potekk pag nakakabasa ako ng ganyan naaalala ko yung mga nangyari noon
andami ko ring chances na sinayang, mga maling desisyon sa buhay grabe... (sayang) AHAHAHAHA potchaa
pero de bale na... sa totoo lang masaya naman teenage days ko, kahit papano naka experience ako magka barkada pero lahat talaga ng kasiyahan may hangganan hindi talaga sa lahat ng oras ganon lang
yung iba may mga anak na o asawa, yung iba di na nag aaral o nag tatrabaho na, ung iba namatay
yung masaklap din don lahat ng tropa mo talaga na nakakasama sila pa yung mga nalayo o busy na rin sa kanilang buhay
grabee yung lungkot mo kapag nalaman mong malapit na silang umalis kasi lilipat na ng bahay o maninirahan na sila sa probinsya ganyan experience ko ehhh
ngayong college survival talaga yung ganap, maganda rin status ko sa mga kaklase ko kailangan mo talagang makipag close sa lahat tulungan kailangan
kaya siguro kung may mga makakabasa nito payo ko sainyo piliin niyong maigi makakasama niyo kasi ung ibang mga kaibigan niyo nung highschool o college, etc. hanggang doon lang un... iilan lang talaga ung mag sstay yung iba di mo rin inaasahan na sila ung tatagal sayo kahit na bihira mo lang sila noon nakakasalamuha