What's new

Nahuli ko mrs ko

Status
Not open for further replies.

try mo sundin to ts​

Kung Paano Pag-uusapan ang mga Problema

ANG HAMON

Kapag nag-uusap kayong mag-asawa tungkol sa isang problema, pakiramdam mo ba’y lalong lumalala ang sitwasyon? Kung oo, may magagawa kayo para maiwasan iyan. Pero dapat mo munang malaman ang ilang pagkakaiba sa paraan ng lalaki’t babae pagdating sa pakikipag-usap.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

ANG DAPAT MONG MALAMAN


Karaniwan nang mas gusto ng mga babae na pag-usapan muna ang problema bago ang solusyon. Ang totoo, kung minsan, pag-uusap lang pala ang solusyon.

“Masaya na ’ko kapag nasabi ko na ang nasa loob ko at malaman na naiintindihan ako ng aking asawa. Kapag nasabi ko na ang lahat, wala na sa ’kin ’yon—madalas na ilang minuto lang pagkatapos naming mag-usap.”—Sirppa.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
“Hindi nawawala sa isip ko ang problema hangga’t ’di ko naipapaliwanag sa asawa ko ang talagang nararamdaman ko. Kapag nasabi ko na ’yon, okey na ’ko.”—Ae-Jin.
“Para akong detective. Habang ipinakikipag-usap ko ang problema, iniisa-isa ko ang bawat dahilan nito hanggang sa matunton ko ang pinakaugat.”—Lurdes.

Mas nakapokus ang mga lalaki sa pagbibigay ng solusyon. Natural lang iyan, dahil nararamdaman ng mga lalaki na may silbi sila kapag naaayos nila ang mga bagay-bagay. Paraan nila ito para maipakita sa kanilang asawa na maaasahan sila. Kaya nagtataka ang mga lalaki kapag hindi agad tinanggap ang kanilang solusyon. “Bakit pa magsasabi ng problema kung ayaw naman ng solusyon?,” ang sabi ng may-asawang si Kirk.
Pero “ang pag-unawa ay dapat mauna sa payo,” ang sabi ng aklat na The Seven Principles for Making Marriage Work. “Dapat mong ipadama sa iyong asawa na talagang naiintindihan mo ang problema bago ka magbigay ng solusyon. Madalas na hindi naman talaga solusyon ang kailangan ng iyong asawa, kundi isang mabuting tagapakinig.”

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Para sa mga asawang lalaki: Makinig na mabuti at magpakita ng empatiya. Sinabi ng may-asawang si Tomás: “Kung minsan, pagkatapos kong makinig, naiisip ko, ‘Parang wala naman akong naitulong.’ Pero madalas na ’yon lang naman ang kailangan ng asawa ko—ang may makinig sa kaniya.” Sang-ayon diyan si Stephen. “Nakita kong mas magandang hayaan ko lang ang asawa ko na masabi ang nasa loob niya nang hindi ako sumasabad,” ang sabi niya. “Madalas, pagkatapos niyang magsalita, sinasabi niya sa akin na gumaan na ang pakiramdam niya.”

Subukan ito: Sa susunod na mag-usap kayong mag-asawa tungkol sa isang problema, iwasang magbigay ng payo kung hindi naman niya ito hinihingi. Tingnan siya sa mata, at pakinggang mabuti ang sinasabi niya. Tumango-tango, at ulitin ang punto ng sinasabi niya para ipakitang naiintindihan mo siya. “Kung minsan, kailangan lang malaman ng misis ko na nauunawaan ko siya at na hindi ko siya pababayaan,” ang sabi ni Charles.—Simulain sa Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Para sa mga asawang babae: Sabihin kung ano ang gusto mo. “Baka iniisip natin na alam na ng ating asawa ang gusto natin,” ang sabi ni Eleni, “pero kung minsan, kailangan talaga natin ’tong sabihin.” Ganito ang mungkahi ni Ynez: “Puwede kong sabihin na, ‘May gumugulo sa isip ko, at gusto ko sanang pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. Hindi mo kailangang solusyunan ’to, basta makinig ka lang at unawain ako.’”
Subukan ito: Kapag nagbigay agad ng solusyon ang asawa mo, huwag mong isiping binabale-wala niya ang damdamin mo. Malamang na gusto ka lang niyang tulungan. “Sa halip na mainis,” ang sabi ni Ester, “iniisip kong talagang nagmamalasakit ang asawa ko at gusto niyang makinig, pero gusto rin niyang makatulong.”—Simulain sa Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Para sa mga mag-asawa: Pinakikitunguhan natin ang iba sa paraang gusto nating pakitunguhan tayo. Pero para mapag-usapan nang maayos ang mga problema, dapat mong isipin kung anong pakikitungo ang gusto ng asawa mo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi ni Miguel: “Kung isa kang asawang lalaki, maging handang makinig. Kung isa kang asawang babae, maging handang tumanggap ng solusyon paminsan-minsan. Kapag nagbigayan kayo, pareho kayong makikinabang.” —Simulain sa Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang mga paraan ng pakikipag-usap na tatalakayin natin ay maaaring hindi totoo sa lahat ng asawang lalaki at babae. Pero ang mga prinsipyong pag-uusapan sa artikulong ito ay makatutulong sa sinumang may-asawa na maintindihan ang kaniyang kabiyak at maging maganda ang kanilang pag-uusap.
Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

MGA SUSING TEKSTO

  • “Maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.” —You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Sa pagpapakita ng dangal sa isa’t isa ay manguna kayo.” —You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Magkaroon ng magkakatulad na pag-iisip, na nagpapakita ng pakikipagkapuwa-tao.” —You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

KAILAN ANG TAMANG PANAHON?

