Sa mga nagsilabasan na mga ehi, payloads, configs at iba pa ay mostly nanggagaling sa leecher. Wala po akong sama ng loob sa mga leecher kasi po alam naman natin doon tayo nanggaling. Ang di ko lang lubos maisip kung bakit lalo silang dumami noong kasagsagan ng katayan sa no load payload ng GTM... Sabi ko nga wala akong problema doon, ang saakin lang sana magbasa sila sa rules ng PHC. Daming nilalabag ng mga bagohan (leechers), halos karamihan sa kanila di nag babasa ng ating rules. Alam kung ginagawan na ng paraan ng ating mabubuting officers ng PHC na sugpuin ang ganitong mga pangyayari at sana'y wag na dagdagan pa ng mga matagal ng members dito ang pagiging pasaway. Sa mga datihan, alam kung nagsusunog kayo ng kilay at pinaglalaan nyo ng time para lang mag karoon tayo ulit ng config for no load ng GTM, ang sa akin lang wag isaalangalang ang kapakanan ng nakararami na dapat tayo sumunod sa mga alintuntunin at rules ng PHC. Isa sa mga nilalabag ng karamihan ng datihang membro ng tulad ay thread na paasa at alam nyo na iyon na mahigpit naipinagbabawal dito. Sana po itigil na nating ang ganitong gawaiin mapa leecher man o mga datihan na dito. Salamat po pagbasa at pag unawa.