"MY SISTER IS HAVING ANXIETY BECAUSE OF WHAT HAPPENED TO HER" PLEASE GUYS TAKE TIME TO READ I NEED YOUR ADVICE 😩

basahin mo nga yung una kung reply, sa tingin mo nagpaparinig ba ako sayo? nagpapanggap kabang desente? alam ko hindi ka nagpapanggap dito na desente, shitposter ka dun sa religion topics eh. lol
 
[XX='homer_simpson, c: 529350, m: 1361956'][/XX]

shitposter cause ive seen alot of those religion vs charles dawkins style argument. supalpal? more like ego tripping.. btw agnostic-atheist ako.
 
TS to be honest ang hina mo ! kung kapatid ko yan kahit hindi physically nagalaw P*ta mababasag mukha nya at luluhod yan sa harap ko para magsorry sa kapatid ko ta*na hindi pwede na ipasadyos lang kasi kung hindi tuturuan ng leksyon yang gagong manyakis na yan uulit yan maniwala ka!
 
Mismo. Naku po. Sakin ganyan din gagawin Ko. Basag betlog nyan saken. Pero siguro umiiwas lang ng gulo si ts.
 
Hindi sa judgmental sa iba diyan pero mahirap talagang tumira sa loob ng iisang bahay ang lalaki at babae kasi hindi mo sigurado kung kailan mag-iisip ang lalaki gamit ang nasa baba niya imbes na yung utak sa taas. May mga g+go nga na kapatid, tatay o pinsan eh how much more pa yung hindi kadugo? Bihira yung genuine talaga.

Kung pwedeng mapatingin o mapakausap siya sa health professional gano'n sana kasi twice na palang nangyayari sa kan'ya. Baka naging traumatic lalo. Pero kung hindi kaya sa panahong ito siguro TS ito yung tamang oras para magpaka-kuya ka lalo sa kapatid mo. Iparamdam mo yung presence mo. Reach out ka sa kan'ya. Kumustahin at kausapin mo siya lagi hangga't maaari. Let her know that what happened is not her fault.
Base sa exp ko as a girl hindi naman po lhat ng lalaki ganyan, may matitino padin kasi nkaexperience na ako na nkailang ovrnyt kung kani kaninong clasm8 na lalaki (may babae ding kasama) nag inuman pa wla naman pong nabastos or what, tip lang s mga girls, kpag may bago kayong friend or ksama sa bahay maging OBSEVANT kayo, kpag may weird silang habits or "paramdam" maging proactive kayo at ilock agad ung mga pinto sa kwarto or umiwas na kayo lang maiiwan sa iisang lugar.
 
Una, hindi ko nilalahat. Totoo, hindi lahat ng lalaki ay gan'yan in the same way na hindi rin lahat ng lalaki siguradong HINDI GAN'YAN. Kahit gaano kagaling na observant, hindi pa rin maiiwasang magkamali. May mga taong magaling magtago ng masamang intensyon mapa-lalaki man o babae kaya dapat laging nag-iiwan ng puwang para sa doubts. Hindi lahat ng mga may masamang intensyon nagpapakita ng weird habits. Hindi makakabisado ang utak ng isang tao.

Kung never ka pang nabastos then good for you. Hindi kasi lahat ng babae pinapalad gaya mo na magkaro'n ng mga kasamang lalaki na matino. Kahit gaano pa ka-ingat ang babae, kapag may kasamang lalaki na nademonyo talagang mahirap. Anw, ingat ka lagi. :)
 
need nya ng counseling ts. nako yung iba natuluyan na dahil sa ganyang sitwasyon di madali ang problema na yan.
 
"kaya mo yan" madaling sabihin mahirap gawin. Tiwala lang at pananalig malalampasan yan kapatid mo. Tulungan niyo siyang makabangon ulit iparamdam niyong may pamilya siyang masasandalan.
 
Kaya ako ayaw ko makipagclose sa mga babae. May asawa na ako nagboboard kami mag-asawa sa isang bahay kasama namin mga workmates ng misis ko. Kwarto-kwarto kami. Kapag kinausap nila ako sasagutin ko lang tanong nila then kapag hindi na sila nagsalita,end of conversation na. Kalimitan kasi diyan nagsisimula sa closeness ng dalawang tao kahit sabihin natin friends lang diyan pa rin nagsisimula lahat.
 
First, cope up. Need ng kapatid mo ang family support e at the end of the day diba pamilya din naman ang tutulong sa isa't isa. Next, veracity. Given na magagalit yung parents nyo pero if ayaw nyo ng gulo settle at pag usapan nyo. I-divert nyo yung emotional stress ng kapatid mo like more on bonding, road trips, family vacation para maramdaman niya na meron at meron siyang masasandalan tho' di niya naman naging kasalanan at biktima lang sya. Kasi iba yung mental health problems pag di nasolusyunan ng maayos. Just like you, kuya din ako at panganay at family man na din pero naiintindihan ko yung sitwasyon mo kasi same lang tayo ng case na maaga nag asawa at di close sa mga mas bata sa atin na kapatid. Last resort nyo is need nya mag counselling thru a psychologist, makikita nyo kasi sa kinikilos ng kapatid nya kung andon pa din yung trauma na the fact na tapos na yung di inaasahang event na yon but still it haunts her pa din. Take time din dahil di ganon kabilis makapag cope up depende din sa kakayanan ng tao yan pero sinasabi ko sayo FAMILY pa din yung best way para matulungan mo sarili mo at ang kapatid mo TS. Just my two cents.
 

Similar threads

Back
Top