Sa mga DDS at Dilawan, bakit ba kailangan niyong pumanig sa isang side? Sa tingin ko mas maunlad ang bansa kung walang pinapanigan ang mga tao, napakasimple lang naman ng logic na dapat tingnan natin.
Tama o Mali, nung mga bata pa tayo ano sabi ng magulang natin pag may gumawa ng kabutihan sayo? Diba mag pasalamat, Ano ginagawa satin pag gumawa tayo ng mali? Diba pinag sasabihan para wag ng ulitin at baguhin natin. Kung gumawa sila ng tama mag pasalamat tayo, trabaho nila yan tayo nag halal sakanila, pera ng bayan gamit nila kaya wala tayong utang na loob sa kanila at kung mali naman punahin natin, ipaalam natin na mali para maiayos at mabago.
"Kung tunay na gusto mo lang naman ay suportahan ang pag unlad ng bansa di mo naman kailangan maging panatiko at pumili ng susuportahan."
"At kung tunay talaga na may pakialam kayo sa bansa natin di kayo mag bubulag bulagan sa mga maling ginagawa at kapalpakan ng mga politiko!"
Puro nalang DDS at Dilawan sa internet nakakahiya kayo, hoy gamitin niyo naman mga utak niyo! hala baka mabulok yan
