindi totoo lahat ng nalaman mo.. Pero tinulak mo lang ako palabas ng bahay niyo.

Kampante pa akong maayos yun, alam kong dala lang ng galit ang sinabi mong break na tayo.. Alam kong di mo kaya mawala ako. Pero nung gabi ng mismong araw na yun, natauhan ako.

Umuulan at naglasing ka. Tinanggap ko lahat ng tadyak, suntok, sampal at mura na binato sakin. I know you feel so betrayed, ang sakit makita kang ganon. sobrang sakit makitang gumuho ang mundo mo dahil sakin.
Alam mo ba kung gaano tumatak ang sinabi mo sakin noong gabing yun? Yung sinabi mong "I don't deserve this, I don't deserve you. Makakahanap pa ako ng taong mamahalin ako ng totoo, hindi ako papakasal sayo"

Doon ko narealize na, what? Kaya niya? Kaya niya talagang iwan ako? Kaya niya talagang mag hanap na iba? Kaya niyang bumitaw sa 6 years na pinagsamahan namin? Kase ako, **** ako pero hinding hindi ko nakikita ang future kong di siya kasama.. **** ako pero siya pa rin. Siya lang ang mahal ko.

Noong mga panahong wala ka, tumigil ang mundo ko non eh.. di ako maka-function sa trabaho, nilunod ko sarili ko sa alak, nagkasakit pa ako, galit ako sa lahat.. lahat ng makita o mapuntahan ko ikaw naalala ko, doon ko nakita ang halaga mo. Doon ko na appreciate ang pag aalaga mo sakin, ang pagcomfort mo tuwing lugmok ako, yung mga words mo na nagpapalakas ng loob ko, punta akong kusina naalala kong nagluluto ka don ng paborito ko. Drive ako ng motor, namimiss ko yakap mo sa likod ko. Lahat ng madaanan kong lugar may memories tayo. Pag-tingin ko ng cellphone picture mong nakangiti ang wallpaper ko. Lahat ng mga nakakakilala satin, kumakampi sayo. Hinusgahan ako ng mundo noon, kung bakit ba kase sinaktan ko ang babaeng pinapangarap lang iba. Pati nga pamilya ko galit sakin, ikaw kase ang gusto nila. Tang**a ang hirap. Sobrang sakit nung nawala ka. Ang laki pala ng naging parte mo sa mundo ko, bat non ko lang nakita yun?

Nagmaka-awa akong bumalik ka. Umiiyak ako lagi sa harap ng bahay niyo. Pag kinakausap mo ako, di na tulad ng dati. Parang wala ka nang nararamdaman para sakin, ang sakit palang hindi makarinig ng "I love you too" sa babaeng mahal na mahal mo. Wala na, wala na yung mahal ko na malambing, yung nasa harap ko nalang yung babaeng kinasusuklaman ako. Ang sakit.

Kaya ayun, madami nang istoryang ganito.. na pahalagahan mo habang nasayo pa. Pero ang gusto kong iwanan sainyo, katulad ni GF unahin niyong mahalin ang sarili niyo. Kung sinaktan ka, bigyan mo nang leksyon. Niloko ka? Iwan mo na.. Kase kaming mga lalake hanggat nakikita naming di niyo kami kayang iwan, uulitin lang namin yan. Pero kapag alam namjng kaya niyong unahin ang sarili niyo, na kayang niyo kaming bitawan kapag nagloko kami, takot kami don.

Nga pala naging kami ulit. Ikakasal na kami. Pinaghirapan kong makuha siya ulit. Pero good boy na to ngayon, takot ko nalang iwan ni kumander. Maswerte ako nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pano na kapag wala na? kaya sana wag nang hintayin na humantong pa sa ganito kase hindi lahat ng babae mag bibigay ng second chance.

Kay Babe, sobrang iniingatan ko tong second chance na to. Salamat at paunti-unting binubuo mo ang tiwalang sinira ko. Salamat sa pag iintindi mo. Mahal na mahal kita.



The-boy-who-saw-her-worth
BS Engineering
Unknown
 
Haba repa, ganyan talaga tayo mga lalake sadyang marupok, pero ang tunay na pag-ibig ang magpapatibay sa atin mga :):):)
 
Last edited by a moderator:
Nayss one sir good story pero bakit kasi ginawa mo pa yun takot ka pala mawala yung mahal mo buti nalang po inintindi ka ni maam kasi mahal ka po niya at wag naman lahatin lahat ng lalake na nagloloko nangbabae never kasi ako goodboy po ito sir maging tapat lang po tayo kay GF at bigay mo tiwala mo siya na bahala po dun kung sirain niya tiwala ko haha salamat sa story naiyak ako dun
 
Nice story boss naalala ko ex gf ko sayu sa story mo yung kahit Saan ka lumingun parang NASA harap yung mukha nya pinapaalala kahit Saang lugar andon mukha nya hahaha parang kulang nalang ilagay sa mental .haha kaso kami 5yrs lang pero ako yung may pride hahaha maliit pasinsya, seloso haha ayun babye pero OK lang. Haha
 
Nice story boss naalala ko ex gf ko sayu sa story mo yung kahit Saan ka lumingun parang NASA harap yung mukha nya pinapaalala kahit Saang lugar andon mukha nya hahaha parang kulang nalang ilagay sa mental .haha kaso kami 5yrs lang pero ako yung may pride hahaha maliit pasinsya, seloso haha ayun babye pero OK lang. Haha
Haha nakakatuwa naman po
 
Nayss one sir good story pero bakit kasi ginawa mo pa yun takot ka pala mawala yung mahal mo buti nalang po inintindi ka ni maam kasi mahal ka po niya at wag naman lahatin lahat ng lalake na nagloloko nangbabae never kasi ako goodboy po ito sir maging tapat lang po tayo kay GF at bigay mo tiwala mo siya na bahala po dun kung sirain niya tiwala ko haha salamat sa story naiyak ako dun
Totoo po yan sir. Hehe
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top