What's new

Naniniwala po ba kayo sa multo?

Yup! First time ako makakita nung 2020. Somewhere around 4:30am sa itaas ng house ng uncle ko. Magkatabi and magkaheight ang bahay namin so may daanan papunta sa kanila mula 3rd floor.

Yung mga nakikita mo sa movies, hindi yun exactly ang looks nila. Hindi sila totally white talaga. Medyo gray ang kulay nila. Kita mo ang shape ng face but hindi mo makikita ang eyes and mouth. Imagine putting a stocking or plastic sa head. Naggoglow din sila.
 
Last edited by a moderator:
Ahmm sa mga nagsasabi na evil spirit sila and etc bat may mga spirit nq mababait
Like sa napapanood natin sa mmk or magpakailanman, marami pa talaga tayong nde alam sa mundo may mababait rin na spirit and minsan narin ako naligtas ng sinasabi niyong evil spirit un lang tenkyu hshshs

P.s ilang beses narin ako pinaglalaruan ng mga evil spirits an sobrang mahirap talaga paniwalaan lalo na kung mang gagaling lang sa bibig mo 🐷
Paano ka po naligtas?

oo sir wayback ito nung summer elem days ko lahat ng tao sa bahay nag bakasyon sa province then kaming dalawa lang ng papa ko naiwan. then one night nagising ako kasi sobrang init anyway mulang nung nag bakasyon sila sa sala lang kami natutulog ng papa ko. so yun na nga nagising ako dahil mainit. so lumabas ako then umakyat nakita ko dun si papa nag yoyosi at nakaupo. hinihintay niya rin magkaroon ng kuryente then sabi niya sakin "matulog kapa anung oras pa lang" parang ganun or pinapakuwa ako ng upuan para tumabi sa kanya. basta antok pa ako nun kaya natulog ulit ako. then nagising ako nakatingin siya sakin. then pumunta ng likod ng bahay. so ako naman sinundan siya pag sunod ko sa kanya wala dun. sa likod ng bahay namin yung bahay naman ni tita ko. so nag tanong ako kung nasaan si papa nasigaw na ako. sabi nila wala daw hindi daw pumunta dun. so ako umakyat ulit then ayun nakita ko si papa.. (same sila ng shirt etc etc.)
Halaa parang ginaya si papa mo lods?

Yup! First time ako makakita nung 2020. Somewhere around 4:30am sa itaas ng house ng uncle ko. Magkatabi and magkaheight ang bahay namin so may daanan papunta sa kanila mula 3rd floor.

Yung mga nakikita mo sa movies, hindi yun exactly ang looks nila. Hindi sila totally white talaga. Medyo gray ang kulay nila. Kita mo ang shape ng face but hindi mo makikita ang eyes and mouth. Imagine putting a stocking or plastic sa head. Naggoglow din sila.
Ano pong ginagawa ng nakita mo? At anong ginawa mo pagkatapos lods
 
Last edited:
Ano pong ginagawa ng nakita mo? At anong ginawa mo pagkatapos lods
Habang paakyat ako ng hagdan, may napansin ako na parang may liwanag sa gilid ng mata ko. Sabi ko, "Ano ba yun?" then inilapit ko yung mukha ko towards dun sa nagliliwanag na yun. Dun na ako nagsimula kilabutan.

Lalaki na nakasuot pangburol ang nakita ko. Nakatayo sya habang nakadungaw sa bintana.

Until now, kinikilabutan pa rin ako habang nagtatype ako dito. Haha.
 
Paano lods share mo ngw
Dun sa trabaho ko dati, kamamatay lang ng yung utility man naaksidente sa motor, butcher ako noon, nung unang araw, panggabi kami noon, na amoy namin lahat sa buong production yung amoy sampaguita,(bulaklak ng patay) sa halip dapat eh baboy ang na aamoy namin, tapos kami naman dalawa ng kaibigan ko si richard, .Yung kutsilyo na nakasabit sa dressing room halos limang taon na araw araw nya sinasabit doon ang kanyang kutsilyo na naka hook biglang nalaglag ng walang tao, ngaun lang daw nalaglag yun sa buong buhay nya. Saksi kaming dalawa habang kumakain kami nung break time na yun.
 
So parang nagmumulto po yung naaksidente? Baka di niya pa alam na patay na siya?
 
Naniniwala ako dahil sa experienced ko. Madaling araw nun sa manila nangungupahan kami di ako makatulog sa folding bed ginawa ko sa láρág ako nahiga tapos pagtingin ko sa bed may black shadow na umupo. Nagulat ako siempre. Tas pagtingin ko ulit wala na. Simula nun di na ako nakakatulog sa folding bed. Hanggang sa tanungin ko yung land lady kaya pala may namatay daw dun na nagtake ng board exam. Kaya pala tuwing naniningil hindi pumapasok sa kwarto. Hanggang ngayon di ko makalimutan experienced ko na yun dahil dun nabuksan daw third eye ko. Pero ngayon hindi na ako nakakakita dahil nag pray ako kay God na alisin na to. And it works. Thank you Lord.
 
Dun sa trabaho ko dati, kamamatay lang ng yung utility man naaksidente sa motor, butcher ako noon, nung unang araw, panggabi kami noon, na amoy namin lahat sa buong production yung amoy sampaguita,(bulaklak ng patay) sa halip dapat eh baboy ang na aamoy namin, tapos kami naman dalawa ng kaibigan ko si richard, .Yung kutsilyo na nakasabit sa dressing room halos limang taon na araw araw nya sinasabit doon ang kanyang kutsilyo na naka hook biglang nalaglag ng walang tao, ngaun lang daw nalaglag yun sa buong buhay nya. Saksi kaming dalawa habang kumakain kami nung break time na yun.
Amoy bulaklak ng patay and minsan din amoy kandila kapag may nagpaparamdam. Hahaha. Death anniversary ng lola ko nung mag-amoy kandila sa bahay namin.
 
Ano ginawa nyo lods?

Naniniwala ako dahil sa experienced ko. Madaling araw nun sa manila nangungupahan kami di ako makatulog sa folding bed ginawa ko sa láρág ako nahiga tapos pagtingin ko sa bed may black shadow na umupo. Nagulat ako siempre. Tas pagtingin ko ulit wala na. Simula nun di na ako nakakatulog sa folding bed. Hanggang sa tanungin ko yung land lady kaya pala may namatay daw dun na nagtake ng board exam. Kaya pala tuwing naniningil hindi pumapasok sa kwarto. Hanggang ngayon di ko makalimutan experienced ko na yun dahil dun nabuksan daw third eye ko. Pero ngayon hindi na ako nakakakita dahil nag pray ako kay God na alisin na to. And it works. Thank you Lord.
Anjan ka pa rin po hanggang ngayon?
 
Totoo ang mga multo. Mas madami talagang nakakakita nyan yung mga bukas na ang tinatawag nilang third eye. Lahat naman daw ng tao may third eye. Balak ko nga sanang pabuksan third eye last year in easy way kaso binalaan ako ng isang kilalang albularyo na si maestro lamuroc na hindi basta basta ang pagbubukas ng third eye dahil makakakita talaga ng mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao. Kailangan handa daw ako sa mga makikita ko. Medyo natakot ako kaya pinagpaliban ko na lang muna.
 
Similar threads

About this Thread

  • 118
    Replies
  • 5K
    Views
  • 64
    Participants
Last reply from:
Kaplok Kaplok

Online statistics

Members online
919
Guests online
4,185
Total visitors
5,104
Back
Top