What's new

Nahihiya akong mag first move, andami ko kasing kaagaw

Ninjasinpajamas

Enthusiast
Joined
Jul 29, 2022
Posts
69
Reaction
32
Points
35
Hello! So, first of all, babae po ako hahaha. Eto na nga, meron kasing guy dito sa amin. I think napost ko na yung tungkol sa kanya sa previous threads ko. Etong guy kasi na ito may store sila malapit samin as in malapit lang, mga 2 bahay lang ang pagitan tapos sya yung laging nagbabantay. Family owned yung store na yun and yung tito nya yung may-ari. Lagi ko kasi syang nahuhuling nakatingin sakin. Wag nyo po sanang sabihing feelingera ako kasi pag dumadaan ako and kasama nya yung tita nyang magbantay, yung tita nya pag nakikita na akong padaan sa kanila lagi nyang sinasabi dito kay guy na "ayan na, ayan na". My gut also tells me the same and most of time, pag malakas ang kutob ko sa isang bagay, turns out na totoo nga. Tho mahirap nga mag assume since wala naman syang inaamin sakin and kapag bumibili ako sa kanila, naaaligaga sya lol. So iyon nga, friendly at may pagka mausap itong si guy. Nakakasundo na nga niya mga bumibili sa kanila e haha. Ambait nya pa, according to my mom and my sister, na palaging nabili sa kanila. Sa sobrang bait nya, may mga nagkakagusto na sa kanya na kapitbahay lang din namin HAHAHAHAHAHA. Naichika din ito sa akin ng mom ko kahapon lang. Walang alam si mommy ko na nagkakcrush na rin ako dun sa guy. Eto kasing naichika sakin ng mom ko, yung girl is nasa mid 30's or early 40's na and lagi nyang dinadalhan ng pagkain si guy dun sa tindahan kada tanghali. Maghapon din syang natambay dun kahit wala namang bibilhin sa kanila. Eto namang nagkakagusto sa kanya na si girl #2, mas bata sya sakin. I think senior high lang sya. Lagi rin yung nagpapapansin sa kanya pero I think na hindi sila pinapansin nung guy HAHAHAHAHAHA. Nasabihan na nga yun dito saming malandi daw. Eto ay based lamang sa chika sakin ni mommy since hindi ko alam ang mga kaganapan sa araw araw dahil may work ako. Nakakausap rin nung guy yung dad ko actually kasi mahilig tumambay daddy ko at makipagkwentuhan kung kani-kanino at kung saan-saan pag off nya sa work. Dahil alam nyo na ang storya, haha, gusto ko lang sanang itanong kung paano ako magfifirst move sa kanya? Alam ko nahihiya lang din yun e kasi one time, nung palabas ako ng bahay para bumili ng baon sa work, narinig ko yung tita nya na sabi e, "uy, ayan na! Sundan mo na sya!" HAHAHAHAHAHAHA. Andami kasing nagkakagusto sa kanya and mas malalandi sila kesa sakin haha. Hindi ko rin kasi pinapansin yung guy dati pero ngayon, unti na akong nagkakacrush sa kanya. Hindi rin ako masyadong nabili sa store nila pag andyan tita nya kasi nahihiya ako, pinagtitinginan kasi nila ako don HAHAHAHAHAHA. Plssssss, tips naman dyan. Ayoko pong tumandang single.


P.S. Hindi pa po akong nagtry mag first move sa lalaki because I always end up getting hurt kaya ayun, NBSB pa rin.
 
Last edited:
natural lang po ang maattrack don sa may gusto sayo lalo na kung di naman kapangitan kaya payo ko alamin mo kung totoo nag kacrush ka
 
mag pa load ka sa tindahan nila kahit magkano tapos e daan mo sa txt or call haha pero my messenger naman din .kung nahihiya ka makipag talk in person
Okay po sana ito, kuya. Kaso lang, ang binebenta kasi nila e yung mga pang ulam like raw fish, raw veggies, raw meat, etc.

natural lang po ang maattrack don sa may gusto sayo lalo na kung di naman kapangitan kaya payo ko alamin mo kung totoo nag kacrush ka
Pano po? Huhu hindi naman kami nag uusp nun, parang nahihiya kasi sya sakin panay lang sya tingin hahaha
 
Alam mo kahit maging kayo, marami ka magiging ka kompetensya, lapitin pala yan ng girls, jan magccmula stress mo, baka magkaroon ka pa ng kaaway, wag ka pumili ng lalakeng habulin ng babae, base on my experience, nakaka stress pag ganyann
 
Ang hirap sumugal. Baka kasi infatuation lang, yung idea na inaasar lang sya ng tita nya sayo eh baka di pangmatagalan.
Kung gusto ka talaga nya, sya dapat mag first move..
 
Kaibiganin mo muna yung tita hahahaha after nyan tuloy tuloy na yan hanggang doon sa guy
 
Ang hirap sumugal. Baka kasi infatuation lang, yung idea na inaasar lang sya ng tita nya sayo eh baka di pangmatagalan.
Kung gusto ka talaga nya, sya dapat mag first move..
Meron pong gusto si ts sa guy, e pano kung infatuation nga and wala palang gusto si guy edi nga nga si ts kakaintay?
 
Back
Top