What's new

Closed Nakakasira ba ng pamilya at relasyon ang fb?

nakakasira ba ng pamilya ang fb?

  • oo

    Votes: 25 59.5%
  • hindi

    Votes: 17 40.5%

  • Total voters
    42
Status
Not open for further replies.
bakit parang mas madali ma inlove sa fb or ma FALL kahit di pa nakikita yung tao?..

compare sa personal na panliligaw?..
Mas madali po kasi mag-sugarcoat ng sentiments kapag hindi personal.
Walang emotional hindrances tulad ng nahihiya o nag-aalinlangan.

Ang dali i-type ng "I love you" kahit di ka naman sincere.
Saying "I love you" for me is a big deal and a sacred act. Hindi ko yan sasabihin kung kani-kanino, lalo na yung mga hindi ko pa lubusang kilala.
 
depende sa tao kung papaano nya gagamitin ang fb, kung tamang fb lang ang ginagawa eh di naman makakasira.

Pero ang iba kasi mga baguhan pagdating sa Facebook or social media, kaya pag may mag-add friend at magchat lang ay ini-entertain kaagad nila kasi para sa kanila parang new experience yun sa kanila. Hanggang sa paunti-onti na silang kinakain ng sistema, araw-araw ng nakaonline, marami na ang mga kachat at palaging cellphone nalang hawak. At syempre kung marami nang kachat dyan na magsisimula na may magugustuhan na sila kahit alam naman nilang may karelasyon or may pamilya na sila.
 
imo paps sa tao pa rin yun kung mangangaliwa siya.mapababae o lalake dapat isipin nila na may masasaktan silang taong nagmamahal sa kanila bago nila gawin yung ganoong bagay.tsaka kung alam mo na rin namang makakasama sa relasyon niyo yung taong yung sa social media ay iwasan na kang agad iba na kasi ang social media din ngayon kung marupok ka mabilis kang matutukso.
 
Para sakin depende kung nilamon ka na ng sistema ng fb yung tipong napapabayaan mo na sarili mo,gf/asawa mo at mahahalagang bagay na dapat mas binibigyan mo ng atensyon. Hindi talaga maiiwasan mangaliwa master lalo nat másáráp talaga gawin ang bawal
 
Sa tingin ko Hindi, mas nakakatulong pa nga ito para mas tumibay yung pamilya eh. Kapag nawalan lang talaga ng time sa isa't isa ang bawat miyembro ng pamilya, Doon na magsisimula yung pagkasira nito. Ganun din sa pangagaliwa, kailangan lang maging open sila sa isa't isa, magbigay sila ng kaonting oras para makapagkwentuhan sila.


So Hindi talaga fb ang dahilan, nasa tao lang talaga. Depende sa ugali, sa mga taong nakapaligid sa kanila ( bad influence or good influence ), at Kung paano sila kumilos.

Gamitin natin si fb para magpasaya like pag tag sa kanila sa mga funny videos, relate pics, Bible related posts, etc... At gamitin din ito para mangkamusta kapag nasa malayo sila.

Yun lang po, sana nakatulong hahaha
 
Kaya mas maganda walang social media accounts dahil wala ng privacy ngaun. Ang mga evidence ng infidelity sa fb na makikita, pag iniba na ang account pw.. Alam na.. Kaso marunong magdelete conversation e.

*based on experience
 
in may experience po, sa fb nag umpisa pagka sira ng pamilya ko. nakakilala mabait kong asawa ng mabait din sa fb. iniwan ako , iniwan anak namin sakin.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top