Sabi ng Bibliya: “Ang salita sa tamang panahon, O anong buti!” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Siyempre pa, totoo rin ang kabaligtaran niyan.
“Kapag wala sa tamang panahon ang pag-uusap, nauuwi ito sa pagtatalo.”—Sirppa.
“Huwag na huwag pag-usapan ang mga seryosong bagay kapag gutóm at pagód.”—Julia.
“Minsan, pagdating pa lang ng asawa ko, naglabas na agad ako ng sama ng loob. ’Tapos bigla akong huminto at na-realize kong nakakainis ang ginawa ko at nakakapagod para sa kaniya! Kaya sinabi ko sa kaniyang maghapunan muna kami bago ko ituloy ang sinasabi ko. Nagpasalamat siya sa ’kin, at nang ituloy namin ang pag-uusap, pareho na kaming makatuwiran at kalmado.”—Lurdes.
 
Hello TS!
Nabanggit nyo po na may anak kayo, and I am guessing na yun yung naghohold back sayo from making decisions na gustong gusto mo gawin.
It is easy to say na, "gather evidences, confront mo, take revenge" kasi hindi naman namin kayo kilala.
If paulit ulit po na ginagawa ni misis nyo ang bagay na ikadudurog po ng puso nyo, that only means that she does not love you anymore. She does not respect you at yung love mo para sa kanya.
Ang hirap kumalas sa isang relationship, lalo na at matagal na kayo. Masakit isipin na paulit ulit ka niloloko, pero mas masakit po yung paulit ulit mo pinapaniwala yung sarili mo na baka may chance pa na maayos.
Try not to mend things. Let it be. One day, gigising ka na hindi mo na sya mahal tulad ng dati. You respect her because she is the mother of your child, but beyond that wala na. Kusa ka na mag-momoveout.. magrerebuild.
Time heals all wounds. Take your time, know your worth <3
 
Kausapin mo yung foreigner na yun nga lubayan na mrs mo, sabihin mo may anak kayo, ayaw mo masira ang pamilya nyo. Syempre yung mrs mo kausapin mo rin. Wag mong sasaktan. Kausapin mo lang, tanungin mo bakit nya nagawa yun, di mo ba naiisip na may anak ka. Pano kung malaman ng anak naten na may kinikita kang ibang lalaki. Parang ganon ts. Iparamdam mo sa mrs mo na mali yun. Di na sya dalaga para makipag date ng madaling araw kasama ibang lalaki.
 
Ito ba yung foreigner na sinasabi mu boss?? Nako delikado nga😆

images (11).jpeg
 

Attachments

pag usapan nyo na lng ng totoo lods. kung anu gusto nya at plano nya sa pamilya nyo para walang gulo, kung gusto nya maki paghiwalay na wala ka na magagawa kasi kung titiisin mo ikaw lng din masasaktan
 
Hiwalayan mo na ..
Kapag pinatagal mo pa yan mas lalong masakit.. lahat ng nangyayari may dahilan...
Kung talagang mahal kayo ng asawa mo di niya maiisipan magtaksil ..
 
Sending hugs bro. 🙁

Tulad ng sabi ng iba rito i confront mo yung mrs mo sa mahinahong pagkataong meron ka kahit ginago kana, kasi kahit saan tignang aggulo yung pain nanjan na sayo, iisang tabi mo muna yung anger mo kasi hindi yan mareresolve kung pangungunahan ng galit.

Mahirap mang isipin pero isa na siguro to sa pinaka painful na mararanasan ng isang lalake saklap nito. I can feel the pain 🙁 resently may ganto rin kaming issue ng partner ko about foreign din.

Dalawa lang nakikita kung choices, nakikita ko dito you rather forgives her after all she did to you at para na din sa kids niyo. Saklap nito lulunukin mo yung respeto mo at pagkalalake mo just to save your family from being destroyed and start all over again. 🙁 Yung trust paniguradong broke na broke na sayo. 🙁

Pangalawa e yung i give up mo yung relationship na meron kayo at keep moving forward na separated nakayo ng mother ng kids mo. Pero ang pinaka maaapektuhan nito pag dating ng panahon e yung kids niyo. 🙁

Putcha kahit saang parte talong talo ka rito! 🙁
I hope na overcome mo yung pagsubok na to sa buhay niyo especially your kid bro. 🙁

Sending hugs and prayers to you and your kid bro.
 
tsk tsk. Buddy pag usapan nyu nalang ng maayus. Nasasayo parin yung dicisyon po kung hihiwalayan mo o magkakasundo kayo ulit.

Para sakin lang hihiwalayan kona may second chance na pala sya eh bat ganon inulit nyapa. basta mag sustento nalang sya sa bata, kawawa naman yung baby nyu buddy 7 years old pa di paya masyadong makakaintindi sa pangyayari ☹️

laban lang po master andito kami PHC sa likod mo handang mag abot ng payo ❤️
 
ako nga rin eh nag dalawang isip na ako kung mag stay forever single o mag aasawa? :unsure:
Wag! Wag munang subukan. 🤣 magugulo lang buhay mo hahahahaha'
Nakakatraumatize na yung panahon ngayon dimo na alam kung sino yung mga taong nag sstay sa tabi mo na totoo, magugulat ka nalang may tinatagong kademonyohan pala sa likod ng mga mukhang maamo. 😆
 
Try to open up to her po. Alam nyo naman po pareho na mali yung ginagawa nya lalo na't may anak na ka'yo. But if ipapatuloy nya pa rin po yung ginagawa nya despite sa confrontation mo, meaning di ka na nya deserve at iba na pinili nya
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. NTR
Back
Top